AN: eto na naman ang walang note ni author hahah! libre lang po magcomments and votes, konting supporta naman po jan hoho! enjoy this chapter :))
Pauie's Pov
bigla akong nagising sa kaingayan ng tyan ko, e kasi naman di pa ko kumakain eh! komusta kaya yung dinner kanina? naniwala kaya sila kay manang lyds? kainis naman kasi! makababa na nga muna, wala naman sigurong multo dito sa bahay namin. Di naman talaga ako dito tumitira, sa condo ako naglalagi. Ano kaya makakain? binuksan ko yung refrigerator, magpapainit na lang ako ng makakain, may nakita akong isang box, ano kaya to? ng buksan ko nanlaki mga mata ko ng makita kong sans rival! huuuuwwwwoooowwww! ang sarap nito ah! kinuha ko ang buong box saktong isasara ko na ang ref ng may mahagilap akong nakaputi sa gilid ko, napalunok ako.
"what are you doing?" nabitawan ko ang box ng marinig ang boses ng isang lalake, sisigaw na sana ako ng tinakpan niya ang bibig ko. O my gosh! sino to?! yung security guard ba ni daddy to? may pagnanasa ata siya sakin OMG! nagpumiglas ako ng maramdaman kong dinampi niya ang labi niya sa tenga ko, OMG! he will rape me! pero naamoy ko ang bango ng hininga niya infairness sa kanya nageffort pa talagang mag mouth wash bago niya ko irape, hay nako Pauie! irerape ka na nga landi mo pa! abay nako naman! lalo pa kong nagpumiglas at sumisigaw nako kahit takip pa rin sa bibig ko ang kamay niya.
"wag kang mamulabog pau" ng mapamilyaran ko ang boses niya. humarap ako sakanya para makita ko kung siya nga.
"Kevin?!" bulyaw ko
"wag ka nga maingay, namumulabog ka ng mga tulog"
"ano ginagawa mo dito?" tanong ko
"dito na ko pinatulog nila mommy" did i heared it right? o may depekto tong mga tenga ko?
"ano kamo?"
"dito na ko pinatulog nila mommy at daddy"
"pwede ba wag ka nga nakikidaddy at mommy jan, sino naman nagbigay ng permiso sayong tawagan silang ganun?"
"sila mismo, and besides i'll be your husband soon, gutom ka ba? ano gusto mo kainin?" tanong niya
"yung sans rival" sabi ko. talagang sila mismo? e bat di na alng sila yung magpakasal?
"a eto ba?" atska niya pinulot
"pwede pa, di naman siya nasira, bat mo kasi binagsak?"
"sino ba nanggugulat jan?" pagmamaktul ko
"nagulat ba kita? sorry for that babe. e ano gusto mo kainin honey?" ano raw? may babe na may honey pa. isssshhhh!
"pwede na ko sa sans rival Kevin, at pwede ba? tigilan mo nga ako sa mga endearment mong nakakaumay"
"ow? mood swing baby?" di ko na lang siya pinansin, kukuha na sana ako na platito at tinidor ng hinila niya ko papunta sakanya dahilan para mapaharap ako ng malapitan sa mukha niya. ampogi niya geeezzz! hay Kevin, este! Klein! si Klein lang isipin mo Pauie! si Klein lang!!! nagclear throat ako para umiwas, at inalis naman niya yung pagkakahawak sa bewang ko. spell AWKWARD?
"umupo ka lang dito, at ako ang bahala" at pinaupo niya ako, at kumaha siya ng pagkain sa ref at pinainit niya. habang pinapainit niya yung pagkain minamasdan ko lang siya, yung peklat sa mukha niya di nakakaduming tignan, in fact nagpapadagdag pa sa kagwapuhan niya.
"kevin?"
"mmm?"
"bat nandito ka?"
"di ba sinabi ng daddy mo?"
"bat ka pumunta?" tinignan lang niya ako at nagsmile, waaahh! busog nako ang yummy kasi niya hahaha! malanding isip! impaktita ka talaga isip kaaa!
"o, okay na. kain kana" wow! karekare! oi! pauie! pinainit lang yan kung makareact naman wagas? nangati ang aking ulo sa nagaaway kong isip!
"wala bang lason yan?" tumawa siya ng malakas
"pinainit ko lang yan kung malalason ka man yung taga luto niyo sishin mo" at tawa pa rin ng tawa, parang tanga lang. ano ba nakakatawa sa tinanong ko? seryoso kaya akoooo! gutom na talaga ako. pinaghain niya pa talaga ako with juice! ang sarap! kain, lamon! wooohhh!
"ganyan ka ba talaga kumain?" O.O yan ang reaction niya, binigyan ko lang siya ng "wala-kang-pakialam look" hindi ko na lang siya pinansin, basta kain lang ako ng kain.
"your dad want us to get married next week" nabulunan ako sa sinabi niya, at dali dali niya kong pinainom ng juice
"hey! dahan dahan naman kasi kung kumain ka parang wala ng bukas"
"a-ano ulit sinabi mo?"
"hindi ka ba nakakaintindi ng english?" aba't!
"gusto ng dad mo na magpakasal na tayo next week" ganun na ba kaatat ang tatay ko?
"ano sabi mo?"
"i told him na di pa natin napapagusapan"
"gusto mo ba talagang magpakasal?" tinignan niya ko
"i mean, we don't love each other, we don't have feelings"
"you know what pau, for me ang hirap gawin, pero kailangan kitang pakasalan" naisip ko ang paguusap namin ni Klein last time. tumango lang ako.
"don't worry i will do everything pau para maging masaya ka sa marriage natin" ano raw?! e hindi naman namin gusto ang isa't isa. ok fine! gwapo siya naaatract ako pero hanggang dun lang eh.
"what do you mean?" sabi ko
"ah?eh? am? gawa tayo ng mga rules"
"okay" pagkatapos kong kumain, syempre yung sans rival pa! hahaha! habang gumagawa kami ng mga rules kumakain ako.
"wala ka bang kabusugan ka?" tanong niya
"magsulat kana nga lang jan" sungit kong sabi
"bakit ikaw tapos na ba?" sabi niya
"oo" sabi ko
"patingin nga" atska niya kinuha yung papel
NO SEX
"eto lang ang rule mo?" tanong niya
"oo, bakit? meron pa ba akong idadagdag?"
"alam mo ba nagkandahirap hirap akong magisip ng mga rules ko tapos yan lang sayo?"
"aba! mr. kevin sanchez! rule ko yan kaya wala kang karapatan sa ilalim ng bilog na buwan ang magreklamo! kasalanan ko ba na napakadami mong keme sa buhay?" nagulat ako ng pinunit niya ang papel na ginawa niya
"pwes ang rule ko, bawal ka magdala ng lalaki sa bahay mapakaibigan man o manliligaw mo"
"sure! ikaw pwede ka naman magdala wa lang kayong magjugjugan sa bahay ko"
"okay! deal!"
"DEAL!"
*LATERS
BINABASA MO ANG
His Substantial Downfall
RomanceIt started out when i was 1st year high school. I noticed the guy sitting in front of me, he is extremely cute and smart. I admit crush ko siya but days passed i realized he has a kind of stereotypical gay voice. Hanggang sa naging close kami and i...