SC-21

22.1K 614 26
                                    

Clarise

Nakahiga lang kaming dalawa sa kama niya, siya nanunuod ng kung ano sa cellphone niya at ako naman ay nagbabasa ng pambatang libro niya, yung mga kwento sa bible na may mga pictures.

Nakaka-35 pages na ako at medyo inaantok na at gusto ko munang maligo.

"Kean, you have extra clothes and undies naman right?" I asked after I yawned.

"Yes, why?"

"Pahiram, pwede naman akong maligo diba?"

"Yes, kung sabay tayo" she said then flashed her wicked smile. Jusko eto nanaman siya.

"Tsk! Anong klaseng manliligaw ka? Hindi ka makaantay?"

"Eto naman di ka na mabiro... sige na tayo ka na dyan, kukuha ako ng panjamas and undies sa kabilang kwarto. Maligo ka na"

At ayun nga tumayo na siya, susunod rin pala eh...

She gave me a pink towel before she exit the room and still... here I am, wrinkled forehead, twitched lips while still looking up and down on the strawberry designed pink towel, I'm really not a fan of pink things.

Ignoring the thing, I entered the bathroom and immediately take off all of my clothes, turned the shower on and step on it.

After ilang minutes ng paliligo ko ay binalot ko ang sarili ko sa nakakairitang tuwalya, my gosh! I didn't know Kean have this kind of towel.

"Ayan yung mga damit" sabi niya at napaisip naman ako kung matagal ba talaga ako maligo, siya kasi ay basa ang buhok at nakabihis na ng pambahay... which means ay nakaligo na siya.

"Kean, bakit pink naman toh?" puro pink yung pinapahiram niya!

"Ewan, yan nakuha ko eh"

Kinuha ko nalang yung mga gamit at pumasok uli sa bathroom, ramdam kong nakasunod yung tingin niya sakin o di kaya ay nagfi-feeling lang ako? ... NO! Hindi imposible yung nasa isip ko.

Pagkabalik ko sa kama ay natutulog na si Kean kaya malaya ko ring napagmasdan yung mukha niya, kung titingnang mabuti yung ilalim ng lower lip niya may maliit pala na scar dito pero hindi siya halata kapag malayo at dahil na rin maputi siya, her eyelashes are long but it's not curved, I got out of the bed when my eyes met her cherry lips... gosh!! It made me wanna taste her.

Nilibot ko nalang yung kwarto niya and napansin ko na wala siyang picture kasama yung mama niya.

May mga picture siya sa runway, nakalimutan ko nga palang model siya ng ilang clothing line.

Nagulat din akong may trophy siya ng basketball noong elementary siya, may signed jersey din siya ni Koby Bryant noong highschool siya, nakaframe ito at may year kaya nalaman kong highschool na siya nito, tapos may mga certificate din siya, medal at trophy noong highschool siya sa basketball pero hanggang 3rd year lang. Eh bakit naman volleyball yung nilalaro niya ngayon? And super galing niya pa... maybe second game niya ito dati tapos nasawa siya sa basketball kaya lumipat.

After namin magdinner ay hinatid niya na ako samin. Magsti-stay daw pala muna siya sa bahay nila dahil nandun daw yung dad niya.

"Uwi ka na agad ha, mamaya maaksidente ka na naman" sabi ko sa kanya after I kissed her on the cheek.

"Opo, magreview ka pala sa trygo... pakopya bukas" at ngumiti naman siya sakin, walangya talaga.

"Kean I wanna sleep na eh, ikaw nalang" pagod na'ko sa byahe kahit di naman kalayuan yung subdivision nila samin.

"Wag na, bahala na tayong mazero... okay na ang tres sa class card ko basta pasado at makagraduate" pangongonsensya niya pa, aba! Dean's lister siya tapos manggaganyan siya, bwisit!

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon