SC-32

16K 439 22
                                    

Clarise

I think every five seconds ay panay ang tingin ko sa likod at side ko, mamaya kasi ay baka nasa paligid lang yung maharot kong girlfriend.

Hindi niya alam kung anong naramdaman ko nung narinig kong sabihin niya yun sa captain ng tennis club, hayop siya. Malaman ko lang talagang nagloloko siya ay hahampasin ko siya ng kawaling kagagaling lang sa pagpiprito.

Lunch time na at kanina sa klase ay hindi ko siya pinapansin kahit nangungulit na siya.

Sinasamaan ko lang siya ng tingin kapag kinakalabit niya ako, kahit ang cute niya na kanina dahil ang haba ng nguso niya dahil sa pagpapaawa ay hindi ko pa rin pinansin. Naiinis ako, kapag tinatanong ko siya about kahapon ay hindi naman sumasagot ng maayos, kala mo may tinatago pa.

Wala kaming pasok ngayong hapon dahil nasa ibang lugar yung prof namin, isang subject lang yung natira pero tinamad na rin yung prof na yun kaya tuwang tuwa naman ang klase.

Bzzt bzzt

"Babe..." Kean Panget.

Haaist! Naiimagine ko nanaman yung cute pouty lips, connected eyebrows and puppy eyes niya. Dinadaan daan niya lang ako dun, kala niya naman...

Ba't ba kasi di pa siya magpaliwanag?! Miss ko na siya eeh...

Landi mo Clarise! Sigaw ng utak ko, kainis!

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko naman si papa na nakabihis, kakadating niya lang ata from work.

"Nice long sleeve Pa, bilhan mo rin ako yung faded blue" sabi ko sabay ngiti.

"Sa Saturday bigyan kita pera" sabi niya at inaya akong kumain kasama niya.

"Si mama pala pa?"

"Sa site ng bagong pagtatayuan ng branch, nauna na yung kumain"

Tumango lang ako kay papa saka kumain na rin.

After naming kumain ay pumanhik na ako sa kwarto ko at naligo muna dahil feeling ko ay ang lagkit ko.

Pagkabihis ko ay isasara ko sana yung kurtina ng sliding door ko papuntang veranda nang makita ko namang pumarada yung kotse niya and I nearly drooled when she got out of the car and run her fingers through her hair, such a hot sight...

Sinara ko na ng tuluyan yung kurtina dahil baka matunaw ko pa siya sa titig ko.

Lumabas ako sa kwarto ko para salubungin sana siya ng katarayan ko pero narinig ko namang nag-uusap sila ni papa.

"Uhm... sige Kean ikaw na bahala kay Clarise, walang gagawin sa taas aah?" Bilin ni papa.

"Hmm... haha!" Rinig kong tawa niya, ang kapal ng mukha niyang mag-isip pa sa harap ni papa.

"Sige na malelate na ako basta kung anong problema niyo ay ayusin niyo yan aah?"

"Opo tito"

"Daddy nalang, dun din naman yan papunta" asus! Botong boto talaga siya kay Kean! May pinakain siguro yung taong yun kay papa.

"Yes daddy"

Napapailing nalang ako sa kakapalan ng mukha niya, pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nilock ito. Bahala siya dyan.

Tok tok tok!

Tok tok tok!

Still hindi ko pa rin pinagbuksan.

"Dad ayaw niyang buksan" I heard her shout on the other side of the door.

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon