CHAPTER 1.

140 4 0
                                    

"Andeng! Timpla mo akong kape!" i shouted habang nagaayos sya ng gamit nya.

"Damn you, ano ka sinuswerte! Pwede kang tumayo jan!" Inis na sagot nya. Natatawa ako sa sinasabi niya.

Maya maya, nagisip ako ng ipapanakot sa kanya. Aha! "Titimpla mo akong kape o aalis ka dito?" Panakot ko nang bigla syang humarap sa akin.

"Kung hindi lang kita kaibigan, aalis nalang talaga ako dito. Osha eto na!" Agad syang bumaba para ipagtimpla ako ng kape.

"Susunod ka din pala, nauna pa yong arte." Sagot ko nalang sa sarili ko dahil tuluyan na siyang nawala. she is my bestfriend, pero takot sa akin yan HAHAHAHA. ewan koba jan.

Maya maya nakabalik na siya hawak yong kape ko, at saka siya nagsalita muli.

"Shei, samahan mo ako mamaya, sanay ka namang maging 3rd wheel samin e. Hahahaha!" Pang aasar niya, alam ko namang simula mawalan ako ng lovelife naging dakilang 3rd wheel na ako sa dalawa kong kaibigan.

"Saang lugar niyo naman balak ipamukha na ako ang 3rd wheel sa inyon dalawa?" Naiinis kong tanong

Bago siya sumagot binigay niya muna sa akin yong kape. "Basta shei, samahan mo nalang kami ha?" Hindi ako mapakali. Pero kinalma ko sarili ko na parang walang iniisip na kung ano.

"Hay nako, kalokohan niyo talaga ni Carlos." Napabuntong hininga nalang ako. Sobrang maraming pakulo tong dalawang to. Bagay na bagay talaga sila. Sarap pagbuhulin.

"Shei, don't really mind what happen later, basta isasama ka namin. Alam mo naman kami diba, ayaw naming malulungkot ka mag isa. " ang lakas niyang magpaamo, pero totoo yung sinabi niya na ayaw nila akong nalulungkot dahil lang sa ex kong hindi ko pa tuluyang nakakalimutan.

Para mapalitan ang usapan inumpisahan ko itong baguhin. "So? Out of place na naman ako mamaya?"

"Hinding hindi ka magiging OP sa araw na to Shei, dahil sa araw na to ikaw ang magiging mas masaya!" Pagpapaalala ni Andrea. Hindi ko alam, pero parang may iba ngang mangyayare ngayong araw.

At sa hindi ko inaasahan, nasagi na naman sa isipan ko yong ala-ala namin ni Kevin.. Sobrang lalim ng naiisip ko.

FLASHBACK

"Shei." He open conversation finally after a long minutes. Nakakapagtaka bakit ang tahimik samantalang dapat masaya kami sa unang anibersaryo ng aming relasyon.

"Kevs." Yun lamang ang naging sagot ko sa pagtawag niya ng pangalan ko at saka hinawakan ko ang kamay niya, sinundan naman ito ng pangalawa kong tugon. "Bakit Kevs? Happy Anniversary!" Masaya akong sinabi ang katagang iyan.

Ngunit ang tagal ng kanyang muling pagtugon, hindi ko alam pero parang may dapat akong malaman sa kanya.

"Shei, this our the last time to see each other. I'm sorry Shei." Hindi ko maintindihan ang kanyang hinaing ngunit pinilit ko pa rin ang mga susunod niyang sasabihin

"Daddy needs me so much Shei, alam mo naman yong kalagayan niya ngayon. Hindi ko makakayang nakikita siyang nahihirapan. Malala na yong sakit ni Daddy. Kaya sinabi sa akin ni Mommy na kelangan niya ako sa states para matulungan sila sa business. Kelangan kong isalba ang negosyo namin, dun ako titira bago pa maapektuhan ang negosyo namin dito sa Pilipinas."

Patuloy ko lang pinapakinggang ang mga sinasabi niya na kahit sobrang sakit, ay kelangan kong intindihin ang sitwasyon niya. Kelangan ko magpaka tatag sa mga panahon na to.

" so paano ang gagawin natin kevs? May maitutulong ba ako?" Sagot ko sakanya, baka sakaling makatulong ako.

"Let's end this, Shei." Bigla akong nanlumo sa mga sinabi niya, bakit parang kaya niya na mawala na lang ako sa buhay niya? Bakit yung ganon na desisyon pa? Marami namang paraan.

"Why kevs? Why you want to end our relationship? No kevs, i can't!" I pleaded.

"Shei ako din hindi ko kaya, pero mas kelangan ako ng pamilya ko. Baka hindi kita masubaybayan, baka hindi na kita mapahalagahan. Shei, mas makakabuti yong ganon. Mas makakapag isip tayo ng tama. Mas magagawa natin ng maganda yong kanya kanya nating buhay." Pinipilit niyang ipaliwanag ito sa akin pero ako hindi ko magawang intindihin dahil sobra akong nasasaktan ngayon.

"Shei, i love you, okay? But i need to let you go. This is for you." Tuluyan nang nagunahan ang mga luha kong kanina pa gusto pumatak.

He kiss me one last time and then he go.

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon