chapter 15

160 8 2
                                    

AN: anyooooooooooooonnnnnnnnnnngggggggg!! happy 1k plus :)) enjoy this UD :*

Chapter 15

Kevin's POV

Di ko na kinagulat nung mapanood ko sa balita ang tungkol sa engagement party at french exit na ginawa namin ni Pauline kagabi. Naalala ko na naman siya, okay na kaya siya? masakit pa ba kaya puson niya?tawagan ko kaya siya? baka busy naman na siya?o itext ko kaya siya? magrereply kaya? haist! nakakabaliw! kinuha ko ang phone ko. 

To: Pauline

Hi, Good Evening. Okay ka na ba? di na ba masakit puson mo? ay mali mali delete!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

To: Pauline

Hi, Good Evening Pau,feel better? kumain ka na ba?

nakakainis naman! binalabag ko sa kama ang phone ko. ano ba to itatanong ko lang naman kung ayos siya, di kasi siya nagttext! aiiiiiisssssssssssttttttttt! napatakbo ako bigla sa kama ng marinig kong tumunog ang phone ko.

Mr. Tom

Calling...

daddy niya?

"hello?"

"hello Kevin, I would like to invite you on a dinner dito sa bahay"

"sige po, kailan po mr. Madrigal?"

"later at 8pm are you free?"

ibang klase din tong future daddy in law ko ininvite muna ko bago itanong kung free ako. at agad agad talaga? nagisip muna ko kuno bago pumayag, for sure nandun si Pauline.

"opo, free po ako"

"good" yun lang at pinatayan na ko ng phone, mejo cool tatay niya huh? alas sais na kaya kailnagan ko ng maligo, pagkatapos ng isang oras pasado alas siete bumaba na ko at nalagpasan ko ang dining area namin nakita ko si mommy na nagpprepare ng hapunan.

"ma, alis po muna ako" paalam ko sakanya

"san ka pupunta?"

"tumawag po si Mr. Tom Madrigal ininvite po ako maghapunan sa bahay nila"

"daddy ni Pauline?"

"yes ma, sino pa po ba?" pumunta siya sa harap ng refrigerator at may kinuhang isang box

"o heto Kevin, ibigay mo kina kumare at kay Pau ah? sansrival yan, ginawa ko kanina" mahilig ang nanay ko gumawa ng mga pastries libangan niya kapag walang magawa sa bahay

"sure ma, magugustuhan nila to, isa sa mga specialty mo to eh" ngumiti siya

"sana nga, mukha naman di maarte si Pauline eh, unlike Chloe.. she hates pastries" oo nga pala masyado ako naging busy ngayong araw na to, ni di ko man naisip si Chloe, maselan kasi sa pagkain un, model kasi ayaw niya ng mga nakakatabang pagkain.

"mommy naman.."

"o sige na anak, magiingat ka ah? pakomusta mo ko sa kanila at sabihin mo minsan pasyal sila dito at dito na sila maghapunan"

"sige po ma alis na po ako" at hinalikan ko siya sa pisngi

"drive safely!" pahabol niya bago ako maaklabas papuntang garahe

"yes ma!" sagot ko

Pauie's POV

5:30 na pala, kanina pa kami dito sa bar ni  Mond, pagkatapos namin magusap ni Klein Kanina hinatid niya ko dito. Kung mabait si Klein, mas mabait pala si Kevin. haist! pero ayoko pa din magpakasal sakanya! kinulong ko ang mukha ko sa dalawang palad ko, at siniko ako ni shanny.

"ANO?!" super frustrated nako

"kanina pa tumatawag yan" at nginusuan ni shanny ang phone ko na nakapatong sa lamesa, kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang screen

Daddy

Calling...

di pa naman maingay dito bar kaya sinagot ko na

"daddy"

"umuwi ka sa bahay ngayon" o here we are again! nagiging mapangutos ngayon ang daddy ko

"why dad?"

"i invited kevin para dito kumain ng dinner, i want you to be here before he arrive"

"but dad--"

"no buts! see you later baby"

"okay" ang nasabi ko na lang, wala rin naman ako magagawa eh

"i need to go guys" paalam ko sa kanila

"bakit?ang aga aga pa tapos ikaw pa nga nagyaya" xaina said

"tumawag si daddy, magdidinner daw si kevin sa bahay

"ow.."

"you better go now" sabi ni Ren

"yeah, thanks sa time guys, resz sabay ka na lang kina shanny later" e kasi nga wala siyang dalang kotse

"oo na,alis kana.. ingat ka, regards kay Kevin" with evil smile at nagtawanan sila, mga sira ulo talaga

"chao" paalam ko at umalis nako, mejo malayo ang bahay namin kaya before 7 nako nakarating sa bahay, pagkadating ko nakita ko si mommy nakaupo sa sofa

"Aizhelle" tawag niya,lumapit ako nagbeso beso sakanya

"amoy bar ka" mga nanay talaga kadaming napapansin!

"galing po kami sa bar ni mond, uminom po kami ng konti"

"anak,alam kong ayaw mo pang magpakasal, pero please pagbigyan mo na daddy mo"

"ma, ayoko na pong pagusapan, maliligo na po ako" paalam ko sakanya

"Aizhelle mahal ka namin kaya ginagawa ng daddy mo to"

"mahal po? mahal po bang matatawag ang itali ako sa lalaking di ko naman kilala? mommy, pinilit ba kayo nun nila lola na ipakasal kayo kay daddy? di naman po diba? mahal niyo siya kaya nagpakasal kayo, ngayon ayaw niyong maranasan ko na ikasal ako sa lalaking gusto ko? kung si Kevin ang gusto niyong mapangasawa ko, hayaan niyong ako mismo ang magdesisyon, hindi nako bata!"

*pak!*

"Tom!"

"Ma. Aizhelle Pauline!" si daddy, nakita ko siyang nagngingitngit sa galit

"hindi ka namin pinalaki ng mommy mong walang galang! sige wag kang magpakasal kay Kevin, kaya mo bang mabuhay magisa at maghirap?! umayos ka dahil sa oras na inulit mo pa to ipapasara ko mga store na pinatayo niyo ng mga kaibigan mo!" di ko na kinaya ang mga nangyayari kaya tumakbo ako papuntang kwarto habang umiiyak, bat ganun siya? first time niya kong pagbuhatan ng kamay, sumobra na ba talaga ako? nagkulong ako sa kwarto ko, di ko namalayan na nakatulog ako.

*laters baby :))

His Substantial DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon