Chapter 15

703 9 8
                                    

Haist. Matatapos na itong story na ito. Maiksi lang po kasi talga itong story. Sorry po. :(

Nga pala, dinededicate ko ito sa aking new reader na si periwinkle22. :)

Eto na po. Chapter 15....

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            Busy na kami ngayong mga nakaraang araw kakaaral. Hahaha. Kailangan kasi naming makapasa sa mga exams at magpasa ng mga requirements para makagraduate kami.

            At sa ngayon, nagpapractice kami ng graudation. Excited na ko!! Hahaha. Bukas na kasi ang graduation kaya super practice kami.

            Sa sobrang busy at excitement, nakakalimutan ko na si Nicholas. Buti naman diba? Masyado niya akong nasaktan. Kahit na nakikita kita ko siya dito sa school hindi ko na talaga siya pinapansin. Siguro paminsan minsan. Hehe. Minsan lang promise! Cross my heart. Hindi ko kasi maiwasang hindi tumingin sa kanya.

            Ano ba yan?! Bakit ba ako ganito. Haist.

            “Uy. Narinig niyo ba?” biglang tanong ni Elyse.

            Buti magkakatabi kami ngayon sa practice.

            “Ano yon?” tanong ni Samantha.

            Bigla naman kaming sinita nung teacher namin. Kainis.

            “Sabihin ko na lang mamaya,” sagot na lang ni Elyse.

            Pero nakalimutan na yung mamaya na iyon kasi nagcelebrate kami dahil bukas na ang graduation. Nagprepare din kasi ang school. May mga nakahanda ng food. Wiiiiiii……

            “Ang sasarap naman ng pagkain!!”

            Nga pala, nagresign na nga pala ko sa restaurant. Mahirap na kasi naging busy na din ako.

            “Sarap ng itsura nitong cake oh,” sabi ko.

            “Baka mukha lang yung lasa pala hindi masarap. Hahahaha,” biro ni Eleanor.

            “Ikukuha sana kita pero wag na lang pala,” biro ko.

            “Hindi naman mabiro to.”

            “Hahahaha. Eto oh.” Kinuha ko ng tigiisang slice kaming lahat.

            “Mukhang masarap din iyong cupcake oh,” turo ni Susan.

            “Kuha din tayo nun.”

            “Ayon din mukhang masarap.”

            “Lahat mukhang masarap!”

            Para kaming ewan. Parang ngayon lang nakakita ng pagkain. Hahaha. Pero masarap naman talaga yung mga itsura kaya ganon.

            Nakita kong nakatingin sakin si Nicholas. Napatingin din naman ako sa kanya. Inisip ko na lang na kailangan ko na siyang kalimutan kaya inalis ko na yung tingin ko sa kanya. Nang tumingin ako ulit, wala na siya. Siguro, after grumaduate ng high school makakalimutan ko din yung nararamdam ko para sa kanya. Sana.

            Successful naman yung celebration. Lahat nagenjoy kahit ako. Nakalimutan ko na yung mga problema ko kahit papaano. Pati si Nicholas nakalimutan ko din.

            Successful din ang graduation day namin. Hindi ko alam kung pumunta ngayon dito si dad. Si mom kasi kasabay ko pumunta dito pero si dad –

            “Emma. Parents mo oh,” biglang sabi ni Eleanor.

            Napatingin ako bigla at nakita kong magkasama ang parents ko. Napatakbo ako sa kanila at napayakap. “Mom! Dad! Nagpunta kayong dalawa ng magkasama!”

            “Nagusap na kami ng dad mo. Naayos na din namin yung problema namin,” sabi ni mom. Halatang masaya silang dalawa. Super smile eh.

            “Buti naman. Kala ko hindi na kayo magkakabati ulit.”

            “Makikipagusap lang kami sa mga other parents ah,” sabi ni dad.

            Tumungo ako at umalis na sila. May napansin akong namimigay ng school newspaper. Last na school newspaper na nga pala ngayon. Mamimiss kong magbasa nun. Nakakatuwa kasi yung mga nilalagay nila doon. Hindi na nga pala ako nakasali sa school newspaper. Hehe.

            “Hoy!” biglang sigaw ni Elyse.

            “Nakakagulat ka naman Elyse!” sabi ko.

            “Nagpapapicture kami eh. Tignan mo itsura namin sa picture oh. Mga nanlalaki mata,” sabi naman ni Samantha.

            “Sorry naman. Kailangan niyo itong basahin. Eto yung sasabihin ko pero nakalimutan ko na. Hehe,” sabi ni Elyse.

            “Ano meron diyan?” tanong ni Eleanor.

            Nakita naming hawak ni Elyse yung school newspaper.

            “Sa school newspaper?” tanong ko.

            “Oo!” excited na sabi ni Elyse.

            Excited to. Ano kayang meron dun.

            “May importante bang nakasulat diyan? May blind item ba diyan?” tanong ni Susan.

            “Wala. Basahin niyo na nga lang. Especially ikaw Emma,” sabi ni Elyse habang nakangiti sa akin.

            Nakakloko naman ngiti nito ni Elyse. Parang may balak na ewan. Kinuha ko yung school newspaper sa kanya. “Anong page?”

            “Yung pinakaunang page. Headline eh.”

            Nilabas naman ni Samantha, Eleanor at Susan yung mga copy nila ng school newspaper at nagbasa.

            “N.F?” tanong ni Susan.

            “Sino si N.F?” tanong naman ni Samantha.

            “Nicholas Faust,” sagot ni Elyse.

            “Nagsusulat ba si Nicholas sa school newspaper? Kailan pa?” tanong ko.

            “Eto nga yon sasabihin ko dapat sa inyo kahapon. Nung dumaan ako dun, narinig ko na may sinulat daw si Nicholas para sa school newspaper tapos sa last newspaper daw nila iprint yon.”

            “Bakit?” tanong ko ulit.

            “Basahin mo na lang puwede!” excited na sabi ni Elyse.

            “Kayong dalawa diyan. Puwede tumahimik? May nagbabasa dito,” inis na sabi ni Eleanor.

            Binuksan ko yung newspaper at nabasa ko ang title ng article ni Nicholas. Too Late.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bitin ba? Hehehe.

Sa susunod na update na lang po yung article ni Nicholas! wiiiii.. :)

Tatlong chapter na lang pala tapos na itong story.

Comment and vote na lang po. :)

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon