SC-9

19.2K 478 5
                                    

Kean

Lakad dito, lakad doon. Ang hirap pala kasama ni Clarise, ang daming tinitignan tapos hindi naman bibilhin.
Nandito kami ngayon sa branch ng wrangler, sa mall, tumingin nalang ako ng mabibili kong pantalon, siya naman ay nasa shorts section.

"Ma'am 10% discount na po yan" sabi sakin ng lumapit na saleslady. Maganda siya, maputi, hindi gaanong katangkaran at malaki ang hinaharap, mukha naman siyang may kaya bakit dito siya nagtatrabaho? Whatever ano bang pake ko?

"Ok" ngumiti nalang ako at pumili pa rin.

"I'll get this one if magustuhan ko after kong maisukat" sabi ko sa saleslady na nasa likod ko pa pala.

Dumiretso na ako sa fitting room at hinubad ang suot kong pantalon para makapagsukat na.

Maya maya ay lumabas na ako na dala yung pantalon, comfy siya isuot kaya nagustuhan ko na agad.

"Kukunin niyo po?" Tanong ulit nung saleslady na nakangiti.

"Yes" sabi ko, kinuha na yung pantalon sakin at inilagay sa plastik bago isinilid sa paper bag ako naman ay ibinigay ko yung credit card ko sa cashier.

"May napili ka na?" Tanong ko kay Clarise na wala pa ring hawak na item hanggang ngayon.

"Meron na"

"eh bakit wala ka pang hawak?"

"Busy ka kaya makipaglandian, di mo ata napansin na nakabayad na ako" nagbihis lang naman ako landian na ba yun?

Tiningnan ko naman yung kamay niya at nakasama na pala yung paper bag ng wrangler sa mga pinamili niya.

"Lets go" aya niya at lumabas na nga kami.

Mage-eight pm nung ihatid ko siya sa kanila, I even opened the door of my car for her.

"Baby sis" boses ng babae sa likod ko, tumayo agad lahat ng balahibo ko sa katawan at parang ang bigat pa rin ng feeling ko.

Damn it! I banged her sister twice so I should not feel this way towards her anymore.

"Ate, may kasama ako"

Iniharap naman ako ni Clarise sa ate niya at ngumiti nalang ako ng alanganin.

Nakatayo siya at halatang kadarating lang dahil sa ayos niya.

"Ohh... kasama mo pala si cap" nakangiti niyang sabi and I felt like I swallowed an imaginary lump on my throat. My admiration for her is different to any other girls, but about her younger sis... I don't know, simula nung gabing yun, nahihirapan na akong makihook onto different girls.

Haaist! I'm having trouble with these girls.

"Una na ako Alexa and Clarise"

Papasok na sana ako nung tinawag naman ako ni Clarise.

"Dito ka nalang magdinner, matutuwa si dad kapag nakilala ka niya" sabi ni Clarise at napakunot naman ang noo ko. Ano namang meron ako at matutuwa ang dad nila.

"Oo nga Kean, besides pa-thank you ko na rin dahil sa paghatid mo kay Clarise" the goddess said while smiling.

"Oo nga" said the angel beside her.

"Di naman kayo papaawat eh" at ngumiti naman sila.

Pumasok na kami sa bahay nila, medyo malaki ito pero mas malaki yung amin. Maraming mamahaling jar, furnitures, paintings and photographs ng ilang ibon.

"Ate ikaw muna bahala kay Kean, magbibihis lang ako" paalam ni Clarise... nananadya ba siya?

Naupo kami sa sofa at tahimik lang ako, wala naman akong sasabihin eh. Bahala siya sa buhay niya.

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon