After 3months..
After nang mangyare, sa tatlong buwan laging bisita sa bahay si Justin. Kahit na may pasok e hindi muna siya uuwi agad hanggang sa madalas gabi na siya nakakauwi sa kanila. Pinapauwi ko naman ng maaga, pero siya itong mapilit para daw masulit ang mga araw na magkasama kami. Syempre girlfriend ako, kaya gusto ko din.
Si mama naman balik sa dating gawi, work work work na ulit siya matapos magleave ng limang araw, matapos ma depressed. Masaya naman ako dahil kahit papaano nagagawa na niyang ngumiti. Wala naman nang ibang magtutulungan kung hindi kaming dalawa. Kaya kahit wala na ang magaling kong Ama, tuloy parin ang buhay. Hindi na namin mapipigilan kung sino ang gusto niya samahan, siya na rin ang namili. Mistress over family. Maganda na ring nalaman namin, dahil kung hindi baka patuloy lang kami ni Mama umasa sa taong hindi na babalik, hindi naman kami ang pinili sa una palang.
Ngayon ang araw ng ika tatlong buwan ng pag iibigan namin ni Justin. I'm so happy na nakadaan na kami sa pangatlong buwan namin. Sana ay magtuloy tuloy lang at marami pang buwan sa aming dalawa hanggang sa taon naman ang bilangin namin :') kaso sa kasamaang palad, hindi maganda ang pakiramdam ko.
Dinampot ko ang phone ko sa gilid ng kama ko to check na may text ba ang boyfriend ko. Di naman ako nagkamali at kasabay non nagtext din sa akin sina Andrea, Owen, Carlos.
Andrea: Hi beshy! Happy 3rd month sa inyo ni Justin the lover boy! I love you both!:*
Carlos: happy 3rd month sa inyo!
Owen: happy 3rd month sa inyo, ang daya iniwan niya na talaga ako. Ikaw na talaga ang pinili niya. Joke. Stay strong! Soon mag kakagirlfriend din ako.
Medyo natawa ako sa mga sinabi nila, lalong lalo na kay Owen. Parang bromance silang dalawa ni Justin. Hahahaha!
Kada monthsary palaging may ganyang bati akong natatanggap sa kanila, ewan ko ba kung utos to ni Justin or sila talaga nag insist na batiin ako. Hahaha.
At huli kong binasa syempre sa boyfriend ko. Hihi!
Boyfriend<3: Hi, goodmorning baby girl. Happy 3rd monthsary! I'll fetch you in a minute, prepare yourself. I love you so damn much!
Aga aga kinikilig ako. Shocks!!
Agad naman akong nagreply. Simpleng reply lang ang ginawa ko, pero makahulugan sa akin.
Ugh! Bat ngayon pa ako tinamlay?
Dahil maaga kaming pumasok ni Justin ngayon, kami palang dalawa ang nandito sa room.
"Babygirl? You look so pale. Something wrong?" Hindi ko rin alam, pero sobrang tamlay ko at parang magkakasakit ako.
"Not feeling well?" Patanong kong sagot.
Lumapit naman agad sya at hinawakan niya ang noo ko pinakiramdaman kung mainit ba ako.
"Fvck! May sinat ka. Teka hintayin mo ako dito bibili lang ako ng gamot." Ambang tatayo na siya ngunit pinigilan ko ito.
"Mamaya nalang, bago kumaen ng lunch."
"No. Kumaen naman na tayo ng breakfast, so you can take medicine." Tugon niya. "And besides maaga pa, tignan mo tayo palang dalawa dito, kaya hintayin mo na ako. Okay?"
Ano pa nga bang magagawa ko, eh para sa akin din naman tong ginagawa niya. At para maenjoy ko ang ikatlong monthsary namin ngayon!
I nodded. And the He step away from me.
BINABASA MO ANG
Last Chance.
Non-FictionAng chance ay binibigay sa taong handang magbago, hindi sa taong manggagago ulit. Highest rank #19 in Non Fiction.