Kahit ilang linggo na ang nakakalipas, hindi ko parin maintindihan yong Dean namin dahil sa klase ngayon, ay mag eelect ng officers sa batch namin so kami naman tuwang tuwa din dahil yun lang ang gagawin. Out of the blue ng maisipan niya to, samantalang malapit na ang midterm exams. Hay bat ko ba pinoproblema tong Dean namin. Hahahahaha.
"So let's start class."
"I nominate Janice Dane as a President."
Everyone agree, dahil hindi mo naman maiitatanggi na kaya niyang itaguyod, wow taguyod hahaha, de pero kaya nyang gawin ang tungkulin niya bilang President ng college namin.
" I nominate Owen Zachary Canillo as a Vice President."
Nagulat ako ng ma mention ang pangalan ng kaibigan ko, and bali balita yong nag nominate sa kanya ay simpleng nagkaka crush sakanya. Aba! Ang gwapo kaya nitong kaibigan ko at wag kayo matalino din yan. Hihi.
Also everyone agreed!
Patapos na ang voting for officers, at kulang nalang ang Muse at Escort kaya marami naman ang naging active mag nominate kung sino ang gusto nila.
"I nominate Shekainna Sekiguchi for Muse."
Bigla naman akong nasamid nang mabanggit ang pangalan ko. Anong trip ng isang to.
Nakita kong nakangiti silang magkaka grupo sa iisang lugar kung saan sila magkakatabi. Sabay thumbs up pa sila dahil sa ginawa nila. Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng iba ngayon.
At di nagpatinag lahat. Everyone elected me as Muse.
"I nominate Kevin Gaño for Escort."
Huwhat? Tama ba tong narinig ko. At tama nga, dahil sinulat ng napiling secretary sa board ang pangalan ni Kevin.
Napansin kong nakatungo sa desk si Justin kaya naman napatanong ako sakaniya.
"Are you okay?"
"Yeah i'm okay Our Muse!" Nakakalokong ngiti niya na naman ang tumambad sakin.
"Hahaha. Sabi mo eh."
"I nominate Justin Royce Aquino as a Escort."
Aba aba! Sila na naman? Yong mga nag elect sakin at napatingin muli ako sakanila, kinikilig kilig sila dahil sa tilian nila. Gumawa pa talaga ng banner na nakalagay ay Justin love Shei. Napaka effort ng mga ito uh? kung kanina thumbs up ngayon naman heart sign, yong dalawang daliri na naka formation na heart. Basta alam niyo yun kasi kalat na yun ngayon dahil sa mga nilamon ng Kdrama. Hahaha.
Nakita kong nakangisi si Justin kaya nagtanong ulit ako.
"May kinalaman kaba dito?"
"Ha? Ako? Wala ah. Baka sadyang gusto lang nila tayo sa isa't isa." Binigyan na naman niya ako ng pangalawang nakakalokong ngiti.
Abnormal talaga.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong napalingon sa likod ko, nakita ko nama ang mukha niyang dismayado.
Dati may mga humahanga rin sa amin ni Kevin dahil hindi daw kami yong couple na sobrang sweet sa isa't isa, pero halata daw na sobrang nagmamahalan dahil sa kinikilos namin dito ni Kevin sa school noon. Ngunit ngayon, nawala na sila dahil alam nilang wala na kami ni Kevin.
"Hey!" Bungad ko sakanya.
"Yes?" Serious tone. Hindi ko alam pero ngayon ko lang nakita yong ganitong side ni Kevin.
"Uhm--"
Hindi ko na naituloy yong sasabihin ko ng mag sigawan na may halong tili ang mga kaklase namin.
Everyone voted for Justin, kaya siya ang Escort ko.
"See? Pati rin ang mga kaklase natin botong boto satin dalawa." Medyo natawa ako, kasi naalala ko yong tinext niya noon ganon na ganon dahil daw botong boto si Mama sa kaniya. Minsan ang hangin nitong si Justin. Sarap paltukan!
"Che! Yabang mo!" Sagot ko sakanya pero nakangiti paren ako.
"I can't argue with that." Ang hangin niya tignan hahaha. Paano ba naman naka de kwatro na akala mo isang hari.
Hindi na ako nakasagot nang magsalita muli ang prof namin.
"At ngayon meron ng mga Officers, may task akong ipapagawa since malapit na ang College day natin, I'll send it via Email nalang. So class dismiss."
Ayun lang pala akala ko magka klase pa kasi naman ang haba pa ng oras pero okay na rin yun. Hahahaha tatanggi pa enoh!
"Let's eat my Muse?" Tanong ni Justin. Eneve kenekeleg eke. Dejklg walang kilig.
"I'm so hungry." Nakapout na sabi ni Owen. Oooomooo ang cutie niya tignan huhu.
"Ikaw ba tinanong ko?" Pabalang na sabi ni Justin.
Ay grabe siya! Hahaha.
"Oh wag na kayong mag away tara na!" Sabi ko sa dalawa. At dahil maliit ako umakbay ako sa dalawa at nilambitin ko ang sarili ko habang naglalakad na, kaya naman nila ako hahaha.
Bumaba na ako ng makarating kami sa labas ng room, bigla namang may tumawag sa pangalan ko.
"Shei." Mahina pero kilala ko kung sino to.
Papalapit siya sa amin at ng makapunta na siya sa harap ko si Kevin, bigla niya akong hinalikan. Halik na napakatagal. Halik na matagal ko nang hindi naramdaman.
Maya maya bumalik ako sa ulirat at tinulak ko siya ngunit hndi sapat para lumayo siya sa harap ko kasabay non sinampal ko siya.
"Ano bang problema mo? Nag usap na tayo diba?" Nanginginig ako sa ginawa niya naiinis ako.
"Love me again Shei, please." Akmang luluhod pa siya pero tinulak siya ni Justin.
"Ano bang problema mo? Ayaw na sayo nong tao, pinipilit mo pa." Justin said. Inawat ko siya dahil baka kung ano ang gawin niya.
"Bakit ba nakekelam ka? Ano kaba niya? Ahhhh. Tama nga ko. May gusto ka kay Shei." Sagot ni Kevin. Nakahawak siya sa baba niya na parang nangaasar dahil sa binitawan niya. Ano bang sinasabi niya? Nakakainis kaya hindi ko na napigilan.
"Pwede ba Kevin? Layuan mo na kami, sinabi ko na ding hindi na tayo pwede. Hindi pa ba malinaw yon? Gusto mo ulit ulitin pa sayo?" Naluluha na ewan ang emosyon ko dahil napagkakaguluhan na kami dito.
"Fine lalayuan na kita, sa isang condition?" Ano na naman ang balak niya? Mas lalo ko lang siyang kinamuhian sa ginagawa niya.
"What?" Simpleng tanong ko. Hawak hawak lang ni Justin ang bag ko. Dahil gawain niya talaga yun.
"Date me."
"Fine, deal." I answered.
-
Hi guys, i really need your VOTE!😘 yun lang, keep reading. XO

BINABASA MO ANG
Last Chance.
Kurgu OlmayanAng chance ay binibigay sa taong handang magbago, hindi sa taong manggagago ulit. Highest rank #19 in Non Fiction.