Move One

534 12 1
                                        

The First Year
~•~•~•~•~•~•~

"Mama, I'm fine. At andun naman si kuya Vin, e. Hindi niya ako pababayaan," pang-anim kong sabi kay Mama. Still, mukha pading nagpa-palpitate na siya.

"Pero, Vanny, paano naman ako? 'Di ako mapapanatag kapag malayo ka sa'kin," nakasimangot ang mangiyak-iyak na sabi ni Mama sa'kin.

Nakita kong nagpa-ikot ng mata si kuya Vin na nasa likod ni Mama kaya pinanlakihan ko siya. Tumingin ako kay Mama. "Ma, napag-usapan na po natin 'to, e. Pumayag ka na nga na kina kuya ako titira, 'di ba? Uuwi naman ako every weekends, e."

"Ma," singit ni kuya at yumakap kay Mama. "Para namang wala kang tiwala sa'kin. Hindi ko naman hahayaan na mapahamak si Vanny."

Huminga ng malalim si Mama. "Kulang nalang si Vicky at talagang pinagtutulungan niyo na akong magkakapatid," sambit niya at nagkatinginan kami ni kuya. "Pero, sige. Hindi na ako magpapaka-OA. Just make sure to update me everyday, okay? Vanny, mangako ka."

"Promise, Ma." Ngumiti ako at yumakap sakanya.

She sighed. "Wala na talaga akong baby."

Tumawa nalang kami ni kuya.

~•~•~•~•~

A freshman once again, isip ko habang tinitignan ang UP Diliman main building. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'kin dito, but I sure do hope that nothing too life-changing. Baka hindi ko kayanin.

"Ready?" tanong ni kuya at tumango lang ako bilang sagot. He chuckled. "Huwag kang kabahan, okay? You'll do just fine. Mas magaling ka kaya kesa sa'kin."

Lumabi ako at tumingin kay kuya na nagsimulan nang magmaneho. "Maka-downgrade ka sa sarili," sabi ko bago tumingin-tingin sa paligid. Maraming estudyante na naglilibot: may tumatakbo, nagre-relax sa grass, nagba-bike, at mga naglalakad lang. Everyone didn't...care.

"Oo nga pala, alam mo naman na ka-apartment natin si Zane?"

Napatiim-labi ako. Every perk has its con. "Alam ko," inis na sabi ko.

"Please, Van. Subukan niyo naman na huwag laging magbangayan, okay?"

Sumimangot ako. "Nagbago na ba 'yun? Bumait na?"

"Dati parin, mas sumeryoso lang," sagot niya sa tanong ko.

Napapadyak ako. "Kuya, hindi bumait? Siya naman laging nangunguna, e!"

"Bumait nga 'yun sa'yo, e!"

"Hindi kaya," saad ko. "Mas lalo lang ako sinusungitan simula noong hinalikan niya ako!"

Ngumisi si kuya. "Hindi ka pa nakaka-get over doon, sis?"

Noong sinabi ko kay kuya ang nangyari sa amin ni Zane, imbes na magalit ay natuwa pa siya. Sabi niya dahil daw baka ibig sabihin nun ay 'di na kami mag-aaway. Pero mali silang lahat dahil mas grumabe lang ang bangayan naming dalawa, na kinainis naman ng mga kaibigan namin.

"Ninakaw niya first kiss ko!" asik ko at hinampas ang braso niya. "I still can't believe you didn't punch him!"

"Move on, jusko." Lumiko pa si kuya sa isang masikip na daan, halos hindi na magkasya 'yung truck hanggang na makapunta kami sa may parking lot na medyo malawak. "Dito ka muna, okay? Bantayan mo muna at tatawagan ko lang sila para tumulong sa gamit mo."

He Stole My Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon