SC-25

19.6K 451 11
                                    

Clarise

Papunta ako ng gym dahil may practice sila Kean, syempre binilin siya ni tito sakin eh, tsaka para mabantayan ko rin kung may ibang babaeng lumalapit sa kumag na yun.

Simula nung makilala ko siya ay natuto akong mag-ayos ng sarili ko, yung pipiliin ko pa yung susuotin ko kapag wash day para maging maganda naman sa paningin niya, hindi kagaya dati na kahit ano lang madampot ko sa cabinet ko. Hindi na rin ako sobrang daldal at tumatawa ng malakas, ayaw niya kasi. Hindi rin ako nakakauwi ng late dahil hinahatid niya naman ako, pansin ko ding natutuwa na sakin si dad, siguro dahil sa kanya.

On my way to the gym, my phone vibrated.

"Papunta ka na?" Text ni Kean, nauna kasi siya sakin, hindi na siya pumasok sa last subject dahil sa meeting nila.

"Yup" reply ko.

"Maya ka na punta, sinara namin yung gym. Text lang kita" text niya.

I was about to put my phone inside my pocket when I accidentally bumped into someone.

"Tanga" malutong na sabi niya bago pinulot sa semento yung librong dala niya.

"So-sorry" sabi ko bago siya tumayo ulit.

Nagsitaasan naman yung balahibo ko nang makita ko kung sino siya, my gosh! Kung nakakatakot si Kean sa unang tingin dahil nga medyo maangas at snob ito, mas doble naman tong kapatid niya kahit plain look lang yung binibigay nito sakin.

"Sorry sorry... walang ganun" napatanga lang ako sa sinabi ni Gray, shemay! mamatay na ba ako?

"Libre mo'ko ice cream, 6 scoops. Yung chocolate tsaka cookies and cream" parang bata niyang sabi, my gosh! Masasapak ko siya. Hindi niya ba alam na nagdedeliryo na ako kakaisip kong pano siya tatakbuhan dahil sa kaba?!

"Ta-tara" sabi ko nalang, mamaya magbago mood niya eh.

"Talaga?!"

"Oo nga, edi wag nalang" ha! Ang lakas ng loob kong manakot eh baka mamaya ay itulak niya na ako.

"Isilid kaya kita na parang damit sa locker mo ha? Kasya ka naman siguro dun" she said and gave me a sly smile...

"Bi-biro lang eto naman"

Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya, mas malala pa pala yung gagawin niya sakin kung nagkataon.

Pagkarating namin sa canteen na malapit sa gym ay bumili agad ako ng ice cream niya.

"Ba't di ka bumili ng iyo?" Tanong niya sakin pagkabigay ko sa kanya ng ice cream.

"Wala akong gana" sabi ko at umupo sa harap niya.

Kami lang dalawa ang estudyante rito sa canteen dahil uwian na at hindi rin naman ito masyadong napupuntahan ng iba, hindi kasi ito ang main... pang athlete lang talaga ito.

Para lang siyang batang kumakain, minsan ay nalalagyan pa yung gilid ng labi niya. Para siyang si Kean kumain, and cute!

"Makatingin ka parang hinuhubaran mo ako aah... alam ko sexy akong kumain but please, bata pa ako" asar niya sakin, shet! mana kay Kean!

"Mana ka sa kapatid mong si Kean" asar ko rin pabalik.

"Pano mo nalamang magkapatid kami?"

"Don't worry sakin niya lang sinabi"

"Hindi ako mana dun, manyak yun" sa sinabi niyang yun ay napatawa lang ako, totoo naman kasi eh.

"Alam mo rin palang manyak yun, pano?" Tanong ko.

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon