chapter 5

223 10 1
                                    

AN: Meet him, Mark Kevin Sanchez :))

Kevin's POV

Bonjour Vous! Buti nalang binigyan ako ni author ng pagkakataon makilala kayo at makilala niyo ko ahaha! J'etais si Mark KEVIN SANCHEZ, 22 Years of age and ready to get married, yap tama kayo ng pagbasa, I supposed to be getting married sa long time girlfriend ko na isang french model, ng biglang ipatawag ako ng daddy kong tuso. Ang sabi niya may malala siyang sakit and he wants me to marry a young lady na never ko pang nakita, para daw masalba ang kumpanyang pinakamamahal niya at para magpagamot daw siya. since nagraduate kami ng elementary ng kakambal kong si klein ay lumipat na kami ni mommy sa France, dahil basagulero ako nun, di ko matanggap na may bakla akong kapatid, lagi kasi kaming tinutukso. Ikaw ba naman sa harap ng maraming tao nagsasasayaw siya pinapakita niya kabaklaan niya nakakabwisit!kamukhang kamukha ko pa naman siya, minsan pinagkakamalan ako yung bakla kaya napapaaway ako. Anyway, eto nga pinauwi ako ni dad one week ago pero tago lang, kilala din kasi kami dito sa bansa. Ayokong pagfiestahan, lalo pa't alam nilang model ako sa Paris.

*flashback

Daddy

Calling..

"bonjour?"

"bonjour kevin, bonjour France?"

"bon alors je, still France dad, buti napatawag kayo? May sakit ba kayo, iba kasi yung boses niyo"

"Kasi anak, kailangan mong umuwi, as soon as possible"

"Huh? Bakit?"

"Dito na lang tayo magusap" at binaba na grabe tatay ko kung makautos lang na umuwi ako. Kinabukasan nagpabook ako ng flight pauwi sa Pilipinas, pagkalabas ko sa airport dumiretso ako sa bahay. Nagdoorbell ako si manang ang nagbukas, i mean hindi ko siya kilala pero nakauniform siyang pangkasambahay so i guess si manang siya hahaha

"Sir klein? Bat po nagpakulay po kayo ng buhok?" Takang tanong niya

"Ahahaa manang i'm Mark Kevin, Klein's twin" sabi ko

"Yung nakatira sa Paris? Sir tuloy po kayo pasensiya napo di ko po kayo nakilala, sa picture ko lang po kayo nakikita" paumanhin ni manang

"Sus! Wala yun manang si daddy?"

"Nasa loob po, sir ang gwapo niyo po pala talaga sa personal" at parang kinikilig si manang

"Ahahaa at dahil jan manang may chocolates ka sakin mamaya" at kinindatan ko siya at nagblush siya dumiretso nako sa loob namiss ko ang pilipinas, namiss ko bahay namin it's been 5 years nung huli akong bumisita rito.

"I'm hommeeeeee!" Sigaw ko ng makapasok ako sa sala namin, lumabas si mommy

"Ano namang ingay yan kle---" nanlaki ang mga mata ni mama ng makita ako

"Kevin?! Ikaw ba yan anak?"

"Yes ma!" At niyakap ko siya

"I miss you ma"

"I miss you too, bat di ka naman nagpasabi na uuwi ka ng naisundo ka namin? Manang maghain po kayo ng makakain!"

"Si daddy kasi tumawag kahapon, at parang may sasabihin atang importante"

"Ah oo sige punta ka muna sa kwarto mo magpahinga ka, nga pala wala si Chloe?"

"Wala ma 3 days lang naman ako dito ma, babalik din ako dun may trabaho pa kong naiwan dun"

"Kadarating mo lang aalis ka na agad" tampo ni mama

"Mama naman, pwede naman kayong pumunta dun eh, and besides nandun naman yung ibang business ni daddy na ako ang nakatoka" paglambing kong sabi

"O siya magpahinga ka na muna" sabi niya. Dumiretso na ako sa kwarto ko, nakaidlip ako ng di ko namamalayan dala ng sobrang pagod sa byahe, nagising ako sa isang katok sa pintuan.

"Sir kevin, kain na daw po kayo sa baba"

"Sige po manang!" Sigaw ko. Naghilamos ako at agad bumaba, nakita ko sina daddy, mama at syempre ang kapatid kong babae si Klein.

"O kevin kain ka na dito" sabi ni mama

"Welcome home brodddyyy!" At niyakap pa ko ng kapatid ko natawa na lang ako

"Thanks sissy, nga pala i brought you something, make up kit from Chloe"

"Really?! I love your fiancee na hahah" sabi ni klein ang larit talaga, oo tanggap ko na na beki siya bebe gandang hari jr. Siya ahahha e kasi naman baliktarin mo man ang mundo, kapatid ko pa rin siya, kaya di ko na siya kinahiya

"Kumain ka na kevin, may paguusapan tayo mamaya" sabi ni daddy na mejo matamlay ang boses.

"Yes dad". After namin kumain sumunod nako kay daddy sa study table.

"Dad ano po yung paguusapan natin?"

"Alam mo ikaw lang maaasahan ko sa bagay nato, si klein wala nakong pagasa sakanya"

"Ano po yun dad?"

"Alam ko may girlfriend ka na anak, but i need this company para di tayo bumagsak"

"What do you mean dad?" Kunot noo kong tanong

"You know the Madrigal Corp. And realty right?"

"Yes dad kasama sila sa top 10 wealthy and powerful company"

"Mr. Tom asked me if you are still single, i told him yes, you are still single and available"

"Whhhaattt?!"

"Kevin, he wants you to marry his daughter Ma. Aizhelle Pauline Madrigal"

"But dad! I have already chloe, we will getting married next year!" Galit kong sabi, may kinuha siyang mga papeles sa drawer niya

"Read it" sabi niya, tinignan ko naman mga finance and sales yung mga papeles, halos pababa at halos maubos na ang funds ng company namin

"Ano to? Pabagsak na negosyo natin? Pero dad sa France maganda naman ang takbo ng negosyo dun"

"Alam ko pero kulang pa yung mga stocks natin dun para maisalba ang mga companies natin dito, si Mr. Tom Madrigal lang willing magpahiram satin ng pera!"

"But dad.."

"Come on young man, marriage is only a piece of paper, kapag hindi talaga nagwork out at mahal mo pa rin si Chloe maghiwalay kayo, pakasalan mo anak ni Mr. Madrigal maganda siya di siya mahirap mahalin at kilala siya ni klein, classmate niya since high school and now sa UP" kinuka niya ang isang picture at inabot sakin

"Siya si Pauie" tama si daddy maganda siya, mukhang may pinagaralan at mayaman.

"Pakasalan mo siya, sila lang ang makakasalba satin" at tumalikod na si daddy

Sa sobrang inis ko, pumunta na lang ako sa isang bar, pagpasok ko pa lang may nakita nakong nawawala sa katinuan e pano naglalakad siya di niya alam san siya papunta, di ko na sana siya masyadong papansinin ng matamaan siya ng isang ilaw na umiikot, kamukha niya yung nasa picture kanina sakto lang ang paglapit ko dahil matutumba siya buti nasalo ko siya. Ang ganda niya, pero mukhang lasingera. Nagulat ako nung tinawag niya kapatid ko.

"O,klein! Ikaw pala *ek* yan" di ako nagsalita

"hihihi! Buti nandi*ek*to ka?*ek*?" Tanong niya

"Pasensiya ka *ek* na *ek*mejo lasing na ako Hahah *ek" sabi niya ng bigla niyang hinawakan ang mukha ko,iba ang pakiramdam ko ng hinahaplos niya ang mukha ko, ang lambot, ang sarap sa mukha ng mga palad niya

"Siguro *ek* klein naghahunting ka ng *ek* boys dito no,well sad to say akin ka *ek* ngayon *ek* ala---" may gusto siya sa kapatid ko?! Buti na lang at agad ko siyang binitawan dahil mukhang magsusuka siya, siya ba ang heredera na gustong ipakasal sakin ni daddy? Napaka Gross niya kapag nalalasing. Hinintay ko pa siya kung lalabas siya kaso halos kalahating oras na ata siya nasa loob ng c.r dipa lumalabas baka nakatulog na dun, pumunta na lang ako sa counter at nagorder ng hard drink. After ng ilang minuto nakita kong linabas siya ng isang babae siguro kaibigan niya yun, mukhang kahit lasing si Aizhelle nakikipagtalo pa, kailangan kitang pagaralan, dahil ikaw ang misyon ko ngayon Ma. Aizhelle Madrigal.

★laterr

His Substantial DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon