CHAPTER 7.

15 1 0
                                    

Nandito ako sa library, pag kadismiss kanina sinabihan ako ni Kevin na dito kami maguusap. Dahil may gagawin lang daw siya saglit. Ano nga ba kelangan pagusapan? Sa tingin ko ay wala na. Okay na ako at okay na din naman siya sa tingin ko.

Ang tagal naman niya. Nasan na ba yon? Masyadong paimportante.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising lang ang diwa ko ng may biglang tumatapik sa braso ko.

"Kanina pa ako nandito. 30 mins bago kita gisingin. Mukhang masarap pagkakatulog mo. Sorry kung pinaghintay kita." Dire diretso lang ang mga sinasabi niya habang ako nag iinat pa.

I nodded. " anong pag uusapan natin?" Tanong ko sakaniya.

"Shei, please be mine again?" What? Nahihibang ba siya?!

"Maybe its too late para malaman mo pa tong sasabihin ko." Patuloy lang siya sa pagsalita. "Pag punta kong States alam ko na kung ano mangyayare sakin. And i'm correct. Ipinagkatiwala nila ako sa isang babae. She's Diane...My fiance. Nilihim ko sayo to Shei."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Totoo ba to? Bakit niya tinago sakin? At talagang confident siya sa lihim niya.



"Ayokong malaman mo yun Shei, kaya itinago ko lang to. Dumating ang araw na kelangan ko na talaga sabihin dahil si Dad malala na ang kalagayan. Kapalit non ay ang pag arranged married ko kay Diane. Maisalba ang negosyo. Kaya napagdesisyon ko nang sabihin sayo." Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Sobrang estatwa ang dating ko ngayon. Hinayaan ko lang siyang magpatuloy sa mga sasabihin niya.

"Kaya kahit alam kong masasaktan ka, nasabi ko sayo. Pero maniwala ka Shei, ikaw lang minahal ko kahit nagkaroon ako ng Fiance noon. Ikaw lang ang iniisip ko sa mga oras na kasama ko siya. But now, hindi na tinuloy ang kontrata. Kaya nandito ako Shei, maiingatan, mapoprotektahan na kita." Hindi ko na kaya mga naririnig ko. Bakit niya to tinago? Sana lumaban pa ko? Sana pinaglaban ko siya. At sana naghintay pa ako.


"Bakit mo tinago sakin? Sana sinabi mo ng maaga para napag handaan ko. Hindi mo alam kung gaano ka sakit ang naidulot ng paglihim mo sakin. Pinilit kong intindihin pero hindi ko maintindihan kevin! Nagtaka pa ako non kung bakit kelangan pa ng hiwalayan." Hindi ko mapigilan ang sarili ko, masyado nang lumalakas ang boses ko at napapatingin na sa amin ang ibang estudyante dito.

" Tapos ngayon? Babalik ka. Para ingatan/ protektahan kuno ako. Naglihim ka Kevin e. Alam na alam mo na yong mangyayare."

"Shei, maniwala ka wala akong ibang inisip kundi ikaw. Ikaw lang laman ng utak ko. Hndi kita kinalimutan. Alam kong masasaktan ka, kaya andito na ako para bumawi sa lahat ng ginawa ko sayo."

Parang gusto ko nalang umuwi agad. Ayoko na makinig kung ano pa sasabihin niya. Natanggap kona noon pa eh.

"Kung sinabi mo noon pa, hindi ganito yong mangyayare. Pinag move on mo ako eh. Ano pang aasahan mo?" I think tama tong sinabi ko. Naka move on na ako.


"Love me again, Shei" hinawakan niya ang kamay ko ngunit inalis ko ito.

Ikinalma ko ang sarili ko, hindi ko napansing naluha din ako. Kaya inayos ko ang sarili ko.

"Ayoko na Kevin. Tama na tayo." Hindi ko na kayang masaktan pa ulit sakaniya. Tatayo na sana ako ngunit hinila niya ang kamay ko.



" I'll do everything, mapa sakin ka lang ulit."

"No! Mapapagod ka lang. Huwag mo na ituloy."

"Kahit ilang beses mo ako ipagtabuyan, gagawa ako ng paraan bumalik ka lang." Aalis na sana ako pero napaupo ako dahil sa paghila niya sa akin.

"I said stop your plan! Wala na hindi na pwede Kevin!" Sinigawan ko siya dahil sobrang kitid niya. He's getting into my nerves.

"i missed you, baby." Aba nagawa pang mag joke time nito. Pinapaandar na naman yong kalokohan.

"I miss myself too." Bigla naman niyang inilapit sakin yong mukha niya, pero hndi yong lapit na to the point mahahalikan niya ako.

"Tell me, anong meron sa inyo ng Justin na yon?"

Oh god?! Ano bang pakelam niya sa kung ano meron samin ni Justin.

"He is my friend." Maikling sagot ko. But it's true. Friend lang kami at masaya ako dun.

"Sa tingin ko, may pagtingin yun sayo." Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya humarap ako sakanya.

"What do you mean?"


"It's obvious!"


Bago ako makasagot, naalala kong may kelangan kaming pagusapan ng lalaking iyon. Nasan ba siya?



"Aalis na ako. I need to talk to Justin." Sa pagkakataong ito hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Shei, please." Tinignan ko siya sa mata. His pleasing eyes.


"What?"





"Don't fall for someone else."




-

Sorry for short update. Yan lang kinaya ng utak ko. Gagalingan ko pa! I need your Vote guys!😘

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon