Author's Note

1.1K 24 15
                                    

Lights!

Camera!

Action!

Take One!

Mahilig po akong magsulat, yun nga lang hindi ko alam kung gusto rin ako ng pagsulat. Haha!

Walong taong gulang ako nung mag-umpisang magsulat ng kung anu-ano pero ngayong matanda na'ko gusto ko namang maranasang magsulat gamit ang ganitong site. Umaasa lang ako na kahit isa o dalawang tao ay maapreciate ang pagkahilig ko sa pagsusulat.

Ang kwento pong ito ay may mga pinaghugutang imahinasyon na pwedeng minsan n'yo na ring naisip, mga katotohan na maaring bahagi ng buhay ko at ibang taong mga nakilala o nakasama ko at mga pangarap na minsang nabuo't nasira, nasira't nabuo o kung sa dako paroon ay umaasang balang-araw ay maging katotohan.

Cut!

Huminto rin minsan pero magpapatuloy upang maitama ang mali, mas mapahusay ganun ang buhay, ganun ang pag-ibig, ganun ako at panigurado akong ganun din ikaw---tayong lahat.

************

Play

Nagbago na ang lahat, ako na lang pala ang hindi. Bakit ba kasi ang hirap, hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutang kalimutan s'ya? It's so unfair. Tatlong taon na ang lumipas...

erase, erase, erase...

Inumpisahan ko na naman ang diary ko ng tungkol sa pagiging emo at bitter ko sa taong kagaya n'ya---si Vince Calaguas. Ang ex-bf ko, ang lalaking una kong minahal at ang lalaking unang naging dahilan kung bakit ako nasaktan.

Bwisit! Siya na rin ata ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, kahit 25 years old na'ko ay hindi na ulit ako magkakaron ng boyfriend. Tatanda na siguro akong dalaga, di'ko na gustong subukan pang magmahal ulit dahil alam kong masasaktan na naman ako. Ano unli, paulit-ulit? Ang hirap kayang mag-move on, yung para kang mababaliw at kulang na lang uminom ka ng zonrox para mapabilis ang pagtuldok mo sa buhay. Seriously, yung pakiramdam na kahit hindi na kayo, siya pa rin ang iniisip mo, tapos tuwing gabi bago ka matulog, mamamalayan mo na lang na may pumapatak na luha sa mga mata mo.

Ako si Mitch, isang public school teacher sa high school bukod pa d'yan isang partime college instructor sa North Mansfield College. I'm teaching from 6AM to 9PM everyday except for Saturday and Sunday dahil ito ang mga araw na busy naman ako sa pag-aayos ng mga gamit ko, paglalaba ng damit, pakikipag-kita sa ilang kaibigan at pagsimba para pasalamatan si Lord na I'm still alive---kahit noon, naranasan ko na ang pakiramdam kung paano ang mamatay.

12:18AM

September 13, 2013 Friday

Diary,

Madaling araw na pero hindi pa rin ako inaantok. Tinapos pa namin ng mga kaboardmate ko yung

"The Curious Case of Benjamin Button" na movie. Umiyak ako lalo tuloy lumala itong sipon ko. One of the best love stories ever (pero never nabanggit ang salitang "I love you" sa movie na'to) pati mga aral sa buhay... ang totoo n'yan hindi ko nabanggit sa kanila na napanuod ko na yun dati and I was with Vince. Sa MOA pa namin yun pinanuod, holding hands, sabay kaming napaluha lalo na sa part na bumalik na si Benjamin sa pagiging bata... Haist. Heto na naman ako! Sige na, goodnight. (None of us is perfect forever).

*-------------------------------*

Forward

Just give me a reason,

just a little bit's enough,

just a second we're not broken just bend and...

Ringtone ng cellphone ko, ang agang tawag naman nito. 5:18AM, ilang oras palang akong

nakatulog.

"Hello, Mitch. Sorry if I called you earlier, tomorrow is my flight going to Korea."

Bigla na lang nawala ang antok ko nang marinig ko yung huli niyang sinabi.

"Cathy, bakit biglaan naman? Akala ko ba next month pa ang alis mo?"

"Narealease na kasi ng agency yung mga paper ko then biglaan din kasi na may employer na

urgent hiring, let's meet asap! I want to see you before I go."

"Sige, maliligo na'ko." Gusto ko pa sanang magtanong pero nawala na sa line ang bestfriend ko.

Dapat maging masaya ako dahil matutupad na niya yung ultimate dream n'yang mag-work abroad

but I started to feel sad dahil aalis na s'ya.

"Mitch, learn to love again okay? " I hugged my bestfriend so tight. But I didn't answer her. Ang huli

ko na lang na maikukwento ay niyakap din ako ni Cathy ng mahigpit. I will miss her. Wala ng

makikinig sa mga drama ng buhay ko.

"Hoy Mitch!!!" Halos mabingi ang tenga ko ah. Kainis talaga si Bry, kapag bading ang lakas lagi ng

bibig. "Bakit ba? Anong problema mo?" Dating gawi, titignan ako ng para siyang si Clara at ako ang

kawawang si Mara. "E kasi naman girl, kanina pa kita kinakausap, tulaley ka lang."

"Sorry naman bakler. Ano ba yang sinasabi mo?"

"May favor nga ako sa'yo dahil alam kong magaling kang magsulat, can you write an essay for my

sister, may binigay na topic yung prof. niya: "Kung may panahon kang gustong balikan, ano yun at

bakit?"

"Wow! Ang ganda ng topic ah. "

"Oo nga yun nga lang nganga ako pagdating sa pagsulat na yan, kaya please friend, do it for my

sister."

"Sige, konting kembot lang yan."

"Buti naman nandiyan ka. E teka, anong panahon ba ang gusto mong balikan?"

"If ako, I wanna go back to those times na nililigawan ako ni Vince dahil hindi ko na siya bibigyan ng chance na maging boyfriend ko. I will instantly reject him! Kung nangyari siguro yun, hindi ko

mararansang ipagpalit ako sa isang malanding babae."

"Naku naman te, hindi dapat ganyan ang isusulat mo ah, yung something na..." Hindi ko na pinatapos pa si Bry sa litanya n'ya. Alam kong sermon na naman ang aabutin ko. Instead, I chose

silence.

Naisip ko, sana nga, maibalik ko yung mga araw na yun, hinding-hindi na ako maiinlove kay Vince

kahit na ano pang gawin n'yang panliligaw sa'kin.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon