CHAPTER 5.

21 2 0
                                    

Minsan maiisip mo kung gaano kahirap magbuild ulit ng tiwala. Lalo na kapag nadala ka sa isang pangyayare na nakapag pasakit ng iyong damdamin. Maramibg humihingi ng chance sa mga bagay bagay. Pero mahirap mag bigay sa tao, na walang kasiguraduhan kung deserving ba sila dito. Ano nga ba ang magandang desisyon? Ang Matakot ka nalang sa nakaraan o Magbigay ng chance sa tingin mo ay deserving ng pagmamahal mo?

Ilang araw na ang lumipas ngunit wala paring natatanggap na sagot si Justin mula sa akin sa hiniling niya. Hindi ko alam ngunit naguguluhan pa ako. Kalahati ng ako na nagsasabing huwag muna kumuha ng panibagong problema at kalahati din nito ay bakit hindi ako magtry. Basta alam ko naman ang gagawin ko, walang masasaktan. Ganito ko iniisip ang mga bagay na iyon dahil dun din naman ang kapupuntahan nito.

Palaging nagtetext si Justin sa akin, nakuha niya ang number ko dahil hiningi niya ito kay Andrea, dahil simula nun na sinabi niyang gusto niya akong protektahan, hindi muna ako nagparamdam. Bakit? Kaya ko naman protektahan ang sarili ko.

Justin Aquino:

Shei, this is me. Justin

Shei, why you not reply to me?




Ayokong magreply kasi para sa akin mahirap din minsan bigyan ang sarili ng pagkakataon, kumbaga ako na itong umiiwas. Sobrang laki ng sugat na naidulot ng nakaraan ko. Gusto kong pag bigyan siya at ang sarili ko.



Lumipas ang ilang araw...

Andrea:

Shei, ako nag bigay ng number mo kay justin ha? Ano ba kelangan niya?

Justin Aquino:

Shei, kausapin mo ako. Please.

Shei, I need your answer.

"Anak Shei, kamusta ang enrollment mo?" Bungad ni mama habang kami ay kumakaen ng dinner.

"Okay lang naman Ma, si Papa bakit hindi natin siya kasabay?" Tanong ko, wala namang bago kay papa dahil sobrang busy siya sa business nila ni Mama.

"Hay nako ayun na naman ang papa mo, may inasikaso." Sagot ni mama, Cold tone.

Ramdam kong hindi okay si Mama, may problema kaya sila ni Papa? Ipinagpaliban ko nalang iyon. Alam ko namang maaayos din sila.

Unexpected na tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pag kain namin ni Mama.

Andrea:

Beshy, kausapin mo naman daw si Justin! Ayan ah? Alam kona kung bakit. Ayiiiieeee!


Hindi na ako nagtaka kung bakit nalaman yun ni Andrea, syempre siya naman ang way para maparating sa akin yong gusto ni Justin. Kaya wala naman akong magagawa, bakit hindi ko nalang itry. Tutal ngayon, okay na yong feelings ko.

"Okay! I'll confront him."

"Sino yan Anak?" Bungad ni mama nang binasa ko yong text ni Andrea.

"Ah, wala Ma si Andrea lang." Sagot ko. "Ma, i'm full, akyat na ako sa kwarto." Dagdag ko at umakyat na ako sa taas.





Para mawala kung ano man itong nasa isipan ko, napag isip kong manuod ng Anime. "Ah! Mirai nikki nalang."

"I need you in my life, Yuki.."

" I love you, Yuno."

-

"Shei, anak it's your first day of school. Gising kana!" Narinig kong sabi ni Mama. "May bisita ka sa baba, sabay daw kayong pumasok."

Napabalikwas ako ng marinig ko yun. Omg! Nakatulugan ko yong pinapanuod ko kagabi. First day nga pala ngayon, and guess who kung sino yong naghihintay sa akin? Hay nako baka naman si Andrea lang yun.

Naligo, nagbihis, nag ayos at hindi na kumaen dahil medyo malalate na rin kung gagawin ko iyon. Babawi na lang ako mamaya.

Pagbaba ko nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Good morning Shei!" Bati niya agad sakin nang makita niya ako na may nakakalokong ngiti. Hindi ko talaga akalain.

"Morning Tin!" Sagot ko nalang at ngumiti ako.

Grabe sobrang awkward na naman.

"Oh Anak, ikaw ah? May taga sundo kapa ha? Hindi mo manlang siya ipinakilala sakin." Saad ni Mama dahil medyo hindi kami magkatinginan ni Justin.

"Ma naman." I sighed. "Aalis napo kami Ma!" Dagdag ko.

"Alis napo kami, Thank you po!" Paalam ni Justin kay Mama. Nagulat naman ako sa ekspresyon ng mukha nilang dalawa, nakangiti. Aba! Mukhang ang bilis magkasundo ng dalawa ah?

"Osha ingat kayong dalawa! Justin, take care of my Daughter."



"Yes I will." Sagot ni Justin. Hindi ko nalang pinansin iyun, dahil siguro nakapag usap na sila at nakilala nila ang isa't isa.

Katahimikan lang buong byahe, grabe hindi parin ako makapaniwala ngayong araw.

"Sino nagsabi sayong sunduin mo ako?" Pagmulat ko ng usapan.

"I insist, since magkaklase naman tayo." Sagot niya diretso lang siya sa pag drive.

"Ang baliw mo talaga Justin!"

"Baliw na'ko kapag sinundo kita?" Sagot niya ng may halong nakakalokong ngiti. Ayan na naman siya sa pag papa cute niya.

"Che!"

Agaw pansin naman ng biglang kumulo ang tiyan ko. Bigla kaming nagkatinginan sa isa't isa nang marinig iyon.

"I thought you're hungry, I'll buy breakfast for you" Saktong malapit na ang Mcdo, kaya dumeretso na kami dun wala na akong nagawa para pigilan siya, nakakahiya naman. *Drive thru*

"Thank you Justin."

"Anything for you Shei." Sagot niya at saka diretso na kami sa school.

-

" Goodmorning class! I am your professor for the whole sem." Bati ng prof sa harapan.


Since kaming tatlo lang nila Owen at Justin ang magkakakilala sa klase na to, nagtabi tabi kami. Nakagitna ako sa dalawa, sa may bandang likod.

First day palang naman at puro introduce yourself lang ang ginagawa, nakatingin lang ako sa desk habang nakikinig sa sinasabi ng nasa harapan.

"And by the way class, may bagong student tayo at dito sa section na to siya nakabilang base sa record, Mr Gaño you may now introduce yourself."

Napatingin ako bigla kung sino yong tinutukoy na bago. Nanlaki yong mata ko kung sino yong nakikita ko sa harapan.









"Ma'am, May i go out?"


-

Hi readers! I need your vote and comment kung may gusto kayong isuggest or sabihin sa story ko. Accept your compliment, Thank you! -Shangdara ^^

Also add me on:

Facebook - Ayisha Neri
Instagram - @Shangdaraa
Twitter - @Shangdara
(Know the difference between the 2 username)

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon