His Substantial Downfall

1.3K 20 6
                                    

AN:

Pasensiya na kung may mali kasi gumagawa lang ako sa phone eh pero mag enjoy na lang po kayo sa kwentong ito hahahah! puro kabaliwan ang laman nito salammmaaatttt!!! :)))

nasa side po si Ma. Aizhelle Pauline Tiamzon :)) she's pretty isn't she???? :D

MY CRUSH'S BROTHER

Grabe! Ang gwapo niya talaga! Hihi halos kiligin ako sa isip- isip ko. Nakatayo ako ngayon sa gate ng school ng makita ko ang high school crushie ko na may kausap sa hallway. Ako nga pala si Ma. Aizhelle Pauline Tiamzon Madrigal isang Law Student dito sa Unibersidad Ng Pilipinas. Tapos ako sa kursong Political Science, di ko naman talaga gustong course na to kundi ko lang sinusundan ang aking crush na si Mark Klein Vera Sanchez. Gwapo siya,matalino.. ang kaso nga lang... mmmmm? bading siya. Aissst! Di ko nga alam bat na love struck ako sakanya ng ganito,since high school pa. kahit alam kong di niya ako magugustuhan kahit kailan,never in his life! Same sex ang gusto niya. Lalake hindi babae! Maliwanag pa sa sikat ng araw yun, pero masisi mo ba ang pusong nagmamahal? Haha chos!

"oi pauie!" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko

"Ay pusa kang kinalbo!" Sambit ko

"Haha para ka namang timang jan!" Sabi naman ni Shanny, siya si Shanny Claire Aguirre Chao,isa sa mga makukulit kong barkada,half chinese siya. Lahat ng pamilya naming magbabarkada may sinabi at kilala sa lipunan.

"Ako pa ngayon ang timang no? Ikaw kaya nanggugulat jan!" Sabi ko habang nakatingin siya sa direksyon ng tinitignan ko kanina

"Sows! Kaya naman pala eh! Yang baklang pinapantasya mo na naman. Hmp! Bat pala nandito ka? Di mo dala kotse mo?"tanong niya nakakainis talaga to, mapanlait na ang hard pang magsalita sa crush ko para di ko siya kaibigan! Hahha nagemote ba?

"Nagpahatid lang ako sa driver ni daddy, si Kris Ren daw magdadala ng kotse para mamaya daw gimik tayo sa bar ng boyfriend niya"

"Aw.. lumalove life na pala talaga yung baboy na yun ah! Hahaha" sabi niya, ganyan lang talaga yan mapanlait pero maaasahan sa lahat ng bagay ahaha actually lahat naman sila.

"Ano bang oras klase mo ngayon?"tanong ko, pol sci. Graduates lahat kaming 5 kaso nga lang negosyante lahat ng mga magulang namin at tagapag mana so we need to learn a lot of things to know about how to run businesses or companies. Sila lang ang nagtake ng management Course, ako talagang masugid ako kay klein nung malaman kong mag lalaw siya agad kong pinilit ang dad ko pumayag naman siya, they are all supportive parents.

"2pm, ikaw?"

"2 din"sabi ko ala una pa lang kaya hinintay na namin sa may park sina Kris Ren Harrison Diez, Jenina Xaina Alquar Salazar, at si Resz Zoie Jane Decerna Gibb. 15 minutes ng dumating sila sakay sa kotseng kulay pink ni Kris.

"Hi mga ateng!" Bati ko sa kanila, nagsmile lang sila, ganyan mga yan eh no comment lagi, pero pag nakasumpong lahat maingay ahaha!

"Oi baboy! Este babe! Namiss kita hahah" sabi ni shanny kay kris, si kris kasi mataba nung college kami, ewan nga namin biglang pumayat, di naman siya nagpalipo. Ewan ko anong magic ang ininom niya para maging slim siya.

"Mas mukha ka ng baboy sakin shanny no! Haha" asar niya

"Mas maganda naman!" Ganti niyang sabi

"O whatever! ikaw na kasi maganda!" Sabi nman ni kris

"Pauie, bat nga pala nag law ka?" Takang tanong naman ni Xaina.

"Ka---"

"kasi si Klein dito nagenroll ng Law, kaklase nga niya eh!" Sabi naman ni Shanny.

His Substantial DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon