Clarise
"Ano ngayon, di ba busy ka sa ex mo" then she left.
Tumingin naman ako kay Trix at Nicki na nanunuod pala sakin kanina pa dahil nakatulala lang ako.
"I saw your IG post... and maybe Ace does it too" sabi ni Nicki and napatahimik lang ako.
"Ayan kasi Clarise di mo kasi dinalaw sa hospital" singit ni Trix kaya napaharap ako sa kanya.
"Hospital?" naguguluhan kong tanong.
"Di ba sinabihan kita nakaraang araw na nasa hospital si Ace kasi naaksidente siya" sabi ni Nicki and napaisip naman ako.
Waaaait.... may bandage siya sa ulo pati sa braso, Waaaah! Ba't di ko ba naisip yun?
Pagkadating niya kanina ay hindi ko man lang siya kinamusta.
"Saglit Nick... eh hindi ko naman kasi narinig yung huli mong sinabi eh"
"You should've asked me, I won't bite you naman" she looks so down and seems like blaming herself.
"Patay ka Clarise... grabe pa naman magselos si Ace, kailangan nun ng matinding paglalambing, much better nga lang kung lampungan" singit uli ni Trix at hinampas naman siya ni Nicki.
"Napakabastos mo Trix! But knowing Ace, mahirap yun suyuin lalo na kung nagselos yun"
Pagkatapos naming mag-usap na tatlo ay dali dali naman akong bumaba ng building para habulin si Kean.
Haaist! Wag naman sana kami umabot sa kama.
I went to parking lot to check if her car is there and to my dismay, it wasn't there...
Umuwi nalang muna ako pagkatapos kong magdesisyon na bukas ko nalang siya kakausapin.
----
Dumaan ang ilang araw, nagweekend na lahat lahat ay wala pa rin, kung snob siya dati ay mas snob naman siya ngayon.
Hindi ko rin siya makausap sa breaktime dahil nauuna siya tapos last week naman ay nagstart na yung practice nila kaya hindi ko rin siya naaabutan sa hapon, sa mansion naman ay hindi siya pumupunta dahil sa pagod daw sa practice sabi nila Nicki.
"Ice cream tayo gusto mo?" Yaya sakin ni Kier, uwian na namin sa hapon at nagugutom na rin ako kaya um-oo nalang ako. Wala rin sila Trisha at Kylie dahil may isang subject pa sila.
"Ba't pala hindi ka pinapansin ni Kean?" Tanong sakin ni Kier pagkaupo namin habang hawak yung bowl ng 10 scoops ng ice cream.
"Busy lang yun kaya walang time sakin" I lied, I don't want Kier to be involved in our cold war... even if she's already in. Basta ayaw ko lang siyang mag-isip.
"Aaah, nanliligaw ba siya sayo?" Napangiti naman ako sa sinabi niya, na-imagine ko kasing nililigawan daw ako ni Kean... will she give me roses or will she do other cliché things like in the movies?
"Hindi, di ata yun marunong"
"Kala ko naman, kung umasta kasi parang kanyang kanya ka niya eh. HAHAHA" sa sinabi niyang yun ay napatawa naman ako bahagya, I just remembered her possessive side, the way she hold me in public, the way she say that I'm solely hers and the way she grabbed my wrist when someone is lurking on me, I miss Kean and it hurts that we were in this situation. Kung hindi dahil sa katangahan ko at kagustuhan kong gumanda yung feed ko sa IG ay di dapat kami nagkakaganito.
Dapat pinanunuod ko siyang nagpapractice, ako yung taga-abot niya ng tubig, ako yung tagabigay sa kanya ng towel... wait, mukha namang yaya ang peg ko nun. Basta dapat sa tabi niya lang ako!
BINABASA MO ANG
My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>
RomansaClarise Laine Montenegro: A student from engineering department, she's gorgeous, oozing with sex appeal and damn hot, there's no human being will not turn and follow her steps when she's around. Everyone knows that she's not straight. End of the sem...