CHAPTER 10.

11 1 0
                                    

Hay grabe hindi ko kinaya ang mga nangyare kahapon, kaya eto ako naglilibang sa social media. I open my twitter and facebook.

Scroll down. Scroll down. Scroll down.

Ciara Villaclara' status: I like you, but i think you like someone.

Si Ciara, yan yong nag nominate kay Kevin kahapon bilang Escort pero sad to say hindi siya ang majority kundi si Justin. At napapabalita ding may natitipuhan siya sa klase namin. Sino kaya yun? Hay, nevermind.

Scroll down. Scroll down. Scroll down.

Justin Royce Aquino's status: I like you, That's all.

Naintriga naman ako sa mga status ng classmates ko, puro like like may like button naman dito sa facebook.

Ay teka? Baka naman si Justin yong tinutukoy niya? Possible. Pero sino yong tinutukoy ni Justin? Ako? Weh, assuming! Or si Ciara.

Bigla namang naginit yong pisngi ko, nakaramdam ako ng kakaiba kaya nag patuloy lang ako sa pag scroll at nagsawa din, tumungo naman ako sa twitter.

And then i see myself posting many tweets..

What's with this feeling?

Am i jealous?

Nah.

No.

Never.

This is not true.

Okay, calm down Shei.

Ugh! It feels like jealousy.

Fine.

Okay.

Mad+jealous = Shekainna.

-

Tanghali ang pasok ko, kaya hindi ko na naabutan si Mama pagbaba ko para sana kumaen ng breakfast. Nanuod nuod muna ako ng mga palabas sa T.v hangga't maaga pa.

Maya maya naboring ako, dahil hindi ko talaga hilig manuod ng mga ka anekan sa t.v kaya ang ginawa ko naligo, nag ayos ng sarili at finally on the way school na ang Lola niyong maganda. Charot.

Pagdating kong school, naalala kona naman yong naramdaman ko kagabi until now hindi paren nawawala sa utak ko yun. Totoo kaya yong prediction ko? Hmm. Eh bat ako apektado?

"Kalma Shei." Nagulat ako sa nagsalita. Si Owen.

"Ay sira ulo ka talaga, papatayin mo pa ako sa gulat." Sagot ko.

"I think you're so far from reality." Ang cutie niya talaga. Bakit hindi siya naging keychain, para maisabit ko to sa bag ko. Hahahaha gigil ako eh.

"Hay loko loko ka talaga, tara na baka nandun na si Justin Asungot."

"Okay."

Nakarating na kami sa room, at.. At... At... Hindi.. Nga.. Ako.. Nagkakamali.. May... Something.. Sa.. Dalawa..? Bat hindi ko to alam? Nakita ko silang magkatabi at nagtuturuan ng lecture sa notebook.

Eto na naman yong naramdaman ko kagabi, bakit bumalik? Don't tell me totoo tong nararamdaman ko?! No!! Nah!! Never!! Mali iniisip niyo!

"Jealousy." Bumalik ako sa realidad ng magsalita tong cute na keychain, ay este si Owen.

"N-nah. Why would i?"

"Obviously." Sagot niya.

Isa pa tong si Owen, ang lakas mang alaska. Hay nako!

Last Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon