Hahaha. Inupload ko agad? Wala akong magawa eh.. :P
Hihihi. :P
xoxo ♥
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ng araw na yun, lahat ng students pinaguusapan yung nangyari nung umaga. Naging sikat tuloy yung girl.
“Ang lakas ng loob nung girl nu,” sabi ni Eleanor. Break time kaya nasa canteen kami.
“Oo nga eh. Sobrang daming nagkakagusto kay Nicholas pero konti lang yung nagaapproached sa kanya,” sabi naman ni Susan. “Pero sobrang nice naman niya na tanggapin yung gift nung girl.”
“Hindi natin alam kung tinapon niya yung gift after diba?” sabi ni Elyse.
“Hindi siya ganun,” nasabi ko na lang bigla. “He’s a nice person.”
Lahat sila ay tumingin sakin. “Ano. Sapalagay ko lang yun,” nahiya naman ako bigla.
“Eh kasi naman sobrang gusto mo siya,” tukso ni Susan.
“Pano naman si Dane?” tanong ni Samantha. Si Dane ay may gusto sakin since nung first year pa kami. Cute din siya, tennis player siya dito sa school at sobrang sweet niya. “Good looking naman siya ah.”
“Alam ko. Pero gusto ko siya as friend lang,” sabi ko.
“Akin na lang siya,” biro ni Elyse.
“Sakin na lang,” biro din ni Samantha. At kunwaring nagtitigan ng masama yung dalawa. Parang ewan eh nu. Bigla namang nagtawanan.
“Kukuha lang ako ng juice,” sabi ko at tumayo. Pumunta ako sa beverage station at tinignan lahat ng mga juices. Orange, mango, apple, pineapple, etc juice. Ano kayang mabili? Nakakatawa lang ang daming flavor ng mga juice. Siguro balang araw magkakaron din ng coffee juice o kaya vegetable juice. Hahaha. Natawa naman ako sa iniisip ko. Ang weird ko naman bigla.
“Excuse me. Tapos ka na ba kumuha?” biglang may nagtanong sa likod ko. Ang boses na yun. Tumalikod ako at si Nicholas pala yung nagtanong. Ang broad ng shoulder niya at sobrang mas mataas siya sakin. Maliit ba kong tao o sadyang matangkad lang to? Kumuha ako agad ng orange juice at umalis. Pagkaalis ko lumingon ako ulit sa kanya. Nakangiti siya. May nagawa ba akong nakakatawa? Bat nakangiti yun?
Bumalik ako sa table namin at ininom ang juice ko ng walang pahinga.
“Wow!” sabi ni Samantha. “Grabe ka uminom ah. Uhaw? Teka, may nangyari ba?”
“Ano bang ginawa ko?” bulong ko sa sarili.
“Ano ba yang binubulong mo sa sarili mo diyan,” tanong ni Susan. "Nababaliw ka nanaman."
“Nandun si Nicholas nung kinuha ko tong juice. Sapalagay ko may ginawa akong nakakatawa kasi nakangiti siya nung umalis ako.” Nababaliw na talaga ako ah. Ano ba kasi yung ginawa ko at nakangiti yung taong yun.
“Baka may ibang iniisp lang yung tao,” sabi ni Eleanor.
“Sana,”
“At least kinausap ka niya,” tukso ni Elyse.
Napangiti ako at lahat naman sila ay pinagtutukso na ko. Natawa naman ako sa mga jokes nila. Tumingin ako sa beverage station at andun pa din si Nicholas. Ang tagal naman magisp nun. Bat kaya ang tagal nun dun? May kinuha siyang juice at paglingon niya. Napatingin siya sakin at nakangiti ito. Nagiimagine ba ako? Sakin ba siya nakatingin? Baka naman sa ibang tao. Sobrang feeling ko naman para isiping sakin siya nakatingin. Ano ba yan Emma.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please vote or comment kung nagustuhan. :)
BINABASA MO ANG
Too Late
JugendliteraturAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...