Chapter 20

10 1 0
                                    

[Red Alert]

ACE'S POV

Lumipas ang ilang araw at Friday na ngayon,yeah I love Friday,half day lang kasi kami,hahahaha.Anyways, kanina pa ako paikot-ikot dito sa campus, hinahanap ko kasi si Cass.Ako kasi inutusan ng principal namin na maghanap sakanya kasi nasakanya yung listahan naging officers ng iba't-ibang clubs pati na members kasi siya ang president ng student council at kailangan na yung listahan ngayon as in now na. Kasi nga malapit na ang school festival. Ano ba yan panay ako "Kasi".

Kasi nga, naiisipin ko parin yun live show na napanood namin ni Keila sa bar. Hahaha, goodbye first and second kiss. I'll see you on my next life ang peg ni Mai doon.

Kada maaalala ko yun, mukha akong baliw na bigla nalang napapangiti. Inayos ko na ang sarili ko at pinigilang tumawa tsaka naisipang bumalik sa room baka sakaling andoon siya.

Guys nakita niyo ba si Cass?

Tanong ko kela Luhan at Sehun, nakatambay kasi sila dito sa hallway.

Hindi eh, baka nasa classroom. Hoy Sehun ano nga kasing date ngayon?

Rinig kong tanong ni Luhan bago ako maglakad.

25 nga, di kasi nakikinig eh.

Rinig ko namang sagot ni Sehun.

25 na pala ngayon, bilis ng araw ah, akal--- T-teka ano?

25!!??Gulat kong sigaw. Shemay kailangan kong makita agad si Mai.

Tumakbo ako ng parang turbo papasok ng classroom. Buti nalang nakita ko siya agad doon and what do we have here. Napangiti ako ng malaki ng makita kong kausap niya si Chen na wala man lang kaalam-alam sa nangyare. Pfft. Ay siopao di yan ang pinunta ko dito.

Winaksi ko muna yun sa utak ko at naglakad palapit kay Mai.

MAAAAIIIII!!!!!25 NGAYON!!!! BAKIT NATIN NAKALIMUTAN!!!??

Tarantang sigaw ko para makuha ang attention niya.

Eh ano naman kung...25!!!???BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!!??GIRLS MAGSITAYO KAYO JAN AT KUMILOS NA.!!!

Taranta naring sabi ni Mai kaya dali-dali namang nagsitayuan ang warriors habang naguguluhan naman ang EXO.

Pumunta na kami sa parking lot at sumakay na kami sa sasakyan namin.

Hoy gulayat ja---Xiumin anong ginagawa mo dito!!??

Gulat kong tanong ng makita kong siya ang katabi ko.

You pulled me.

Cold niyang sabi.Akala ko si Gulayat ang nahila ko. But anyways...

Xiumin ipag-drive mo naman kami sa Mall oh. Urgent lang.

Paki-usap ko sakanya at di na siya nagsalita at agad pinaharurot ang sasakyan. Kasama ko ngayon sina Mai,Sheen, Trixcie, Keila at Ayesha.

Marunong kaming mag-drive pero sa taranta naming ito baka sa hospital pa diretso namin.

Yung ibang Warriors ay nauna na sa bahay. Si Diana na ang nag-drive para sakanila dahil siya ang pumapangalawa sa pagiging kalmado kahit natataranta na sa loob-loob niya.

Pagkarating namin sa Mall ay agad kaming dumiretso sa grocery area at kumuha ng dalawang pushcarts.

Trixcie, Sheen, Keila kayo na ang bahala sa paborito niyang kainin. Ace, Ayesha sumama kayo sakin. Tayo na maghahanap sa inumin at naps. Uh Xiumin sumama ka nalang kela Trixcie ah.

Sabi ni Mai at naghiwa-hiwalay na kami.

Mai dito!!!

Sigaw ko kay Mai ng makita ko yung mga dutchmill, chuckie at freshmilks.

Kumuha nalang tayo ng tig-sasampong piraso.

Sabi niya kaya yun ang ginawa namin.

Next na pinuntahan namin ay sa mga napkin. Hehe.

KEILA'S POV

Dito kami ngayon sa marshmallows at si Sheen ang taga-lagay.

Sheen gawin mo nalang 20 plastics yung marshmallow.

Sabi ni Trixcie kaya ginawang 20 plastics ni Sheen. Next na pinuntahan namin ay sa mga chocolates.

Sheen kuha ka ng dalawang box ng Ferraro, dalawang box ng tobleron at dalawang plastic ng kisses, pati pala Hershey.

Grabe talaga kung magka-period si ate Cass, jusko daig pa naglilihi eh! -Sheen

Kay Cassandra lahat yan?
Tanong ni Xiumin. Mahahalatang gulat siya pero pinanatili parin niya ang cold expression niya.

Yeah, sakanya lahat yan at kung gusto mo pang mabuhay, wag mong gagalawin lahat ng sakanya, ibang klase yun pag nagka-period.

Sabi ko sakanya. Good thing nga at regular siya eh. Kaya kapag 25 na. Ito na ang daily routine namin.

Binayaran na namin lahat ng pinamili namin at nagtungo sa parking lot bitbit ang sampong plastic.

Pagkarating namin sa bahay, nagmadali kaming pumasok at nakita ko sina Steff at Athena na paakyat ng hagdan.

Wait yan na ba yung champorado? Oh isama niyo na tong chuckie at freshmilk, ilalagay nalang muna sa ref yung iba.

Sabi ko.

MAI'S POV

Nagtungo ako sa kwarto ni Cass pero wala siya doon. Instead, naabutan ko sina Diana at Sheena na pinapalitan na yung cover bed ni Cass.

Asan siya? -Tanong ko

Nasa room mo, may sinat nanaman.

Sabi ni Diana

Pumunta ako sa room ko at nakita kong nakahiga siya sa isang kama. Dalawa kasi kama sa room ko. Yung isa akin.

Lumapit ako sakanya at kinapa ang leeg niya. Mainit parin, haist.

M-Mai? -Minulat niya ang mga mata niya.

I'm here -Nakangiting sagot ko.

Where's Trixcie?

Naka-pout niyang tanong. Napangiti naman ako dahil doon.

Nasabi ko na bang, lumalabas ang other side or should I say,childish side ni Cass kung nagkakaperiod siya? At kaming dalawa lang ni Trixcie ang gusto niyang papasukin dito sa kwarto ko.

Kung hindi pa, ngayon alam niyo na.

Kumuha lang siya ng gamot. Yung champorado mo pala oh.

Sabi ko sabay kuha nung champorado sa sidetable.

Your lips are sweet Lady.

Muntik ko nang mabitawan yung hawak kong champorado ng maalala ko nanaman yung sinabi niya.Fishteng sweet lips yan. Magnanakaw ng first kiss pati second tapos walang naalala. Sarap lang bangasan. Pero mas mabuti na yun -.-

Are you okay Mai?

Nabalik ako sa katotohanan ng tinanong ako ni Cass kaya napatango nalang ako.

-------------------------------------------

Cut muna natin dito guyseu. Wag nga, may continuation pa tong kabaliwan ko sa chappy na ito XD hahaha.Pipigain ko muna utak ko ah. Kasi nga sinisingit singit ko yung story sa special chapter dito para mas may sense naman kahit konti lang hahaha.

Hope you like it. Next chappy will be updated soon.

Making a Warrior MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon