Clarise
It's been 4 months, and isang buwan na rin siyang nawawalan ng time sakin.
Last time di siya sumipot sa family dinner samin, ininvite siya nun ni dad but she turned him down and ngayon naman ay 30 minutes na siyang late sa date namin.
Naiintindihan ko naman yung trabaho niya sa dad niya, pero parang sobra na ata?
Sa school madalas ay nakakatulugan niya na yung klase at ilang beses na rin siyang napapagalitan ng coach nila. They're still on top pa naman sa volleyball pero sa kanya minsan nanggagaling yung error at nananalo lang sila kapag nabeastmode na siya.
She's still sweet pa naman sakin, ganun pa rin yung asaran namin, yun nga lang ay time niya lang yung problema ko.
She started working on her dad nung nagkaproblema yung isang branch nanaman nila, siya na yung nagmanage nun, sabi niya gusto niya lang daw tulungan yung dad niya.
Ewan kung alibi niya lang yun or what.
At first week ay okay pa, but nung mga sumunod ay hindi na. I hate to see her hazy eyes in tiredness, lalo na kapag niyayakap niya ako sabay ngingiti. Hindi ko alam kung bakit niya pa yun nagagawa. Ramdam ko namang pagod siya lalo na kapag nag-uusap kami sa phone o di kaya ay nasa unit niya ako nagpapalipas ng gabi dahil sumama ako sa kanya sa work niya.
Never naman kaming nag-away dahil dito, syempre ayaw ko nang dumagdag sa pagod niya.
Gusto ko siyang patigilin pero sabi niya ayaw niya, kaya sinusoportahan ko nalang, nagdecide siyang pumasok roon after niyang magpropose sakin and nag-No ako. I don't know if she got offended pero kasi, nagbibiruan lang naman kami nun.
I just close my eyes as I threw myself on my bed, I miss my Kean...
Naglalakad kami papuntang canteen ng school para maglunch, pagkarating namin ay um-order na kami ng pagkain.
Two coke in cans, lechon kawali and afritada yung ulam namin tapos yung rice.
Siya na yung nagbukas ng drink namin at kumain nalang ako.
After namin kumain ay naupo lang ako habang naglalaro sa phone ko, I can feel that she's staring intently at me but I did not mind it. Mamaya ay nagfefeeling lang ako.
"Laine" tawag niya kaya napatingin naman ako sa kanya na hindi na pala dapat, ang hot niyang uminom ng coke in can, ang kinis ng leeg niya sa puti tapos gumagalaw pa yung lalamunan niya habang lumulunok.
"Ba-bakit?" Nauutal kong sabi, ewan parang natataranta kasi ako.
"Pakasal na tayo" she said and I just rolled my eyes, walang araw na hindi niya ako kinulit ng ganyan.
BINABASA MO ANG
My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>
RomanceClarise Laine Montenegro: A student from engineering department, she's gorgeous, oozing with sex appeal and damn hot, there's no human being will not turn and follow her steps when she's around. Everyone knows that she's not straight. End of the sem...