CHAPTER 16.

6 0 0
                                        


"DAD?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko kung bakit nandito siya.

Naramdaman kong hinawakan ni Justin ang dalawang balikat ko, siguro napansin niya ang biglang tensyon sa lugar na ito.


Ang Papa ko, bakit nandito siya? At.. At.. Nakaakbay siya sa isang babae. Yun ba ang babae niya?



"What are you doing here?!" Muling bumukas ang bibig ko. Ngunit hindi ko na mapigilan ang sarili kong mabalutan ng galit sa katawan.

"Shei." Yun lamang ang inilabas ng kanyang bibig.


"Honey, who is she?" Biglang nagtanong ang babaeng akbay akbay niya.



"She's my daughter." Biglang kumalas ang tatay ko sa babae nakapalupot sakaniya at akmang lalapitan ako.

Niyakap niya ako.


What the fvck?


"Huwag niyo kong mayakap yakap! Ang sama sama niyo!" Lahat ng tao rito ay naagaw ang atensyon naming mag ama.


Nagtataka.

Nalilito.

Ang mga itsura ng bawat isa.



"Shei, anak patawarin niyo ako ng mama mo!" Hindi ko masikmurang nang hihingi siya ng tawad sa amin dalawa ni Mama matapos ang ginawa niya kay Mama.


"Patawad? Alam niyo ba ang salitang yan ha?!" Sobrang lakas na ng boses ko.


Nanginginig ako sa kinatatayuan ko. Nangingilid ang mga luha ko.



"Hey honey! Pabayaan mo na siya, walang galang ang anak mo!" Pag epal ng napaka landi no
Niyang kabit.

"Tita Grace, huwag na nga kayong makealam." Biglang napaawang ang bibig ko sa nabanggit ni Carlos. Tita niya ang malanding yon?

Hinarap ko ang kabit niya atsaka ko dinuro ang mukha.


"Hoy ikaw! Wala kang karapatang husgahan ako. Kabit ka lang ng tatay ko. At kung makapulupot ka sakanya akala mo ikaw ang tunay na asawa. Ang kabit ay habang buhay na kabit!!" Sigaw ko sakaniya na halos mapaos ako sa sobrang galit.



"At kayo. Kalimutan niyo nang may Anak kayo!" Muling harap ko sa walangyang tatay ko kahit na hindi ko napakinggan ang dahilan niya. Sapat na sa akin na nakita ng dalawang mata ko kung paano niya pinagtaksilan si Mama.


Gusto ko nang umuwi.


Ayoko dito.


Gusto ko nang makita si Mama.


Alam kong nag aalala parin sakin yun, kahit na alam niyang safe ako dahil kay Justin.

Akmang aalis na ako palayo nang marinig ko ang boses ng magaling kong Ama.




"Anak Shei!"




Humarap ako nang marinig ko iyon. Like seriously? Anak? Wtf!


"Huwag na huwag niyo akong matatawag na anak!"


Hindi na napigilan ng mga luha ko, at isa isa na silang nag si bagsakan.


Naramdaman kong sinusundan ako ni Justin at ng mga kaibigan ko dahil sa pagtawag nila sa pangalan ko.




"Shei!"

"Shei!"


Bigla nalang akong naupo sa gitna dahil hindi ko din naman alam kung saan tungo ang paglayo ko. Hindi ko na napigilang at humagulgol na ako ng iyak.


Bakit? Bakit nangyare sa akin ito? Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong umiiyak tuwing umaga ang Mama ko dahil sa kalokohan ng tatay ko.



"Shei." Naramdaman ko ang haplos ni Justin sa balikat ko at dahan dahan niya akong tinayo para yakapin.


"Bakit ganon? Ang bait bait ni Mama. Bakit niloko siya ni papa?" Hagulgol parin ako habang nagsasalita.


"Sige lang Shei, ilabas mo lang kung ano yang nararamdaman mong galit jan sa puso mo. Papakinggan kita." Kung hindi pa dumating ang lalaking kayakap ko sa buhay ko, paano na kaya ako sa ganitong sitwasyon?


"Maasikaso si mama, mapagmahal, wala nang hihilingin pa kahit sino, pero bakit si Papa hindi nakuntento?" Iyak ko padin ang tanging naririnig ko.


"Gusto ko nang makita si Mama!"

"Iuwi mo na ako Justin" dire diretso lang ako habang humihikbi.



Naramdaman ko din na hinaplos ni Andrea ang buhok ko, nakita kong nakayuko lang si Carlos malapit sa amin. Wala akong kahit anong hinaing kay Carlos. Siguro ay naiisip niyang may galit din ako pati sakanya.




"Shhh. Best tahan na." Malungkot na sabibg kaibigan ko habang dinadama ko bawat hagod niya sa buhok ko.



"Gusto ko nang umuwi." Walang gana kong sinabi.


"Akala ko magiging masaya ako." Sabi ko ulit sa sarili ko habang yakap yakap ni Justin.

"Shhh. Don't worry babygirl. I'll make you happy."



Wala na akong mahihiling pa kundi laging nasa tabi ko nalang palagi ang lalaking ito. Na kahit papaano ay may tao paring nagpapasaya sa akin sa kabila ng pinagdadaanan ko.


"Shei, I'm sorry" aniya ni Carlos.

"Uuwi na tayo." Muling buka ng bibig ni Justin at inalalayan na ako sa sasakyan.

-


Tahimik lang ang byahe naming dalawa ni Justin pauwi, nagpasya ang dalawa na magpaiwan sa rest house dahil kakausapin ni Carlos ang tita niya kung bakit ganon ang nangyare.


Akala ni Carlos galit ako sakanya kaya hanggang ngayon. Hindi niya parin ako tinatantanan ng kaka sorry niya maski sa text.



Carlos:

Shei, i'm sorry for what happened.

Shei, please sorry talaga. Hindi ko alam iyon.

Shei, replyan mo ako. Sorry sa nangyare.


Sa ngayon, ayaw ko munang sumagot. Alam kong hindi ako galit sa kaniya. Wala akong dapat ikagalit dahil alam ko ding wala talaga siyang alam sa mangyayare.



"You okay na, baby girl?" Bigla naman akong napatingin sa kay Justin na diretso parin ang tingin sa daanan habang nagmamaneho.





Hindi ko alam na nakatulog na pala ako, nagising nalang ako ng tinatapik tapik ng mahina ni Justin ang pisngi ko.


"Baby girl, wake up. We're here na!" Tuloy tuloy lang sya kakatapik nang maimulat ko ang mata ko saka lang siya tumigil.

Bago bumaba ng sasakyan, inassure nya muna na okay na ako. And then he kiss me on my forehead.


"Everything will be okay."







Agad naman kaming pumasok sa loob ng bahay. Wala si Mama sa sala kaya tinignan namin sa kusina baka sakaling nandun.


At tama nga ako na naroon siya kaya naman agad akong tumakbo palapit sa kaniya.


Niyakap ko siya ng pagkahigpit mula sa likuran niya.






"Mama!!"

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon