LB 7: I want you obsessed

922 28 1
                                    

LB 7: I want you obsessed

"Good morning, participants! So, I would like to introduce our designers. Ms. Vib and Mr. Lou"

'Yan na ang naririnig ko habang nasa pinto palang ng conference room nitong kompanyang magi-sponsor ng gagawing fund raising program. Nagda-dalawang isip pa akong buksan ang pinto dahil late na ako! I need to meet Zoila para pag-usapan ang gagawin kong commercial para sa isang sikat na clothing line dito sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Kanina pa ako tinatawagan ni Kent at ni Mr. Orange dahil magsisiula na raw ang meeting. And here I am! late na nga! binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan ng conference room dahil sa pagabbakasakaling hindi ito makakagawa ng kahit anong ingay. Ngunit doon ako nagkamali. Dahan-dahang lumangitngit ang pinto dahilan para mapatingin sa direksyon ko ang mga taong nasa loob.

Kita sa mga mukha nila ang pagka-gulat. Ang iba ay napa-nganga pa at napatayo sa kanilang inuupuan. Ang isang lalaking malapit sa pinto ay lumapit upang tulungan akong buksan ito.

Tumayo ako ng maayos at nkangiting tiningnan sila. Ang iba ay napasinghap at nakarinig din ako ng mga munting bulungan.

"Ms. Jamilla you can sit beside Mr. Smith" Saad ni Mr. Orange. Tumango nalang ako at nagtungo sa upuan katabi ni Kent.

"Si Ms. Jamilla ang representative ng Brent?"

"She has a very busy schedule. Alam kong sa Brent siya nag-aaral ngayon pero 'di ko akalaing tatanggapin niya ang mga ganitong maliliit na fund raising activity"

"Sobrang late na ba ako?" Tanong ko ky Kent na ngingiting nakatingin sa'kin. Anong problema nito. Bakit parang sobrang good mood?

"Hindi naman. Pinapakilala palang 'yong mga designers. Ok ka lang? Mukhang nagmadali ka ah?"

"Ha? Bakit? Haggard ba?" Medyo napalakas ang tawa niya kaya't may ilang napatingin sa direksyon namin. Seriously? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"No. You're always beautiful. Beautiful as ever" bulong niya na nakapag-patindig na balahibo ko. agad ulit akong napatingin sa katabi ko. Mukhang wala naman siyang narinig.

"You're crazy"

"Crazy over you"

What the fuck is happening to him?

"Seriously? Do you take some cocaine?"

"I don't need that. All I need is you" Napailing nalang ako sa kawalan. This guy is badly smitten. Ibinalik ko ang atensiyon sa unahan kung saan natigil ang nagsasalita bago ako pumasok. Nakita kong kausap ni Mr. Orange ang mga designer at maging 'yong nagsasalita ng gay na organizer yata. Nakikita ko pang sumusulyap-sulyap sila sa direksyon ko habang nag-uusap.

Inikot ko ang aking mata sa buong kwarto at tiningnan ang mga representatives ng bawat eskwelahan. Maganda sila lahat. Model type. Ang isa sa kanila ay nakita ko na sa isang local magazine na tinrabaho ko rin noon. Ang ilan ay makikitaan mo ng foreign features. So I guess, hindi lang ito puchu-puchung fashion week.

Nagsimula na muling magsalita ang organizer na may pangalang Mr. Aki.

"Ok! Let's continue. Sorry for the interruption. Masyado kaming na-star struck sa pagdating ng Teen Hottest Model" Sabay tingin pa niya sa direksyon ko. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. So, hindi pala nila alam na ako ang representative ng Brent. What a surprise Mr. Orange.

"So, I think we need to introduce ourselves muna. Syempre kailangang magkakilala ang mga ambassador at ambassadress ng buong paaralan paea naman maging enjoy itong gaganapin nating fund raising. Because guys! Matagal-tagal din kayong magkakasama-sama" at sinabayan pa niya ito ng isang malanding tawa.

Lifeless Battle [CHSL Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon