The Last Promise
~•~•~•~•~•~•~•~
"Vanny, anak, asan ka na?" narinig kong sabi ni mommy at nang natawa ako ay agad niya akong nilingon. Inirapan niya ako at pinatay ang tawag kaya naman binaba ko na rin ang phone ko. "Ikaw na bata ka! Halika nga! Yakapin mo ako! Na-miss kita!"
Natatawang lumapit ako sakanya at yumakap. "Ikaw naman, ma. Parang 'di mo ako nakita last week ah?"
"Aba, e single ka pa last week e," pang-aasar niya sa'kin kaya ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko. Natawa siya at sinundot ang tagiliran ko kaya lumayo ako. "Ay ang baby ko, malaki na. Tinalo mo pa ang ate mo."
Inakbayan ko siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa mall. "Alam mo naman kasi si ate, ma. Napakasungit naman kasi non sa mga lalaki kaya walang nagkakamaling lumapit. Parang kakatayin niya lahat ng manliligaw niya."
"Vicky is just too career-driven, anak," aniya at tinapik ang kamay kong nasa balikat niya. "You cannot fault her for wanting to succeed in life."
"Sus. Si ate pa. Pero baka hindi ka na magkaka-apo doon, ma," biro ko pero sumandal lang sa'kin si mama. Buti nalang at mas matangkad ako kesa sakanya. Nagmana ako kay dad ng height, e. Hindi kay mama na halos 'di na five footer.
"Ayos lang, 'nak. Andyan ka naman at ni Vin. Sainyo nalang ako magkaka-apo," aniya.
Sa sinabi niya ay hindi ako naka-imik. Ngumiti nalang ako ng tipid at sabay na kaming pumasok sa mall kung saan kami magpapa-hair salon.
"Oh, tahimik ka bigla? Huwag mong sabihing pati ikaw hindi ako bibigyan ng apo?"
Lumabi ako. "Ma naman. Ang bata ko pa. Buntis agad?"
Kumindat si mama. "Willing siguro si—"
"Ma, yuck!" mabilis na putol ko kay mama. Minsan talaga masyadong chill si mama, pero mas madalas na OA 'yan at ma-drama. Ewan ko d'yan. Kung ano-ano sinasabi.
"Biro lang, Vanny. Huwag muna 'no! Kasal muna dapat," sambit niya at inakay akong papunta sa escalator. "Maayos naman pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw? Hindi ka nas-stress sa school?"
Nagkibit-balikat ako. "Okay lang, ma. Nakakaya ko naman po. It's bearable."
LOL. Asa pa ako. Sunog na ata kilay ko e.
"Mabuti naman kung ganon. Ang kuya mo halos umiyak na noong una siyang umuwi galing UP," kwento ni mama tapos ay pinanlakihan ako ng mata. "Huwag mong sabihin, ha? Sa'kin pa mainis 'yon."
Natawa naman ako sa sinabi ni mama. Hindi naman kailangang sabihin 'yun dahil andun din naman ako. Balak nga ni kuya mag drop out after the first month e. Magiging stripper nalang daw siya, baka mas malaki pa daw ang kita. Tarantado din 'yun e.
"Anyway... Nasabi na sa'kin ng kuya mo na mamaya daw ang huling appointment kay Dr. Fryer," sabi ni mama at tumingin siya sa'kin. Tumango ako bilang sagot at hinintay ang sasabihin niya. "Anak, tingin mo ba kaya na natin? Sainyo palang ng kuya mo ang dami niyo nang stress."
Ngumiti ako ng pilit. "Diba sinabi mo naman na kaya mo na, ma? Na hindi na kailangan ng treatment o kung ano-ano pa."
Dahan-dahan na tumango si mama at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Natatakot lang ako, 'nak... Sinabi man ni Dr. Fryer na wala nang ibang magagawa kundi maghintay," aniya at napasimangot ako nang marinig ang pagpiyok ng boses niya. Iiyak na naman siya.
BINABASA MO ANG
He Stole My Last Kiss
Romantik"The firsts aren't always the most important ones, because they never last." ~•~•~•~•~ mswannabe
