CHAPTER 6.

21 1 0
                                    


BAKIT?

Bakit ngayon pa kung kelan okay na ako?

Bakit ngayon pa kung kelan nakalimutan ko na siya?

Bakit kung kelan okay na ang lahat, saka siya bumalik?

Bakit biglang naalala ko na namang ang lahat?


"Are you okay, Shei?" Bumalik ako sa sarili ng biglang nagsalita si Justin.

"Medyo sumama lang yong tiyan ko kanina kaya lumabas ako sa room, nabigla siguro." I lied. Tumango lang siya.

Lumabas ako kanina ng klase dahil hindi ko napigilan ang sarili ko sa nakita ko, Si Kevin. Bumalik na si Kevin. At sa dami ng section dito sa section pa namin siya napunta. Hinanap ako nila Justin at Owen dahil hindi na ako nakabalik ng room. Nagstay ako sa Cr para pakalmahin yong sarili ko. At nakita na nila ako sa isang puno dito sa Ground. Alam kong nabigla lang ako, pero kakayanin ko bang makita siya araw araw? Kakayanin ko. Dahil kinalimutan ko na siya sa buhay ko.

"Just.." Pagbukas ko ulit ng usapan.

"Yes?" Sagot niya, at napatingin siya sa akin.

" Protect me, Justin"


-

"What?! Really?!" Grabe ang sigaw ni Andrea, nang maikwento ko sa kanya na magiging classmate namin ang ex boyfriend ko.

"Oo. Totoo. First day walk out nga ko sa room kanina eh." Sagot ko sa kaniya, nandito kami sa canteen. Hindi namin kasama sila Justin, Owen at Carlos dahil pinatawag daw sila ng coach nila sa basketball.

"Grabe girl, hindi ko kinaya ang kaganapan ngayon ah?"

Ano pa ako? Lalong hindi ko kinaya, at inasahan. Sobrang unexpected. Di ako makapaniwala.

"Hayaan na, okay naman na ako kahit magpalakad lakad pa siya sa harapan ko. Wag niya lang akong guguluhin." Sagot ko sakaniya.

"Eh kayo ni Justin, okay na ba?" Oo nga pala, hindi ko nakwento sakanya. Pumayag na ako sa gusto ni Justin. Hindi dahil nanjan na si Kevin, wala namang masama kung makikilala ko siya ng lubusan.

"Oo, at pumayag na ako sa gusto niya." Sagot ko.

"Omg!! I will support you beshy!" Tuwang tuwang sabi ni Andrea. Hay nako hindi ko malaman sa babaeng to kung bakit masaya? Ano kayang nakaen nito.

"Gaga ka tala--"

"Shei, si kevin." hindi ko na naituloy ang sinabi ko dahil sa narinig ko kay Andrea.

It was Kevin, na nasa likuran ko at nakaharap sa amin.

"Shei.." Marinig ko palang na tinawag niya ang pangalan ko, bigla na naman akong sinampal ng katotohanan.

Pumwesto siya para makaharap samin. Walang siyang pinag bago, ganon na ganon parin ang itsura niya.

"Oh, hi kevin. Kamusta ka? Long time no see." Dahil hindi ako agad nakasagot si Andrea ang nagbasag ng awkwardness sa amin.

"Okay lang naman." Bumaling siya sa akin. "Kamusta ka Shei?"

Dahil okay naman na ako sakanya, kelangan kong ipakita yon.

"Hi kevin!" Masigla kong sinabi sa kanya. "Okay naman ako, ikaw ba?" Pagbalik ko ng tanong sakanya.

"Uhm, I'm okay. Finally nakita ulit kita, Shei. I thought you're already recover." Sagot naman niya. Ano naman kung nakita niya ako? Wala na akong ibang nararamdaman pa sakanya kahit bumalik na siya.

"Oo nga eh, nagkita ulit tayo." Sagot ko nalang at sabay ngumiti. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para kausapin siya. Pero siguro, wala naman na ito sa akin/sakanya.

Bigla namang dumating ang tatlo.

"Hi guys!" Bati ni Andrea sa tatlo pagkahinto sa table namen.

Tumango lang ang mga ito, at saka umupo na. Syempre si Justin tumabi sa akin at napapagitnaan nila ako ni Owen. Bali kaharap namin sina Carlos, Andrea at Kevin.

"Oh bt the way, Long time no see pare!" Carlos start the convo. Si kevin at tinutukoy niya.

"Oo nga e, kamusta na? Ang tatag niyo ni Andrea." Sagot naman niya.

"Oo nga pala, pare si Justin at Owen. Kateam ko sa basketball. Sayang umalis ka sa team." Pakilala ni Carlos sa dalawa. Tumango naman ang dalawa bilang tugon. Basketball player din si Kevin dati, pero nahinto ng once siyang nainjured, hindi na siya pinayagan ng mommy nya at syempre ako din sumang ayon dun noon.

"Parang namukhaan na kita dati.." Pagbaling ni Kevin kay Justin na ikinagulat ko.

Sa sinabi niya, nakuha agad iyon ng atensyon ko kaya tumungo nako sa kanila dahil kanina'y nakayuko ako.

"Uh. Ako yong nakapulot ng notebook ni Shei before. Remember?" Sagot naman ni Justin.

What the? Kelan yun? Tsaka paano nangyare yun?

"Naalala ko na." Biglang sabi ni Kevin. " Remember Shei? Hiniram ko notebook mo, dahil kulang ako sa notes then hindi ko alam kung namisplace ko yun or what. At hinanap ko yun, at sakto namang nakasalubong ko siya.." Humarap sya kay Justin. ".. At binigay nya sa akin yong notebook mo."


Wait. Sandali. Di pa nagfufunction utak ko. So kung alam ni Justin kung kanino niya ibibgay ang notebook ko, ibig sabihin kilala niya na'ko before?


Dahil sa pagkagulat hindi ko na alam ang isasagot ko.

"Uh, ganun ba" maikling sagot ko nalang sa kanya. At bigla naman akong napatingin kay Justin na magusap-tayo-mamaya-look. Mukhang na gets niya naman ito kaya tumayo kaming tatlo agad at nagpaalam na babalik na sa klase.

"Wait!" Napalingon kami. "Sasabay na ako"

Saka ko lang naalala na kaklase nga din pala namin si Kevin.


"Alright. Let's go." Sagot ni Owen. He so tahimik talaga. Pero nakakakilig kapag nagsalita. Oops! Mali yang iniisip niyo friends lang kami niyan.



-

Since wala pang lecture or kahit ano. Orientation pa lang. Hindi na naman ako nakikinig, dahil paulit ulit lang naman sinasabi ng prof every pasukan. Kaya wala akong ibang ginawa kundi mag isip ngayon kahit may nagsasalita sa harap.


Bakit si Justin kilala ako noon pa? Bakit ako hindi ko manlang naaninag yong mukha dati pa? Atsaka paano niya ako nakilala?

" Are you okay?" He tap my hand. Nagulat ako sa nagsalitang si Owen. Grabe minsan talaga, himala ang magsalita siya.

"A- ah oo naman!" Masigla kong sagot.

"I thought you're too far from what you thinking right now." Justin said.

Hindi ako nakasagot. Dahil siguro obvious naman sakin. Kaya bigla akong nahiya.

Napalingon naman kaming tatlo ng may biglang tumawag sa name ko galing sa likod ko.

"Shei, let''s talk later." Kevin said.

-

Guys, i need your VOTE!😘

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon