CHAPTER 17.

13 0 0
                                    

Sobrang higpit ng pagkakayakap ko kay Mama, tipong ayaw ko na siyang bitawan lalo na't ako ang nakakita kung ano ang kalokohan ng tatay ko.

"Oh bakit ang bilis niyo anak?" Tanong sa akin ng Mama ko habang nakayakap parin ako sakanya.

"Namiss agad kasi kita Mama eh, kaya nagpauwi agad ako." I lied. Pero ramdam niyang may hindi magandang nangyare. Syempre ang ina malakas ang instinct sa anak. Kaya hinding hindi ako makakapag deny.

"Sabihn mo sa akin, may nangyare ba Shei?" Sa tanong niya, hinarap niya na ang mukha ko sa mukha niya. Para malaman kung ano ang tunay na reaksyon ko.

"Justin may nangyare ba? Bakit umuwi agad kayo?" Binalingan niya si Justin para sa katanungang ito.

Sino ba ako para magtago ng kahit ano kay Mama? Kaya ikinuwento ko ang nakita ko. At sa kwentong iyon, nakita ko na namang umiiyak ang Mama ko.

Hindi ko talaga kaya na makita ang Mama kong ganito. Kaya hindi ko inaalis ang pagkakayakap ko sakanya habang siya ay humihikbi.

Si Justin naman hinahagod niya lang ang likod ko.

"Ma tama napo, magiging maayos din ang lahat." Tuloy tuloy lang ako sa paghagod sa likod ng Mama ko.

"Maaayos din po ang lahat. Hindi tayo pababayaan ni Lord." Bigkas naman ni Justin at niyakap niya kaming magina.


Mula sa pagkakayakap umalis si Mama at saka pinunasan ang luha sa kanyang mukha.

"Maraming Salamat Justin. Huwag mo sanang pababayaan ang anak ko, sana palagi kang nandyan sa tabi niya." Hindi ko maiwasang mapangiti sa mama ko. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko dahil sa lalaking ito.


"Makakaasa po kayo." Ngumiti muli si Justin at niyakap ko naman siya bilang pasasalamat.

"Thankyou.." Bumulong ako sa dibdib nya habang yakap yakap namin ang isa't isa.


"Anything for you, baby girl." Tugon niya.

Sobrang swerte ko parin talaga sa dalawang taong ito. Idagdag pa ang tatlong kaibigan ko.

Kahit na hindi buo ang tunay na pamilya, may mga tao pading bubuoin ka sa pagkakabasag mo.



Matapos ang mahaba habang damayan, nagkayayaan na kaming kumaen. Saktong pag uwi pala namin ay naghanda si Mama ng makakaen para sa tanghalian. Kaya naman ready to eat na kaming tatlo.



Pinayagan ni Mama na dito muna si Justin para naman daw may kasama ako. Kaya ito kaming dalawa nanunuod ng t.v sa sala. Si mama naman umakyat sa kwarto niya, dahil gusto niya munang magpahinga.

Safe na safe ako kapag siya talaga yong katabi ko, feeling ko walang problemang lalapit kapag kasama ko siya. Sobrang swerte ko dahil nandito siya palagi kahit sa anong mangyare sa araw araw kong buhay. weather good or bad.



Nakapahilig ang ulo ko sa kanyang braso habang nakaupo at nanunuod at yong isang kamay niya naman nakahawak sa isa kong kamay.

"how's your feeling now?" bigla niyang tanong. inangat ko ang ulo ko para matignan ang mukha niya.



"feelin' better now than earlier." sagot ko sakanya at ngumiti ako.



"good baby girl" I nodded, and he kissed me on my forehead.



Napangiti ako sa ginawa niya. At muli, humarap ako sakanya. Mariin na naman ang titigan namin na parang ngayon lang kami nagkita. Kahit papaano bumabalik yong sigla ko sa kabila ng mga nangyare kanina.


"I'm happy because you can now smile like the way you always do." Biglang sabi ng kaniyang bibig at patuloy pa rin siyang nakatitig sa akin.

"It's because you're here. Kung wala ka, baka baliw na ako." He chuckled sa nasabi ko.



"Mahirap palang iwan ka kapag may problema, mapupunta sa stage na pwede nang mabaliw." Nakangising sabi niya. Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya, kaya di ko naiwasang paluin na naman sya sa braso ng mahina.

"Ouch! What was that for?" Tugon niya na akala mo talaga eh nasaktan sa ginawa ko.


"Ang hina lang nasaktan ka?" I rolled my eyes.

"Syempre joke lang yun, baka kasi lambingin mo ako. Hahaha." Hagikgik niya sa tuwa. Sira ulo talaga tong lalaking to.


"Asa!" Tugon ko sakanya. Nang aasar na naman ang lalaking ito. I rolled again my eyes.


"Ang cute mong mapikon babygirl." Umaariba na naman talaga siya oh? Nakangising mukha ang ipinakita niya sa akin.

Hindi ako naaasar, kasi kinikilig akosa tuwing nakangiti ang lalaking ito. Ano ba naman kasi yong magaganda niyang ngipin. Sobrang perfect!!!


"So gusto mo lagi akong napipikon?"

"Hindi. Kasi mas gusto kong nakikita kang nakangiti lalo kang gumaganda." Ngising ngisi na ang mukha ng loko. Bolang bola na ako. Pero sa totoo lang kinikilig ako sa bawat pag puri niya sa akin. Eneve~



Hindi ko namamalayan nangiti na ako.

"Ayan babygirl, ganyan nga!"



"Che bola pa!"


"No, i'm not. Just tellin' the truth." Bumalik na sa normal ag kanyang simpleng ekspresyon


"Okay."

Ngayon nakaharap na ulit kami sa t.v at nanunuod na ulit ng isang teleserye kaso hindi ko na nasubaybayan dahil sa daldalan namin ni Justin. Inaamin ko kinikilig ako sa mga puri niya sa akin, habang eto nanunuod kami hindi ko maiwasang mapangiti. Paulit ulit pumapasok sa isip ko yong mga sinabi niya.


"I can't really imagine, na nasa akin kana ngayon. Samantalang dati ay tinitignan tignan lang kita." Biglang sinabi niya sa gitna ng panunuod, napatingin ako sakanya na diretso pa rin sa t.v



Hinihintay ko kung magsasalita pa siya. Speechless ako bigla, at hindi naman ako nagkamali dahil ambang magsasalita siya muli.


"Ngayon. Nalalapitan, nayayakap at napapasaya na kita. And I'm so thankful to God ibinigay ka niya sa akin."



Speechless pa rin...



"Justin.." Yun lamang ang naisip kong isagot habang nakatingin na kami sa isa't isa ulit. Nasa magkabilang pisngi ko ang dalawang kamay niya.



"Hinding hindi kita pababayaan Shei. Ipaparanas ko sayo kung ano yong dapat maranasan ng isang kagaya mo. I love you Babygirl."




Okay, teka kalma! Hindi ako makahinga. Ang lapit niya na sa akin omg! Wait Shei! Hinga! Inhale! Exhale!


"I love you so much, Justin." 1 inch nalang ang pagitan namin at unti unti ko nang nararamdaman ang paglapat ng kanyang labi sa labi ko. He kissed me with full of love, and lately i respond.






I'm so lucky I have Him.

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon