[Visiting Warriors House PART 1]
ACE'S POV
(Yawn)Monday na ngayon at yes, nandito parin kami sa bahay ng TG. Ginawa ko na ang morning rituals ko, naghilamos, naligo at nagpalit ng uniform tsaka bumaba. Maaga pa naman eh, 5:30 am palang. Nakita ko si Cass na nagluluto na sa kusina, as usual ang aga.
Morning Cass, mukang tapos ka na magluto ah, sige palit ka na, ako na gigising sakanila. Sabi ko sakanya.
Yeah -Cass
After nun dumiretso ako sa mga kwarto nila at isa-isa silang ginising at ang pinakahuling room na pinuntahan ko ay ang room ng pinakamahirap gisingin sa lahat. Yung room nina Athena, ayokong gawin yung ginawa ni Mai dahil gusto ko pang mabuhay.
Athena gising na, may pasok pa tayo. Niyugyog ko siya ng mahina.
Ano ba dusbdjrbeisjahsd *PAK*
Aray!!! Hanggang pagtulog nananapak parin tong barumbadong to T^T
HOY ATHENA!! PAG IKAW DI PA GUMISING JAN LALAGYAN KO NG MARAMING IPIS YANG HIGAAN MO!!!
Sigaw ko sakanya and by that, agad siyang napabalikwas at dumiretsong cr. Pati mga kasama niyang natutulog nagising na XD
Tss, ipis lang pala katapat eh para magising. Lumabas na ako at nakita ko yung iba na nakahanda. Oo nga pala yung TG tulog pa.
Girls tara gisingin natin ang TG. Sabi ko sakanila kaya pumunta kaming sala.
Aaawww!!! Ang cute nila matulog, hahaha, posisyon nila nakakatawa.
Yung paa ni Chen nasa mukha ni Chanyeol, tapos yung braso ni Chanyeol nakadagan sa tyan ni Baekhyun. Si Tao at Kris na magkayakap. Si Lay nakadapa. Si D.O at Kai parang hipon hahaha, yung ulo ni Luhan nasa tyan ni Sehun tapos yung paa nakadagan kay Suho. Seriously!!! Ganito talaga sila pag tulog sa iisang higaan?? Si Xiumin lang nakaayos, cool!!!
Sheen bilis kunan natin sila ng picture!!
Rinig kong sabi ni Shaine at agad agad silang nagsilabasan ng cellphone at camera. Yung iba nagpipigil tawa pa.
Ace!! Tawag sakin ni Mai.
Bakit? Tanong ko naman.
Naiisip mo ba ang naiisip ko.
Sabi niya at na gets ko naman agad.
Tara sa kusina, dalhin mo na rin si Sheena at Keila. Sabi ko kay Mai.
Hahaha mga kalokohan namin.
Hoy kayong dalawa bakit kayo nanghihila dito sa kusina ah. Sabi ni Keila.
Basta, hanap kayo ng kaldero at sandok, gets na??
Sabi ko at agad naman silang napangisi kaya dali-dali silang naghanap.
Tara na, balik sa sala -Mai
Buti tulog parin sila...
Ready 1....2....3....
Plang! Plang! Plang!
Ting!Ting! Ting!
SUUUUUNNNNNNOOOOOOGGGGGGGGG!!!!!!!
sabay sabay naming apat na sigaw,hahaha agad na napabalikwas si Kai at Chanyeol papuntang Cr kahit kanda buhol buhol yung mga paa nila, hahaha
AARRAAYY!!! yung noo ko nauntog!!! Pasigaw na sabi ni Baekhyun.