Real Feelings

3.4K 190 8
                                    

Chapter 5

Althea's POV

Not this again?! Minsan hindi ko na alam kung nananaginip ba ako o totoong nararasan ko 'to.

"Nooo... Please layuan mo 'ko...panaginip ka lang..." nasa pagitan sya ng hita ko at nakayakap ng mahigpit sa bewang ko. ang mukha nya naka siksik sa gitna ng dibdib ko. hindi ko sya nararamdaman na gumagalaw. napapadalas na ang panaginip na to. Ang babaeng basang-basa pa sa shower, na walang saplot sa katawan, tapos yakap ng yakap sa'kin.

Gusto ko ng taposin ang kalbaryong to. please! wala naman akong ginagawang masama. 'di ko naman sadya na mabusohan ka! dapat kasi nag lock ka ng pinto!

ay dios ko!

Nagulat ako, biglang ina-ngat nya ang ulo at tumitig sa'kin. ang ganda nya talaga. palapit ng palapit ang mukha nya sa'kin, ito na naman. ang lakas ng kabog ng dibdib ko. kinakabahan ako sa gagawin nya!

Gusto ko umiwas pero hindi ko magawa.

hnmm... napakurap ako. parang pamilyar. ang labi nya parang kay Jade. hinahalikan nya ako. And I kissed her back. ang labi nya, na naiisip ko si Jade. Bakit sobrang familiar ng halik nya sa'kin. ang pamilyar na feeling na parang Huminto ang lahat maliban sa'min dalawa. hmp! nahihilo ako sa mga pinag-gagawa nya sa'kin. Hindi ako makapag-isip. lalong lumalalim kasi ang mga halik nya. Her mouth napaka tamis nadilaan ko! hmm.. at ang bango nya talaga. Am I still dreaming? parang totoo na to.

Hangin! I need some air! nanghihina na ako at dahil sa pagod napa iwas ako sa labi nya at ....

******

Uh.. nagising ako, napakurap. Nanaginip ba ako last night? Ang natandaan ko lang, yung kiss. *shake head* Noooo .. nahihibang na ba ako! pinag papantasyahan ko si Shower girl! lagi kasi syang bida sa panaginip ko! Ayaw ko na, please! si Jade ang girlfriend ko, I need to stay focus. hinding hindi ko na sya *achooo* iisipin *singhot*

Ang objective maging Best Girlfriend Ever!

*Achoo* hate ko talaga magkasakit.

******

"Ito inumin mo ulit" abot nya sa'kin ng gamot. ang bait ni love. umiwas naman sya sa'kin ng tingin. at hindi sya lumalapit. hmm? alam ko na! syempre ayaw nyang mahawaan sa sakit ko! health conscious talaga to. pero bakit kahapon tinabihan pa nya ako matulog.

"Aalis muna ako, at today is your day-off kaya pagaling ka sa inyo. Hindi ako pwedeng mag-alaga sa'yo. sige bye!" at mabilis pa sa alas cuatro syang umalis sa condo.

Ay anak ng!! nagulat ako sa pagbungad bigla ng mukha nya sa pinto. "Dont forget to lock the door at pag may nawala ni isang item sa condo ko lagot ka sa'kin!" at alis ulit. as if naman nanakawan ko sya.

Di man lang ako binigyan ng kiss sa cheeks? sigh..

*****

"tsong, 3 days ka nandito ah, hindi ka pa ba hinahanap ng Bakekang mong girlfriend." alam ko concerned si Batchi sa'kin pero bakit pa nya kailangan insultohin si Jade. hindi naman nya kasalan na pinanganak syang panget ah.

"Sabi nya may natitira pa akong virus sa system ko, baka mahawaan ko sya ng sakit. sabi nya bukas na lang daw ako bumalik sa condo. at pwede ba Batchi wag mo syang tawaging bakekang, sya si Jade ok? tawagin mo sya sa pangalan nya." kunot noo kong sabi.

Wanted Girlfriend (jathea fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon