Sweet Torture

4.7K 207 59
                                    

Chapter 22

Althea's POV

Kidnap for ransom yan ang unang nasa isip ko ng makita ko si Jade... alam siguro ng mga kidnaper na mayaman si Mk. napahawak ako sa ulo. hindi ayoko na mapahamak si Jade. pero ano naman ang magagawa ko? Dios ko.. kahit ako na lang at wag si Mk.... ganto magmamaka-awa ako kay wrestler 1 na pakawalan si -

"Itali mo siya" nag uutos na sabi ni Mk. teka sino daw ang itatali? lumapit si wrestler 1 sa'kin. huh? may dinukot siyang handcuff sa bulsa. at mabilis na linagay ito sa kamay ko. hala ano to?! nagpumiglas ako.

"Mk?! ... k-kilala mo sila? at bakit... niyo ako linagyan ng handcuff?! bitawan mo 'ko" naguguluhan ako, anong kahibangan-

"Mk?..." ang mukha niya wala akong makitang expression dito. galit siya sa'kin? tinanong ko pa? sigurado nagtatampo parin siya sa kin .

Pero ano to, kailangan pa ba niya akong ipadakip sa mga tauhan niya?

"Ano bang nangyayari Mk? magsalita ka naman oh... "

walang reaksyon. walang kibo. hindi niya ako pinapansin. may kirot akong naramdaman sa puso ko. hindi pa niya ginagawa ito sa'kin, ang magtampo at hindi ako pansinin.

"I'm sorry..." nagsusumamo na tumingin ako sa kanya at nadismaya ng hindi niya ako pinansin.

Nagbigay lang siya ng order sa tatlong bodyguards niya. si wrestler 1 ay sasama sa kanya. si 2 and 3 naman ay maiiwan at pupunta sa headquarters. kung saan man yun.

kung hindi lang naka posas ang kamay ko sa likod gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. at batukan dahil sa ginagawa niya. may pakidnap-kidnap pang nalalaman. pwede naman na tawagan ako at makipagkita dito sa airport.

sigh

Naunang naglakad si Jade. papunta sa entrance ng eroplano. at napa-awang ang bibig ko sa nakitang nakatatak na pangalan sa eroplano na ngayon ko lang napansin. Tanchingco. siguradong private airplane nila Mk.

Ilang minutong na-frozen ako sa pwesto. wala sa sariling nakatayo. Nagising lang ako sa sarili kong mundo ng itulak akong bahagya ni wrestler 1. sumunod kami kay Mk. napalingon ako sa likod, si wrestler 2 and 3 naman ay pumasok sa magagarang kotse at nag drive papalayo.

Ano na... saan kaya kami pupunta? vacation?

ulit na kami lang dalawa? ... parang honeymoon? teka sandali.. di pa nga kami kasal eh..

kasal.. kasal.. ?! hala!! napahinto ako sa paglalakad. Sa Amerika ba kami patungo?

tumingin ako sa likod ni Mk, habang naglalakad siya papasok sa eroplano. hindi ko mapigilan na kabahan sa naisip ko.

tinapik ako sa balikat ni wrestler 1. ipagpatuloy ko daw ang paglalakad. hinabol ko na lang si Mk, sana kausapin na niya ako.

"Mk... tanggalin mo naman to sa'kin oh, iniisip mo bang tatakbuhan kita? gusto ko ngang mag-usap tayo. tungkol sa.. "

"I understand... "

"Pero..

"Please pwedeng wag mo muna akong kausapin?" tinalikuran niya ulit ako. may bahid na lungkot ang tinig niya.

Wanted Girlfriend (jathea fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon