Chapter 4
Jade's POV
Paglabas ko sa condo sumakit ang tyan ko sa kakatawa. Hindi ko expect na ganon ang magiging reaction nya. Natuwa ako sa kanya! Parang yung ginawa kong mga kalokohan nong high school at 'nong bata pa ako na binigyan ako ng gift ng parents ko on christmas eve. Napakasaya ng feeling. Saglit kong nalimutan ang lahat problema.
Nang nakita ko ang itchura nya. priceless!
Nakalimutan ko kasi talaga mag lock sa bathroom, nasanay na 'kong mag-isa lagi sa condo. Nawala sa isipan ko na meron na pala akong kasama. Si Althea, ng makita ko syang nakatulala habang tinitignan nya akong mag-shower. kinabahan at na conscious ako ng sobra. na insecure. nagandahan kaya sya sa'kin? gusto ko bang magandahan sya sa'kin? Parang hindi matatanggap ng pride ko kapag hindi sya nagandahan sa'kin.
****
Pagkatapos namin mag-malling, at kumain the second time around na walang istorbo, dumeritso kami sa condo. inistop ko ang kotse at tumingin kay Althea na kanina pa tahimik. kaya pala she's sleeping na. pinagmasdan ko ang mukha nya. Weird. bakit napapa smile ako?
"Althea gising na, we're here." at tinap ko sya sa balikat.
"..mumble......" is she dreaming? naka kunot noo sya. parang nahihirapan syang huminga kaya tinap ko ulit ang balikat nya. mas malakas. tulog parin.
"Althea!!" yinugyog ko sya. Mabilis minulat ni Althea ang kanyang mata. gulat. at biglang napasigaw sya ng malakas ahhhhhh!!!
What the?!
Nagtakip ako ng tenga. "Ano ba Althea!! ang lakas mong sumigaw, baka sabihin ng mga tao minomolestiya kita sa loob ng kotse ko."
humihingal na napahawak sa dibdib si Althea. "Sorry. love. bangungot lang buti ginising mo ako."
"What is it?" na curious ako. Biglang naman nag-iwas tingin sya sa'kin. huh? "Na-nakalimutan ko na... sa-sabihin ko sayo kung maalala ko." at tipid na ngumiti sa'kin.
"Okay? so..hmm are you sure you're ok?" pansin ko sa Itchura nya parang kinain sya sa dream nya. takot na takot.
"Yes, ayos lang ako. dont worry" pag re-assure nya sa'kin. "Sabi mo yan. nandito na pala tayo sa condo, you can go ahead na, meron pa kasi akong dadaanan." tinanggal ko ang seat belt ko, lumapit din ako sa kanya para tanggalin ang seat belt nya. inaamoy nya ba ako? nag side glance ako."Althea?"
"Im ok" sabi nya habang nakapikit. I'm suddenly worried for her. Huminga muna sya ng malalim bago umalis sa kotse. "Bye!"
*******
"Bestie, ang ganda ng records nya, malinis. Bilib ako sayo pinatira mo sya sa condo mo kahit hindi pa lumalabas ang resulta ng background check nya." sabi ni Sally habang may binabasa na [Althea's File].
After ng date namin ni Althea. Nag enjoy naman kami. na-inis lang ako sa dalawang babaeng yun. Nawala ako sa mood. after ng pagdaan ko sa condo, dinaanan ko ang Business Office namin sa Mandaluyong para kausapin si Sally.
"Bestie, hindi tayo magiging successful kung hindi ako magaling mag-hire ng mga qualified na personnel sa negosyo natin at wala yun pagkakaiba sa pag-hire ng girlfriend. Ginamitan ko lang ng instinct ko." pag-aalala ko kay Sally.
BINABASA MO ANG
Wanted Girlfriend (jathea fanfiction)
Romance❤️Wanted Girlfriend❤️ With pleasing personality Jade Tanchingco, born into a wealthy family, Mayabang matapobre at masungit, Naghahanap ng worthy girlfriend para ipakilala sa pamilya, at para pagselosen ang taong nag wasak sa kanyang puso. Warning:...