Let me love you that's all you need baby
Let me love you that's all you need baby
Let me love you that's all you need baby
Paulit ulit na lyrics ang nasa isip ko hanggang ngayon nang dahil sa kinanta ni Justin 1 week ago noong kami ay magka sama sama. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ito umuulit sa isipan ko, ayokong mag assume sa ginawa niyang yon. Kaya medyo hindi muna ako magdidikit minsan sa kanila gusto ko din mag isa, para malaman ko kung kaya ko ba talagang sumaya ng walang kasama. Minsan ay may mag aaya ulit ng gala, pero hindi ako nakakasama dahil gumagawa ako ng alibay ko.
"Shei, sabay tayong dalawa magenroll ha?" Kasalukuyang nandito ulit si Andrea sa bahay, dahil sabi ko ayoko munang umalis ng bahay dahil tinatamad ako.
"Oo ba, wala namang ibang magsasabay kundi tayong dalawa lang. Isama mo kaya si Carlos?" Pag aya ko dahil nagtaka ako bigla dahil hindi niya nabanggit si Carlos dito sa usapan, dati dati naman ay sinasabi niya na sumabay daw ako sa kanilang dalawa.
Nakita ko namang lukot ang kanyang mukha kaya nagbadya akong magtanong "May problema ba kayong dalawa?"
"Siya naman kasi eh, alam niyang ayaw kong may lalapit sa kanyang babae pero hinayaan niya parin makalapit" malungkot ang boses niya, pero alam kong magkakaayos din ang dalawa.
"Hay nako Andrea Samantha, masyadong mababaw yang dahilan para di kayo magkaayos ulit ni Carlos. Ang tagal niyo na kaya, ngayon pa kayo mag iinarte ng ganyan. Umayos nga kayo!" Imbyerna sa mga to. HAHAHA.
"I know Shei. Naiinis lang kasi ako. Kilala mo naman ako diba kapag sinabi ko gagawin ko." Tugon niya naman sa akin at napabuntong hininga na lamang ako.
Para maiba ang usapan bigla ko namang naalala yong dalawa. Si Justin at Owen. "By the way, Andrea. Saan nakilala ni Carlos si Owen at Justin?"
BINABASA MO ANG
Last Chance.
Non-FictionAng chance ay binibigay sa taong handang magbago, hindi sa taong manggagago ulit. Highest rank #19 in Non Fiction.