[KG and TG Moments part.2]
CHEN'S POV
Habang naglalakad kami, biglang napatigil si Lady,kaya napatingin ako sakanya.
Bakit Lady?
Tanong ko, at bigla nalang nag twinkle mga mata niya, kaya tinignan ko yung tinitignan niya. Ice cream shop?
Ice cream!!!
Sabi niya sabay hila sakin sa loob ng ice cream shop.
Miss one large double Dutch ice cream -Lady
Right away ma'am, how 'bout you sir?
Tanong nang waitress.
One medium rocky road.
Oh ikaw magbayad ah -Lady
Ibang klase talaga tong babaeng to oh.Nilabas ko nalang yung credit card ko at nagbayad na, mahirap na magaya pa ako kay Chanyeol.
Saktong pagkaupo namin dumating na yung order namin.
Favorite mo siguro ang double Dutch kaya ganyan kalaki in-order mo.
Sabi ko sakanya habang nilalantakan niya yung ice cream niya.
Yup,mahilig ako sa ice cream at double Dutch ang pinakapaborito ko.
Masaya niyang sabi, okay kailangan ko itong isulat sa aking checklist, mwahahahaha.
CASSANDRA'S POV
Sa dinami -rami ng pwedeng hilahin ng cold guy na ito ako pa -_-
San ka ba kasi pupunta ha at sinama sama mo pa ako.
Sabi ko habang hinihila niya ako.
Basta.
Ayos kausap nito ah, may lugar na palang basta ngayon ah, nagpahila nalang ako hanggang sa nakarating kami sa...
Foodcourt?? Di ka pa ba busog kanina??
Tanong ko.
Di ako nakakain ng maayos kanina kaya samahan mo muna ako. -Xiumin
Wala naman na akong nagawa dahil di rin ako nakakain ng maayos kanina.
Miss five steamed buns, anong sayo? -Xiumin
Carbonara and iced tea nalang.
One carbonara,two iced tea and two water, yun lang miss. -Xiumin
Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may nakasagi sa tubig na nasa table namin at nabasa yung wrist ko.
Ah sh*t naalis yung nilagay kong powder sa tattoo ko, di niya dapat to makita.
Hey, watch it -Xiumin
Sorry po, sorry -Stranger
Wait, Cr lang ako.
Sabi ko at dali-daling umalis.
Mabilis kong hinanap yung powder na nilalagay ko sa tattoo ko at muli itong nilagyan. Lahat kami meron nito, ginagamit namin para maitago ang mga tattoo namin sa wrist. Para na rin di kami makilala agad-agad.
Dahil pag nakilala kami maraming susubaybay sa mga kilos namin.Tago ang pagiging gangster namin at ang mga magulang lang namin ang nakakaalam.
Bumalik na ako sa pwesto namin nang natapos ako.