Kean
I'm just scrolling down on my ig feed while waiting for my girlfriend when suddenly her post appear...
"Black Rose is *insert inlove emoji"
I know nakita niya lang yun sa net, hmmm... nagpaparinig ba siya?
San naman ako kukuha nun? Alangan namang pabulukin ko yung rose edi naging bwown yun, baka ihampas niya pa yun sakin.
Nag-iisip man kung san ako kukuha nun para mapangiti siya ay naglakad na ako palapit sa kotse ko, sa parking lot nalang raw kami magkita.
Tumayo lang ako sa gilid ng kotse ko dahil hindi naman mainit, tsaka para matingnan ko yung kasexyhan niya sa malayuan, yun talaga yun eh!
Seconds passed and ayan na siya, wearing our simple white collar shirt uniform and denim skinny jeans paired with navy blue chucks, she's smiling at me habang papalapit siya and shit eto nanaman yung dibdib ko, ang lakas ng kabog kapag lalapit palang siya.
Tinamaan ka na nga Laurel.
"Kean para kang tanga, nai-in love ka nanaman sakin noh?" Sabi niya pagkalapit niya sabay halik sa pisngi ko.
"I love you" sabi ko nalang at namula naman yung pisngi niya.
"I love you too, wait san tayo kakain?"
"Sa bahay" suggest ko, baka may black rose kasi na tanim yung ate ko, titingnan ko lang sa garden."Hoy Kean san ka pupunta?" Tanong niya sakin nung iniwan ko siya sa sala na bahay namin.
"Dyan ka lang, may kukunin lang ako sa kotse ko" palusot ko sabay takbo sa garden ng kapatid ko.
Ilang minuto rin ako naghanap pero wala rin akong makita, baka nakatago... itetext ko nalang.
"Asan yung tanim mong black rose?" Sent!
Ilang saglit lang ay nagtext rin siya.
"Bobo wala akong ganung tanim! Sa flower shops lang meron nun"
Tinext ko nalang yung flower shop na laging kinukuhanan ni Nick ng orders niya, baka meron sila pero mabilis din itong nagreply at sinabing out of stock dahil di naman mabenta, yung blue lang ang meron sila at green. Shet naman...
Bumalik nalang ako sa loob, pinaayos ko na rin yung pagkain namin ni Laine saka ko siya niyaya.
"Kean, matagal ba ako kanina?" Tanong niya nung nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.
"Hindi naman" sa totoo lang matagal talaga siya, namiss ko siya eh.
Sus! Kahit limang segundo mo nga lang yang di makita miss mo na eh!
Haaist! Ganun talaga dapat.
"Di mo'ko kinakausap, nagtatampo ka ba? Hindi, namomroblema ako sa black rose na gusto mo!
"Masarap yung ulam eh... di ka na nasanay" sabi ko saka sumubo uli.
"Eh hindi ka naman maganag kumakain eeh... nagtatampo ka ba kasi?"
"Hindi nga, toh naman sampung minuto ka lang naman dun eh" twenty nga yun...
"Nagspark kasi yung outlet na sinasaksakan ng charger ko, eh natatakot akong tanggalin kaya hinintay kong dumating si Kylie"
BINABASA MO ANG
My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>
RomanceClarise Laine Montenegro: A student from engineering department, she's gorgeous, oozing with sex appeal and damn hot, there's no human being will not turn and follow her steps when she's around. Everyone knows that she's not straight. End of the sem...