The Last Show
~•~•~•~•~•~•~
Lumapit sa'kin si kuya at inakbayan ako. He leaned in. "Sigurado ka ba?" bulong niya at alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. "Hindi naman natin kailangang pumunta. They're airing it on TV."
Umiling ako at sumandal sakanya. "Let's go, kuya... I want to watch him one last time."
Humigpit ang hawak niya sa'kin at napapikit ako nang matagal niyang dinampi ang labi niya sa noo ko. "I love you, Vanny..."
My eyes burned. "I love you, kuya. Sobra."
"Then don't leave yet..."
I smiled and just hugged him.
"Oh, ano tara na—Eh. Moment niyo ba?"
Tumingala ako at ngumiti kay Cait. "Hindi naman... Naglalambing lang si kuya."
Hindi ngumiti si Cait pero tumabi siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya ito bago huminga ng malalim. "Gusto ko na din tuloy mag-emote dahil sainyo."
"Buang ka talaga, Cait," komento ni kuya at maski ako ay natawa. "Hindi naman kami nage-emote e. Ikaw lang nagiisip niyan."
"Hindi ba?"
"No..." Natawa ako.
Nagkibit-balikat si Cait a sumandal sa'kin. "I'm gonna miss you, Vanny. I can't believe aalis ka na."
Mahinang napangiti ako at hinaplos ang likod niya. "Bibisitahin mo naman ako sa Cebu, hindi ba? Malapit lang naman," mahinang sambit ko at napapikit. Huminga ako ng malalim dahil sa biglang paninikip ng dibdib ko pero agad din 'yong nawala.
Cait nodded but said nothing else. Natahimik nalang kaming tatlo at naghintay na tawagin ang flight namin.
I kept my eyes closed.
Just imagining life in Cebu calms me. Sa pagkakatanda ko ay malapit 'yon sa beach. Glass windows and some glass doors... Wooden floors and a tropical interior. Mahilig si tito sa mga halaman kaya naman sa memorya ko ay maraming halaman sa loob ng bahay niya. Kaya hilig namin ni ate Vicky na pumunta doon dahil nakaka-relax talaga. Medyo malayo din 'yon sa ciudad kaya hindi masyadong polluted.
The perfect place for me. For my condition.
"Na-call na flight natin..." sabi ni Cody at nakita kong naguluhan siya nang makita ang posisyon namin.
Natawa ako habang si kuya Vin naman ay napailing na lamang. Cait stood up and helped me up para makaalis na kami.
"Cody, ikaw na 'to," sabi ni kuya at inabot kay Cody ang bag ko pero agad akong umapila. "Vanny," banta niya.
Umiling ako. "Kaya ko naman, kuya. Hindi naman siya mabigat e."
"Pero, Vanny.."
Napatiim-labi ako. Alam niya kung gaano ko kinasusuklaman na tinatrato nila ako na para bang wala na akong lakas. Malakas pa naman ako. Puso ko lang ang hindi.
"Kaya ko na, kuya."
"Hayaan mo na, Vin," sabi ni Cait at ngumiti sa'kin. Hinila na niya ang luggage niya. "Tara na. Baka maiwan pa tayo ng eroplano. Ayokong i-rebook 'to."
BINABASA MO ANG
He Stole My Last Kiss
Romance"The firsts aren't always the most important ones, because they never last." ~•~•~•~•~ mswannabe
