Ambilis. Thursday na ngayon tapos friday na bukas. Yes wala akong pasok ng sabado at linggo!! :D
Pero bago yon kelangan ko makausap si Justin ngayon. Baka nakakalimutan niya may paguusapan kami. Kung hindi nyo natatandaan, binigyan ko siya ng isang magusap-tayo-mamaya-look. Dahil don sa notebook story ni Kevin before.
Stalker kona ba siya dati pa? Hahahahahaha assumera.
"Goodmorning Mama!" masaya kong bati sa kaniya pagka baba ko, naabutan ko siyang naghahain ng breakfast.
"Oh anak, ang aga mo atang nagising ngayon? Mamaya pa ang klase mo ha." sagot niya na may ngiti sa labi.
"Wala lang Ma, ang aga ko din namang nakatulog kagabi eh. Si papa?" tanong ko. Bigla naman nagiba ang expression ng mukha niya. Bakit ba?
" Hay nako anak, huwag mo na intindihin ang papa mo. Busy siya sa business natin." paliwanag ni mama, ngunit iba ang pakiramdam ko sa pinaliwanag niya. Parang may iba
"Yun lang po ba talaga Ma? Oh baka may iba pa? Tell me Ma." hindi ko na napigilang hindi magtanong dahil ilang araw na din ganto ekpresyon ni mama kapag hinahanap ko si Papa.
"Ano kaba anak, wala kaming problema ng papa mo. Kumaen kana Shei." sagot naman ni mama na may ngiti sa labi ngunit alam kong pilit. Kapag isang beses talaga naitanong ko ulit, at ganito na naman ang ekspresyon hindi nako mag dadalawang isip.
"Sige Ma, kumaen na tayo."
Nagkwentuhan lang kami ng ilang oras ni Mama, kung anu ano natatanong niya lalo na kay Justin kung ano ko daw ba siya pati na rin kay Kevin dahil nga nakabalik na siya sa Pinas.
"Eh kung ikaw anak ang papipiliin? Si Justin o Si Kevin ulit?" hay nako talaga si Mama, kung anu ano ang naiisip maitanong. Tanungin ba naman ako ng ganiyan. Minsan diko alam kung bugaw ba talaga tong si mama eh. Hahahaha joke lang.
"Ma naman, syempre wala. At kung meron man, pagkakaibigan nalang ang maibibigay ko sakanila." Confident akong tanong kahit na medyo naiilang ako sa tanong ni Mama.
"Anak, hindi magtatagal. May mapupusuan ka din ulit."
Tumango na lang ako atsaka nagpaalam na kay mama na mag aayos nako ng sarili para mamaya papasok na ako.
"Ma, maliligo napo ako."
"Sige anak, at ako'y ganon din. May aayusin din ako sa business natin."
-
Naglalakad na ako papuntang room, nang may biglang umakbay sa balikat ko.
"Goodmorning!" maligayang bati niya, kahit sa loob loob ko walang maganda sa morning dahil siya agad ang nakita ko.
"Morning" poker face. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang siya daldal ng daldal. By the way, it was Kevin.
"Nag breakfast kana ba?"
"Yah."
"Sabay tayo sa lunch later?"
"No!"
"Ang sungit naman!"
"Can you please shut your mouth? Ang ingay mo eh ang aga aga."
"To naman, parang walang pinagsam--"
Nandito na kami sa tapat ng room at nakita ko agad sa loob si Justin, kaya naman hindi na naituloy ni Kevin ang sasabihin niya.
"Hoy Justin!!!" pasigaw kong tawag kaya naman napalingon siya kaagad.
"What?" aba may topak ata siya ngayon? Anong meron.
"Hoy baka nakakalimutan mo may pag uusapan pa tayo."
BINABASA MO ANG
Last Chance.
Non-FictionAng chance ay binibigay sa taong handang magbago, hindi sa taong manggagago ulit. Highest rank #19 in Non Fiction.