The Last Year
~•~•~•~•~•~"Vanny! Vanny! Asan ka?"
Kumunot ang noo ko at napahawak ako sa vanity ko bago tumayo. Agad kong naramdaman ang panghihina pero tuwid akong tumayo. "Nasa room ni Zane, kuya!"
Maya-maya pa ay pumasok na siya sa kwarto ni Zane kung saan ako nagpapalipas ng oras. Nakasimangot siya at kita ko ang stress sa mukha niya kaya naman agad ko siyang nilapitan.
"Kuya, bakit ganyan mukha mo?" Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya para maupo kami sa kama. Para kasing mahihimatay na siya sa sobrang pagod.
Tipid na ngumiti siya at hinawakan ang kamay kong nasa braso niya. "Wala. I just wanted to see you..." aniya at hindi ako naka-imik agad sa sinabi niya. Tumikhim siya. "Bakit ka nga pala andito? Ginugulo mo na naman kwarto ni Zane."
Ngumiti nalang ako at nag-kibit-balikat. "Na-miss ko lang kasi siya, kuya. These past few months have been hard... Masyado na siyang busy sa Wolf Pack."
"Naiintindihan mo naman, diba?" tanong ni kuya at tumango ako. "Pangarap niya 'to. Matagal niya 'tong pinaghirapan at ngayon ay kasali na siya."
"Alam ko, kuya..." I smiled. "At sinusuportahan ko naman siya. Sana lang kasi kapag free time naman niya dito nalang siya, huwag na siya sumama sakanila. Ni hindi nga niya ako sinasama sa mga practices nila, e. Ayaw niya. Tapos sa unang competition naman nila hindi rin ako makakapunta dahil sobrang layo nun."
Hinawi ni kuya ang buhok ko. "Gusto mo bang pumunta? We can boon a flight. Vigan lang naman 'yon."
Sumandal ako sa balikat niya at niyakap siya. "I feel like he doesn't even want me there..."
"Imposible," mabilis niyang kontra. "Vanny, don't think like that. Masungit parin ang gagong 'yun pero mahal ka nun."
I shrugged. The first few months of our relationship was amazing. Nagbabangayan parin kami at nag-aaway pero agad din kaming nagbabati pagkatapos. We fight, kiss and make up, then fight again. Pero hindi 'yon nakakabwisit sa'min, dahil isa 'yun sa mga dahilan ng pagiging matatag naming dalawa. I annoy him, he annoys me—but, heck. We love each other at the end of the day. Normal na siguro sa'min masyado ang bangayan kaya hindi na matatanggal.
But these past few months... He got recruited by the Wolf Pack about three months ago. Alam kong matagal na niyang gusto na mapabilang sa grupong 'yon kaya tuwang-tuwa ako sakanya at lagi akong naka-suporta. The first month was great. Madami silang gig at kahit nasa likod lang si Zane noon ay unti-unti siyang napunta sa harap noong na-master na niya ang mga sayaw nila. That's my Zane! A fast learner. Very passionate indeed.
Kaso may nagbago. Sa pangalawang buwan niya, nasali sila sa isang malaking competition. Malaki ang prize money at alam kong kailangan din nila ng funds para sa props and costume nila. Noong una sinasama pa ako sa practices.... Hanggang sa hindi na. From school, diretso na siya sa practice. Kung dati andito na siya by 7PM, alas-diez na ng gabi ay wala pa siya. That's why I end up sleeping on his bed instead. Nami-miss ko siya.
And now... Nasabi niya sa'kin noong isang araw na huwag nalang ako pumunta sa competition. Kasi malayo.
I guess it... makes sense.
"Kuya... huwag nalang. Ayoko din pumunta," sabi ko at umupo ng maayos. Alam kong nakatingin siya sa'kin kaya nagkunwari akong chine-check ang nails ko. Ayokong makita sakanya ang pagdududa dahil alam kong makikita niya sa mga mata ko ang tampo.
BINABASA MO ANG
He Stole My Last Kiss
Romance"The firsts aren't always the most important ones, because they never last." ~•~•~•~•~ mswannabe