CHAPTER 14.

9 0 0
                                    




" Tara na Shei! Hinihintay na tayo ng mga jowa natin sa sala niyo!!" Pagmamadali ni Andrea sa akin dahil ako itong makupad at panay parin ang pag aayos ng sarili.

Ganito naman diba kapag may inspirasyon ka. Sinisipag kang ayusan ang sarili mo. Dahil gusto mo maganda ka sa paningin niya.

"Andali lang, last na to!" Sagot ko sakanya habang naglalagay ako ng light lipstick sa labi ko. Hindi ako mahilig maglagay ng makapal na color sa labi ko dahil nagmumukha akong bitch. Singkit ang mata, on fleek palagi ang kilay pero hindi gaanong halata dahil sa natural ko talagang kilay.


Yun nga lang natagalan talaga dahil sa buhok kong mahaba na binlower kopa, kaya itong bestfriend ko gigil na gigil na sa pagmamadali.


"Hindi kana talaga magbabago sa pagiging makupad mo." Aniya na may paghawak pa sa kaniyang noo na akala mo'y problemado.

"Sus hindi kana nasanay, Tara na!" Masigla ko paring sagot sa kaibigan ko.



Nang makababa kami, naabutan namin sina Mama, Justin, at Carlos na nagtatawanan.

Anong pinagtatawanan ng mga yon?



Laking tuwa ko naman dahil sa kabila ng pinagdadaanan namin ni Mama, nakita ko parin yong kaniyang ngiti. Her smile very Priceless!



Bigla naman silang napatigil sa pagtawa nila nang makita nilang papalapit na kaming dalawa ni Andrea sa kanila.


Hindi ko alam kung anong titig ang binbigay ni Justin sa akin sa mga oras na ito.



"Oh nariyan na pala kayo Anak." Aniya Mama na may matamis na ngiti sa kanyang labi, tanging ngiti na lamang ang aking tugon sa kanya. At bumaling na ako kay Justin na ganoon parin ang titig sa akin. Why is that?


"Huy!" Singhal ko sakanya, bigla naman siyang bumalik sa normal ng marinig niya ako.


"Grabe ang titig pre, matunaw si Shei." Matapos sabihin ni Carlos ang katagang yon, nagtawanan kaming lahat.


"You're so beautiful.." Tulala parin ang mukha ni Justin sa akin na akala mo ngayon lang ako nakitang ganito. Eh samantalang mag dadalawang linggo na kaming mag kasintahan.



"Eh san paba mag mamana yan." Sabi ni Mama na may paglagay pa ng kamay sa kanyang baba na parang pinag mamalaki niya talaga kung saan ako nagmana.


"Alam mo na?" Tanong ko sa nakangiting si Justin.




"Pagpasok nga namin kanina akala ko ikaw nagbukas ng pinto nyo, Mama mo pala yayakapin na sana kita." Pagbibiro ni Justin at nakangisi ang loko.


Pinalo ko siya ng mahina sa braso, at nagtawanan kaming lahat dahil sa biro niya.

Humarap sa akin si Mama at saka hinawakan ang magkabilang siko ko.


"Anak, masaya ako para sa inyong dalawa ni Justin. Hayaan kitang maging masaya kahit na alam mo naman si Mama may pinagdadaanan, pero para sayo kakayanin natin to." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa Mama ko, alam kong may dinadamdam na sobrang sakit.



Nangingilid ang mga luha ko at pinipilit kong ngumiti sa mga oras na 'to.


"Ma, hayaan mo kahit ganito ang sitwasyon. Hinding hindi kita papabayan. I love you Ma!" At niyakap ko siya na sobrang higpit.


"I love you too, Anak!"

"Awwww. So cute, tara guys Group hug!!!" Aniya ni Andrea.


At lumapit na silang lahat sa aming Mag-ina at yumakap na parang nabuo muli ang pamilya ko.



"Osha, magiingat kayo sa pag alis niyo ha."


"Aalis napo kami Tita!" Masiglang sinabi ni Carlos. Ito talagang lalaking to nakaka goodvibes palagi ang aura.


"Tita, aalis napo kami. Nothing to worry about Shei. Ako napo ang bahala." Aniya Justin. Wow parang ilalayo niya nako kay Mama. Napangiti naman ako. Hihi.


"Mama, alis napo kami." At saka muli kong niyakap si Mama at tuluyan nang umalis.





Saan nga ba kami magpupunta? Napagplanuhan namin na mag out of town dahil kakatapos lang ng Midterm exams. At ito naisipan naming magliwaliw muna. Sa rest house kami nila Carlos sa Cavite magstay dahil sa naisipan niyang dun kami pumunta.


Kasama dapat namin si Owen, kaso siya na mismo ang tumanggi dahil wala daw siya partner. Natawa ako sa dahilan niya. Sobrang cute talaga ng lalaking yun. Sarap gawing keychain.




Dala kami ng sasakyan ni Justin at si Carlos na ang nagprisinta mag maneho dahil siya naman daw nakakaalam kung saang daan kami tutungo. Si Andrea naman ay sa Passenger seat. Kaming dalawa ni Justin magkatabi dito sa backseat.



Masaya ang byahe dala ng napakasayang tugtog dito sa loob ng sasakyan at sa katuwaan naming kwentuhan.




"Alam mo pre, kung hindi malapit ang tadhana sa inyong dalawa ni Shei, ay malamang hanggang ngayon niloloko ka ng ex mo na ikaw ang Ama!" Natatawang tawang sabi ni Carlos.

Naalala ko na naman ang kasinungalingan ng dalawang iyon.



"Tsk. Kahit sino botong boto sa amin ni Shei. Kaya kahit anong gawin nila. Hindi nila kami matitibag." Confident na sagot ni Justin sabay kindat sa akin na nakaramdam ng malakas na kilig sa buong katawan ko.


Grabe ang dala ng lalaking ito sa akin, hindi na ako magtataka kung bakit agad nahulog ang puso ko sakanya.



"Hayaan na natin yon guys, ang mahalaga sumang ayon ang tadhana sa inyong dalawa." Sabay kaming tinignan ni Andrea mula sa harapan. Sabay naman kaming tumango ni Justin at biglang nagkatinginan.


"Babygirl.." Aniya.

"Babyboy.." Sweet voice kong tugon at patuloy lang sa pagtitig sa lalaking mahal ko.




Habang nakangiti, nakatingin parin kaming dalawa sa isa't isa. Hindi ko alam kung sino ang unang matutunaw sa titigan naming dalawa habang papalapit kami sa isa't isa, Sobrang lalim ng nararamdaman ko sakanya at dama kong ganon din siya sa akin.



Hindi ko akalaing ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang lalaking nagbigay sa akin ng pagkakataon kung paano magtiwala at magmahal ulit.



Hinawakan niya ang isang kamay ko, at ang isang kamay naman nya ay nakakapit sa bewang ko. Palapit na ng palapit ang aming mukha hanggang s--









Biglang malakas na preno ang ginawa ni Carlos.





To be continue..





Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon