CHAPTER 4.

46 2 2
                                    





Matapos niya akong samahan sa accesories store, napagdesisyunan naming maglaro. Grabe ang kulit pala nitong si Justin, hindi mo akalain dahil kapag tiningnan mo wala sa bokabularyo ang salitang makulit.






"Balita ko magaling ka daw mag basketball." Nagsalita ako habang nagshoshoot sya ng bola sa mini ring ng WOF.





"Ah, hindi naman! Marunong lang." Tuloy tuloy pa rin sya sa pagshoot ng bola. "Uy ikaw ah? Tinatanong mko sa mga kaibigan mo ah.." Bigla niyang sinabi at may halong nakakalokong ngiti.




Aba aba! Nagawa pang ngumiti ng nakakaloko. Nako kung hindi lang siya gwapo sinapak ko na to! Joke hahaha!



"Hoy hindi ah?! Grabe ka. Ang hangin mo!" Pagpalag ko sa sinabi niya. As if naman. Kakakilala lang namin eh, ganun na sya mag isip.




Oh easy Shei. Nagbibiro lang yan, wag kang papadala nako! Nasa moving on stage ka palang sa ex mo!




"Hahahaha joke lang naman! Di ka mabiro. Dami mo agad nasabi. Nakakatuwa ka" sinabi niya habang tawa ng tawa.




"Nako tigilan mo ako sa pagbibiro mo! Di porket kakakilala lang natin, di na kita pwedeng hambalusin!" Panakot ko sakanya. Gigil ako neto eh!




Nang makita niyang nakakunot ang noo ko, tumigil na siya sa pag ngiti ng nakakaasar at sakto tapos na din siyang mag shoot ng bola.




Kanina niyayaya niya naman akong maglaro din, pero ayaw ko dahil naka off shoulder akong suot at white short. Not-so-short. Yong malapitna din sa tuhod hehe. Ayoko kasing gumalaw kapag alam kong alanganin.




Habang naglalakad. Dko inakala na maitatanong niya ang ganong bagay.




"Magmamahal kapa ba kung sakaling maka move on kana?"




KROO KROO...

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon