Move Seven

346 18 0
                                    

The First Dance
~•~•~•~•~•~•~•~

Nagkakatuwaan at nagiingayan kaming lahat sa dressing room ng Troopers pagkatapos malaman ang resulta. Of course, the Troopers won. Sa galing ba naman ng choreography ni kuya Vin, Angelo, at Zane ay paanong hindi? I hate Zane's guts, but I can't deny his talent when it comes to dancing.

"So, ano? Paano tayo magce-celebrate?" sigaw ni Cody dahil sa lakas ng ingay. Natawa ako nang tumalon-talon na naman si Miko at hinalikan 'yung trophy nila.

"Babe, don't do that!" agad na suway ni Cait na nakaupo sa tabi ko.

Sumimangot si Miko. "Ngayon lang!"

Napailing nalang si Cait pero hindi na nagsalita. Tumingin siya sa'kin. "Ano naman ang akala nun? Hahalikan ko siya? Kadiri lang. Ang dami nang humawak sa trophy na 'yun, e."

Natawa ako. "Grabe ka, Cait. Masaya lang naman sila. First win nila 'to this year, e. Malamang magsasaya ng sobra." Napatingin ako kay kuya Vin at kay Patricia na parehong excited na naguusap sa isang gilid. Maski si Carmella ay halatang natutuwa din. It's always a fun time when they win, which is almost most of the time. They still experience quite a few losses, though. It's normal. It's life.

"Sa Neon Heights kaya tayo mag-celebrate?" sabi ni Cody na yakap na ngayon ang trophy. It's funny because he's not even a dancer.

"P'wede!" sigaw ni kuya Vin. "Hindi masyadong mausok doon."

They all started planning at tahimik na nakinig lang kami ni Cait. This is their celebration, anyway. Pero paniguradong sasama kami, kaya umaangal din kami kapag ayaw namin 'yung plano nila. They were just planning to stay sa Neon Heights for a little while—which usually means until midnight—tapos sa bahay nina Carmella na kami tutuloy since 'yun naman ang pinakamalapit. Dahil marami kami, hindi kami magkakasya lahat sa van kaya nagsama na si Miko at Cait sa kotse ni Cody. Carmella rode with them, too. Sa center seats ng van ako umupo and, as usual, tumabi na naman sa akin si Zane. Mahina niya akong tinulak sa bintana tapos ay ngumisi siya kaya naiinis na sinabunutan ko siya.

"Seryoso kayo?" ani Angelo na nakaupo sa likod namin. "Hindi pa nga puno 'tong van nag-aaway na kayo."

Napasimangot ako. "Si Zane kasi! Bigla nalang akong tinulak!"

"Shut up, Nessa," sabi niya at nagpaikot ng mata. Tapos mahina niyang sinabing, "Drama queen."

Hinampas ko ang braso niya. "Ang bastos mo talaga kamo!"

"Mas bratinella ka naman," giit niya.

"Che!" inis na sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko.

Tumawa si Angelo at inakbayan kami pareho ni Zane. "Napakahanep niyo talagang dalawa," sabi niya tapos ay hinalikan ako sa noo.

Nakita kong kumunot ang noo ni Zane at inis niyang tinulak palayo ang mukha ni Angelo na natatawa. Inirapan ako ni Zane kaya umiwas ako ng tingin. "Nessa," diin niya.

"Ano?"

"Wipe your face," utos niya at inabot sa'kin ang panyo niya.

Nagkibit-balikat nalang ako at pinunasan ang pawis sa leeg ko. Inabot ko sakanya ang panyo. "Oh. Salamat."

"Tsk," aniya at kinuha sa'kin ang panyo. Binaliktad niya ito tapos ay pinunasan ang buong mukha ko. Tinulak ko siya palayo pero hindi siya natinag.

He Stole My Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon