SC-26

19.2K 481 6
                                    

Kean

Pagkapasok namin sa bahay nila ay binati naman ako ng papa ni Laine, ngumiti lang ako rito at bumati rin.

Napagdesisyunan namin ni Laine na sa kwarto niya muna kami, napagod kasi ako ng sobra kanina.

Nakita ko rin yung mama niya na nagchochop ng gulay at ngumiti ito sakin, shit... ayoko na uwi na'ko!

Ngumiti rin ako dito, yung alanganing ngiti. Kinakabahan talaga ako. Ang sophisticated ng dating ng mama niya.

"Kean maliligo lang ako aah" paalam ni Laine sakin, tumango lang ako at pumunta sa kama niya para humiga.

"1 hour or less, ready na yung dinner. Pwede ka pang matulog kung gusto mo" sabi niya habang kumukuha ng pwedeng suotin sa cabinet niya.

"Kapag natulog ako ay hindi na ako magigising mamaya" sabi ko, ganun ako kapag napagod, mahirap gisingin.
"Sa ginagawa mong paghiga dyan ay makakatulog ka"

"True love's kiss will wake me up" I said and winked at her, kita ko naman yung pagba-blush niya.

"Ligo na ako" sabi niya.

"Maglock ka ha? Mamaya magulat ka nalang..."

"Subukan mong pumasok, iiwan kita dito" sabi niya at napatahimik naman ako.

"Don't, I'm just kidding" seryosong sabi ko.

"Dyan ka lang, liligo na ako" I just nodded at her and deeply shut my eyes trying not to remember the worst nightmare a child could ever have, the most painful moment happened in my life.

"Ilang beses ka na bang nangako na hindi mo na uulitin?!" Sigaw ni mama habang dala ang maleta na ginamit niya noon nang mag Hong Kong kami.

"Amanda makinig ka naman, hindi ko na ata to mababago eh" paliwanag ni dad.

Nandito lang kami sa sala ng bahay, nanunuod nanaman kung paano sila mag-away.

"Hindi ka na nahiya! Kung kailan apat na ang anak natin saka ka pa nagladlad! I had enough, aalis na ako sa pamamahay na'to" ilang buwan na rin silang ganyan kaya hindi na bago sakin ang salitang binitiwan ni mama, lalo na ang mangyayari sa hinaharap, at ito na nga yun.

"Amanda please don't pano yung mga bata?"

"Dapat inisip mo muna yan bago ka nagnilandi sa mga lalaki mo, I'm taking Gray with me" sabi ni mama at napakapit naman si Gray sakin.

"Will you come to mama?" I whispered in my sister's ear?

She just held my hand and nod at me.

"I watched a tv show, the host said... when a person gets depressed, he or she might end up killing himself/herself"

I just wiped the corner of my eyes and hugged her.

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon