AN: dapat 2chapters ang ipopost ko kaso next time na lang hahaha lolxD. dinededicate ko tong chapter na to sa mga readers ko na walang sawang nagbabasa sa mga storya ko, i hope and pray *parang kanta lang hahah* na dadami pa mga readers ko in time, so please do help me na ipromote mga stories ko, Here's chapter 9, enjoy guys! GodBless and Mmmmmmmmwwwwwaaaa!:*
Pauline's POV
akala naman niya ganun ako katanga para maniwala sakanya? Mukha nga siyang chickboy! Wala pa akong nagiging boyfriend pero hindi ibig sabihin nun madali akong mag pa- uto! Sasakyan kita Kevin kung yan ang gusto mo, total ito rin naman ang gusto ni daddy, at may advantage din akong makukuha, mas lalo ako mapapalapit kay Klein! So now Kevin let the game begin!
Nandito kami ngayon sa isang Inn buti na lang may nakita siya, ayoko matulog sa kalye no! Narinig ko na naman nagvibrate cellphone ko. Kanina pa to nagvavalibrate alam ko naman si daddy lang to. Kinuha ko ang phone para tignan kung sino yun.
Xaina
Calling..
Aw! Mga teng! Nakalimutan ko na kayong kontakin.
"Hell--"
"Fuck! Where the hell are you Pauie?! Papatayin mo ba kami sa pagaalala sayo?! After kang tangayin ng lalaking yan!where are you?" Bahagya kong linayo ko ang phone sa tenga ko, baka mabasag ang ear drum ko sa babaeng to
"Ahmmm.. relax xaina--"
"Relax?! Pauie naririnig mo ba yang sinasabi mo?!"
"Of course! Wala naman depekto tong tenga ko, pero magkakaroon na kapag hindi ka tumigil kakasigaw jan"
"Fine, where are you?" Mahinahon niyang tanong, buti naman uso kalma sa kanya
"I'm with Kevin, sa isang Inn"
"What!?? Kayong dalawa lang at nasa isang motel kayo?!" Sigaw ulit niya, lumayo muna ako kay Kevin at dun sa front office attendant na nagpapacute sakanya kanina pa!
"Hey Xaina! Grabe ka naman kung makasabi ka naman nian! Nasiraan kami dito sa may Tagaytay, we need accomodation, alang alang naman matulog kami sa kalye no!" Sabi ko
"Okay fine, sabihin mo jan ingatan ka!"
"Oo na! Si daddy pala? Ano nangyari sa party kanina?"
"Ahhh.. with that, wala, nag french exit ka, i mean kayo ng Kevin na yan ano expect mo?"
"ok fine"
"O pano pala yang engagement mo?"
"Di ko tutuloy no, basta paguwi ko chika na lang okay?"
"Oo, at kailangan natin sabihin kay resz yung about kay axel!"
"Sige sige, goodnight teng"
"Magingat ka jan! Goodnight"
"Bye"
"Chao"
I pressed the end button, ng makita kong 27 missed calls ako at may 32 na new messages, grabe pasasabugin ba nila cellphone ko? I received 10missed calls from dad,and the remaining sa mga bruha na,di ko na inabalang basahin pa mga text messages pagod nako. Pagkatapos nun bumalik na ko sa lobby ng inn.
"Okay na ba yung mga kwarto Kevs?"
"Yun na nga Pauline, wala na daw available na rooms, isa na lang daw"
"Ah ganun ba? Pero double bed naman yun no?" Tanong ko sa attendant
"Hindi po ma'am single bed lang po siya"
"What?! Di naman kami kakasya dun ah! Pwede magrequest ng extra bed?"
"Sorry ma'am,weekend po ngayon, fully book po kasi kami ngayon at occupied po lahat ng mga extra bed namin"
"Ilan ba extra bed niyo dalawa?" Gusto ko ng makipagaway sa babaeng to! Nakakainis! Ipasara na lang nila tong motel nila!leche! Nahawa nako kay xaina sa pagkahigh blood!
"Pauline, take it easy"
"Take it easy ka jan! Can't you see it? Ayaw kitang makasama sa iisang kwarto!"
"Fine, di naman tayo magtatabi sa kama, may respeto din naman ako sa babae"
"Mabuti kung ganun, asan na susi?"tanong ko sakanya
"Maganda na sana kaso kasungit" sabi nung attendant, ibulong mo pa dinig ko naman!
"What did you say?"
"Ah.. w-wala po, eto na po yung susi"kinuha ko yun atsaka ko siya inirapan, kasunod nun si Kevin.
"Pasensiya kana sa girlfriend ko ah? PMS lang siguro" sabi ni Kevin kahit nakalayo nako ng konti narinig ko pa rin siya.
"Kevin! Rinig ko hanggang dito o! Sa sasakyan ka na lang matulog!" Sigaw ko,wala akong pakialam kung makabulahaw man ako ng ibang tao, nakakabwisit kasi!
"Hey babe! Don't do that!" Patakbong sabi ni Kevin
Nakarating na kami sa kwarto, thank God may sofa.
"Bat ba ang sungit mo?" Tanong niya
"Pagod ako, Dun ka na lang sa kama Kevin, dito na lang ako sa may sofa"
"Okay ka lang? No, dun ka na lang sa kama, ako jan"
"Nakakahiya naman sayo ikaw naman nagbayad nito"
"Sus!para yun lang, kung gusto mo tabi na lang tayo sa kama"
"Neknek mo!" Tumawa lang siya, lalo siyang gumagwapo sa tawa niyang yan
"Bakit?" Tanong niya sakin
"W-wala"
"Naggwagwapuhan ka sakin no? ko ng alam yan"
"Wala ka naman masyadong bilib jan sa sarili mo no?"
"Konti lang"
"Tsss!jan ka na nga!"
"San ka pupunta?"
"Banyo,sasama ka?"
"Sige! Tara" At ngumiti siya Ng nakakaloko
"mangisay ka!" At nagact nga siya ng nangingisay, sira ulo pala to.
"Abnormal" at tuloy tuloy na kong pumunta sa banyo. Pagkatapos kong maghilamos, nakita ko siya nakahiga na sa sofa. Napagod siguro, di ko na siya inabala pa. Pagod din ako gusto ko na rin matulog. It's already 12 in the midnight.
*lateerrrr!

BINABASA MO ANG
His Substantial Downfall
RomanceIt started out when i was 1st year high school. I noticed the guy sitting in front of me, he is extremely cute and smart. I admit crush ko siya but days passed i realized he has a kind of stereotypical gay voice. Hanggang sa naging close kami and i...