Habang nasa byahe, oo byahe talaga dahil kanina pa kami bumabyahe nitong si Justin hindi ko alam kung saan kami pupunta. nasan na ba kami? tinatanong ko naman kung saan kami pupunta panay SECRET ang sagot niya. Ang galing hindi ba?
Hindi ko tuloy ma replyan ang mga kaibigan kong nagtatanong kung saan kami pupunta ni Justin. Panay sila ang text, sinabi ni Justin na huwag muna daw magsalita. Hanuna?!
"Saan ba kasi tayo pupunta?" hindi ko na napigilang umarko ang mata ko. ang sakit na ng pwet ko sa sobrang tagal na nakaupo.
"Easy babygirl, malapit na tayo" nakangisi niyang sagot.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Gaano katagal ako natulog? Tinatapik nalang ako ni Justin para gisingin ako.
"We're here." Kasabay ng pagsalita niya ay hinalikan niya ako sa noo. Hinatak niya ako ng marahan para makatayo dahil literal na hilata na ang ginawa ko.
Pagkababa namin ng sasakyan, nasa isang mala paraisong hardin kami kung saan matatanaw sa di kalayuan ang isang dagat na natural ang ganda dahil kulay nito sinasabayan pa ng pag alon ng tubig. Marami akong napuntahan na karagatan ngunit ibang iba ito sa mga nakita ko. Sobrang tahimik. Sobrang ganda. At sobrang sarap manatili. Saan naman kaya nahanap ito ni Justin?
"Enjoying the view baby?" Bungad niya sa akin na halos ako'y mapatulala sa nakikita ko. Tumango ako bilang pag tugon sa kanya.
"Saan mo na diskubre ang lugar na 'to?" Tanong ko habang nililibot ng aking mga mata ang kabuuan ng lugar na kinatatayuan ko.
Such a beautiful place.
"I'll answer it later Shei. Get our room and foods, i know you're hungry and tired." Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ang kamay ko at isa isang kinawit ang mga daliri ko sa daliri niya.
Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano natagpuan ni Justin ang lugar na ito? Or maybe sakanila ba to? Nakakuha na kami ng suite with 1 king size bed. Sinabihan ko pang mag cottage nalang kami ni Justin dahil alam ko uuwi rin kami, ngunit nagkamali ako. Kinontrata niya na si Mama para ipaalam akong hindi kami agad makakabalik dahil sa pakulo ng lalaking to. But hell yeah, i really love this place. I wanna stay here in many days.
"I'm hungry." Pakinig kong sabi ni Justin habang inilolock ang suite para bumaba kami at makakain.
"Kaya nga kakain na tayo, i'm also hungry. Kanina pa."
Hindi na sya nagsalita at inakbayan niya ako at naglakad na kami.
Kahit sa mga pagkaen, ay panalo ang lugar na ito. Dahil sa mga masasarap na lutong pinoy ang nakahain sa amin. Napag alaman kong isang Chinese na may lahing Pinoy ang may ari ng buong mala palasyong lugar na ito. Kahit daw hindi siya dito ipinanganak, nakuha niya daw mamuhay dito sa pinas para matutunan ang kultura ng mga pinoy at talaga namang maipagmamalaki ang lugar na ito dahil mas pinasarap pa ang pag gawa ng mga pagkaen.
"Ang sarap naman dito, sana dito nalang tayo. I love their foods." Bungad ko habang kumakaen kami. Tahimik lang kaya gumawa na ako ng ikakatigil sa katahimikan.
"This is a surprise, alam kong magagandahan ka and besides pagkaing pinoy parin naman yan, They have their own version." Napangiti na lamang ako sa sinabi niya dahil sobrang nagandahan talaga ako sa lugar na ito. At hanggang ngayon curious parin ako paano nalaman ni Justin ang lugar na ito. Hay nako! Mamaya ko nalang itatanong ang sarap kumaen.
"Dahan dahan." Hindi kona sinagot ang sinabi niya at nagpatuloy lang ako sa pagkaen ko. Habang mahina syang natatawa habang pinapanuod niya akong kumaen.
Maya maya ay may dumating na dalawang lalaki, na may hawak na violin. Agad namang tumugtog ang mga ito.
"Enjoy the meal, Ma'am and Sir!" aniya ng isang lalaki.
Una, hindi ko matunugan kung ano ang tinutugtog nila, bandang chorus nang mahuli ko kung ano ang title ng kantang iyon.
Nang matapos kami kumaen, nagpasya kaming libutin ang lugar na sobrang ganda para bumaba ang mga kinaen namin. Masasabi kong ito na ata ang napakagandang karagatan na nakita ko. Ang daming tao kahit na hindi summer.
May mga tourist din na foreigner ang nandito, alam naman nating mahilig sa mga ganitong bagay ang mga turistang galing ng ibang bansa.
"Are you okay with this place baby girl?" Tanong nya sa akin habang ako ay abala sa pagsusuri ng tanawin.
"Oo naman ang ganda dito. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito kagandang lugar. Gusto ko nga huwag na tayo umuwi eh." Sagot ko nang hindi siya nililingon.
Narinig kong bahagya siyang napatawa ng mahina sa sinabi ko. Sino ba naman kasing gugustuhin pang umalis sa ganito kagandang lugar.
"Alam mo ba kung paano ko ito natagpuan?"
Finally!! Masasagot na ang kanina ko pa hinahanap na sagot sa mga tanong ko.
"Paano?" Humarap na ako sa kanya at nakangiti siya nang maabutan ko.
Bahagya nang dumidilim ang kalangitan, papalubog na ang araw. How I love watching this with the man who brought me in these beautiful places!
" I remembered when i was young, dinala ako dito ni Dad after mamatay ng Mom ko. Sayang nga hindi ka niya naabutan.." Biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya, kung ako hindi pa man patay ang tatay ko pero iniwan na niya kami at sumama sa iba. Siya naman literal na iniwan na sila ng Mommy niya. She died.
bahagya kaming huminto sa gitna malapit sa pampang. I also love the white sands here. Everything here in this place!
"What is the cause of you Mom's death?" Tanong ko sakanya.
"Leukemia."
Natahimik bigla kaming dalawa. At di rin nagtagal, itinuloy niya na ang kwento niya.
"So ayun na n--" hindi nya naituloy ang sasabihin nya nang humarang ako.
"Omg! Ang ganda ng papalubog na araw!" Tuwang tuwa ko mng sabi nang bigla akong natahimik napigilan ko ang kwento niya.
"Sorry Justin hehe, continue!" Kinindatan ko siya bahagya naman siyang umiling at ngumisi.
"Dad told me, if I am going back to this place i need to be with someone who i gave my last chance to fall inlove with. Dahil ganon ang ginawa niya kay Mom, hindi siya umibig ng iba kahit na wala na ito matapos mangako siya sa lugar na ito, na siya ang huling babaeng bibigyan ng pagkakataong ang sarili para ibigin si Mommy."
And then after we watched the sun must already down, i look at him face. Serious face of his.
Palapit ng palapit ang aming mukha, sobrang swerte ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi niya lang pinasaya ang araw ko binuo niya. Sobrang buo dahil sa perfect na araw na ito. Binuo niya din muli ang nabasag kong puso. Wala na akong mahihiling pa kundi isang magandang samahan at matibay na pagmamahalan ang ilaan namin para sa isa't isa.
Habang tumatagal ang paglapit namin sa isa't isa hndi ko na napigilan ang sarili ako na ang mismong lumapit at ipinagdikit ang labi namin na bahagya kaagad itong gumalaw. His deep kiss, his lips. How i love this settings. Dahan dahan na kaming nahihiga sa puting buhangin. Patuloy sa pasasarap at malalim na halik hanggang sa pinakawalan namin ang isa't isa para makakuha ng hangin. Kasabay nitong ang pagsasalita niya, buong puso ko ay lumundag sa narinig ko.
"That's why i brought you here, because you are the last woman in my life. Until the end of my life. I love you so much Shei!"
~END~
BINABASA MO ANG
Last Chance.
Non-FictionAng chance ay binibigay sa taong handang magbago, hindi sa taong manggagago ulit. Highest rank #19 in Non Fiction.