CHAPTER 19.

16 1 0
                                    

"Paano mo ginayuma si Cassy, Owen?" Pabirong sabi ni Carloa. Hahahaha. Hindi na ako makahinga kakatawa ngayon sa canteen.

Nandito lahat ang buong kaibigan ko, nandito rin si Cassy ang pinupormahan ni Owen 2 weeks ago pero ngayon lang namin ito napansin. Grabe talaga ang lalaking ito. Akalain mo may taglay na kalandian pala, dahil sa sobrang tahimik hindi namin ito napansin atsaka na ikwento niyang NGSB siya dahil sa pagiging heartless niya. Pero bakit naman sa amin hindi siya harsh? Hindi halatang heartless siya.

"Nah. Gwapo kasi ako." Pikon na sabi nya.

Kanina pa siya pinag iinitan ni Carlos, Andrea at Justin nakikitawa lang ako. Si Cassy naman halos mahiya na sa mga sinasabi ng mga ito. Iniinterview din namin si Cassy kung ano ang pumasok sa utak niya at kumagat siya kay Owen.

"Pare, iba kana! Akala ko duwag ka sa babae." pang pupuntirya ulit ni Carlos.

"Ginamitan niya kasi ako ng mga the moves niya." Sagot naman nitong si Cassy.

"Nagustuhan mo naman eh. And look, mapapasagot na ata kita ngayon." Mayabang na sabi ni Owen na may paglahad pa ng kaniyang dalawang kamay.

"Che! Asa ka ngayon." Pagtataray ni Cassy.

"HAHAHAHAHAHAHA."

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Panis ka Owen! Tinutumba ka talaga ni Cassy." Sabi naman ni Andrea sa kalagitnaan ng tawa namin.

"Ikaw ata unang nainlove eh." Sabay naman ni Justin.

"Halata nga pare eh." Sagot naman ni Carlos at tawang tawa parin sila.

"Mga sira ulo!" Sagot ni Owen. HAHAHAHAHAHA ang baby boy namin binata na. Nanliligaw na!

"Oh kayo anong balak niyo Pre?" Tanong bigla ni Carlos sa amin. After non, nagkatinginan na kami ni Justin dahil magdadate kami ngayon.

"Oo nga, san ang date?" Tanong din ng bestfriend kong si Andrea.

Hindi ko magawang sumagot dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung anong balak namin ngayon ni Justin. Sinabihan niya lang ako na aalis kami, ngunit hindi sapat para yun ang sabihin ko sa mga kaibigan kong mahilig mag tanong.

"After class." Maigsi at kalmadong sagot ni Justin.

Habang kumakaen hindi naman maiwasan ang sobrang PDA lalong lalo na sa dalawang couple na nasa harap ko. Ngayon lang kami nagsama sama ng ganito at nadagdagan pa. Sobrang bait ni Cassy at hindi ko itatangging gusto ko siya para kay Owen. Bali balitang nag momodeling daw ito, nasa itsura niya naman dahil sa napaka tangos at makinis nitong kutis idagdag pa ang ganda ng pagkakahubog sa kaniyang katawan. Halatang halata ito dahil sa hapit ng kaniyang uniporme. Hindi ko alam kung paano niya napaibig ang isang Maria Cassy Trinidad na talagang tinitingala ng lahat at kinahuhumalingan ng mga kalalakihan.

Natapos kaming kumaen lahat naghiwa hiwalay na kami maliban sa aming apat, kaklase namin si Owen at Cassy, ang dalawang IT lang ang nahiwalay. Magkahawak kamay kami ni Justin habang naglalakad ng mapansin ko si Ciara Villaclara pinupunasan ang kanyang mata, isa sa mga kaklase namin na nabanggit sa akin ni Justin noon na gusto niya si Kevin, but She made a wrong choice. Mag kakaanak na si Kevin kay Diane. Is she crying? Lalapitan ko na sana siya ngunit mabilis itong maglakad, at pinigilan na din ako ni Justin.

"What's wrong with her?" Tanong ko sa sarili ko habang patuloy pa din sa paglalakad.

"Kung hindi ako nagkakamali, may gusto siya kay Kevin." Sagot ni Owen. Yeah he's right!

"Brokenhearted?"

"To whom?" Sabat ni Cassy na pakinig kong nagsalita.

"Slow people. Magkakaanak na si Kevin. Hindi niya nakamit yong lalaking gusto niya." Mahabang paliwanag ni Owen na nakapag paawang ng bibig namin. Nagkibit balikat nalang kaming lahat. Like seriously?

"Okay then"

"by the way kamusta pakiramdam mo Shei? Still sick? What do you want?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Justin. Very sweet ang caring boyfriend!

I can't even stop blushing while he still caring me.

"Oh well, I'm fine now. Saan nga pala tayo pupunta later?" Nakarating kami sa scheduled room namin habang walang tigil parin ang usapan namin sa kung anu anong bagay.

"Stay secret." He wink at me bago siya umupo kasunod ko. Napangisi na lamang ako sa ginawa niya.

Ano ba itong lalaking to? Walang ginawa kundi pangitiin ako araw araw, at sa mga bagay na yon hinding hindi ako magsasawang tanggapin ang gawain niyang iyon. Dahil sobrang nakakadagdag sa pagbuo ko ng araw ko palagi.

Out from nowhere, bigla kong naalala si Papa. Hindi niya kami pinili bakit ang hirap tanggapin? Kung sana katulad lang siya ni Justin na lagi ako pinangingiti hindi sana nalungkot si Mama, pero kahit ganon pa man nandito lang naman ako kay Mama ako ang magpupuno ng pagkukulang sa kaniya ni Papa. I really love my Mom.

Bahagya akong natigilan sa pagiisip ko ng malalim nang mapansin kong may tumilapon na crumpled paper sa harap ko sa sahig. Saktong sakto. Lumingon ako sa tagiliran ko at nakita ko namang nakangiti si Justin, kaya natunugan kong sakanya galing ito.

Agad ko namang pinulot nang mabalingan ko ito. Binuklat ko ito at may mensaheng nakasulat.

'Kanina ka pa nakangiti sa kawalan, iniisip mo ba kung saan tayo magpupunta mamaya? I love you

J.'

Hindi kona siya inabalang lingunin pa, katulad ng ginawa niya naglahad din ako ng sasabihin sa pinunit kong papel sa likod ng notebook ko. Isang itong gawain ng hindi makapagdaldal ng harapan sa guro.

' I'm just curious' pag sisinungaling ko. Hinagis ko naman ito sa malapit sa kaniyang paanan ng hindi nahahalata ng nasa harapang nagtuturo sa amin.

ayoko ng natatalo ako sa mga ganong biro niya kaya todo indenial ako.


Hindi na ako muling nakatanggap ng kapirasong papel matapos magpagawa ng activity sa amin ang taga pagturo.


Mabilis na natapos ang klase at ito na naman ang dalawang kaibigan namin na walang kamatay sa kakatawa.

"Balitaan niyo kami ha?" Aniya Cassy. Sobrang ganda talaga ng babaeng ito mula sa pagsasalita hanggang sa iba pang kilos nito. No wonder, why Owen fell inlove with this Beautiful women.

"Yes sure." Ngiting sagot ko sa kanya kahit na wala talaga akong ideya sa pupuntahan namin ng boyfriend ko.


Mabilis namang nagpaalam ang dalawa sa amin hanggang sa kami nalang ang matira ni Justin sa room.


"Saan ba kasi tayo pupunta Justin?" Nakangisi siya habang ako wala paring alam sa pupuntahan namin.

"Relax baby girl, hindi kita ililigaw." Kasabay non ay ang pag wink na naman ng kaniyang napakalalim na mata.

Bahagya siya lumapit sa akin ng matapos siyang mag ayos ng gamit. Habang ako patuloy lang sa pag aayos ng sarili kong gamit.

"You're so cute when you look pissed Shei." Nakangisi pa rin ang lalaking nasa harapan ko habang isunumpit niya ang takas na buhok sa pisngi ko. Humarap ako sakanyang nakakunot ang noo.

"Ayaw mo pa kasing sabihin kung saan tayo magpupunta eh." Kunot noo ko parin siyang tinitignan habang nakangisi naman siya.

" you really want to know where?" Tumango ako sa tanong niya.

"Kiss me first." Bigla akong nagulat sa sinabi niya, hindi madalas o araw araw ang paghalik namin sa isa't isa, kaya naman ganito nalang ang pagka gulat ko sa sinabi nya. Hindi naman ako nag aalinlangan dun, at mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang labi.

Hindi pa man ako tuluyang nakaka layo sa kanya ay hinigit niya muli ako at pinaglapat niya ang mga labi namin. Marahang halik ang naramdaman ko at unti unti na akong tumugon. Hindi din nagtagal ay kumalas na kami, para makasagap ng hangin.


"I love you Shei. Let's go!"

Oh how i really love his lips kissing mine deeply..

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon