Addicted to You

4.7K 177 16
                                    

Chapter 18

A.N warning SPG. di ko na ata kailangan mag warning. sa mga dating nagbasa, may binago lang ako unti lang naman.

Jade's POV

Bitaw! Pilit kong inaalis ang braso niya na naka palupot sa sakin at ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko!

Pinipigilan ko siyang mahila ako papalayo pero ang lakas niya! ..... bakit nangyari to? am I going to die? hindi pwede! Ikakasal pa kami ni Mk! Hindi dito matatapos ang buhay ko!

Dammit!! At saan ba ako nito dadalhin? Wait , rapist ba to? ang mga lalaki talaga, I so hate them. kailangan ko matakasan ang taong ito. Kailangan ko pang puntahan si Althea... I need to see her. ok lang ba siya? parang hindi... 3 million ba naman ang winaldas ng babaeng yun, madate lang si Althea.

I really need to see her and make sure that she's alright! pahamak kasi ang mokong nato, kung hindi ito umiksena, nakausap ko sana si Althea, at may possibility na manalo pa ako. arh! I hate this guy! arh.. nagwala ako sa bisig niya!

Hmmp!!

"Hey.. cut it out will you! Sumama ka na lang ng matiwasay at hindi ka masasaktan."

Sh*t so may balak siyang saktan ako?

Inalala ko yung mga days na nag-aral ako ng self defense. may planong nabuo sa isip ko. that's it!

"Oh ganyan dapat sumama ka nalang ng maayos"

Pero ilang minuto lang... nagready ako. 1...2....3! sinikmurahan ko siya gamit ang siko ko. yung pinaka malakas ko na.

Awwww! ahhhh.... nabitawan niya ako. humarap ako at sinipa ko ang ano niya!

awwwww!

You deserve it! iniwan ko siyang nakaluhod at hawak hawak ang tyan at ang precious niya. mamaya irereport ko ang taong yun! uunahin ko muna si Althea!

"Jade?!" Nakita kong tumatakbo siya papalapit sa'kin. paano? bakit siya nandito? siya ba ang may gawa nito?!

"Ayos ka lang?! sinaktan ka ba niya?!" lumayo ako ng hahawakan na niya ang kamay ko.

"Jessie!? bakit mo nagawa to sa'kin! you kidnaped me just to prove na mahal mo ako ganon?" nasigawan ko siya... ang natitirang respeto ko sa kanya nawala na.

"Nooo.. you're wrong! hindi ko gagawin ito sa'yo Jade! believe me! wala akong alam na pupunta si Jacob dito, wala talaga akong alam, Jade! dont worry pagsasabihan ko siya. sinabi ko naman na ikaw ang mahal ko at hindi siya... pero sobrang kulit at habol ng habol parin sa'kin." nasama pa ako sa lovers quarrel ng dalawang to? gaahd!

Umuusok na ako sa galit. at napansin niya ito "May masakit ba sa'yo? sinaktan ka ba niya?" lumayo ako..

"Huwag mo akong hawakan... at kung may mangyari kay Althea.. lagot kayong dalawa sa'kin!" iniwan ko siyang mag-isang nakatayo sa madilim na dalampasigan.

Bumalik ako sa Bar, baka maabutan ko pa sila but to my dismay, umalis na daw sila. sh*t

pumunta ako sa mga resto sa labas, sigurado ako nandon sila! hindi ko sila mahanap... sh*t!

Althea, I hope your ok, wherever you are. Dont worry pupuntahan kita dyan. just be ok please.

********

Althea's POV

Kinulong niya ang pisngi ko ng kanyang dalawang kamay. na pinipilit ko naman inaalis... pero nanginginig ang mga kamay ko! hindi ko ito magawang alisin! "A-Ano ba... " kahit anong pakiusap ko parang hindi niya 'ko naririnig.

Wanted Girlfriend (jathea fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon