Epilogue

573 19 8
                                    

The Last Farewell
~•~•~•~•~•~•~

"Mom, andito na si Zane..." rinig kong sabi ni ate Vicky kay tita na agad namang humarap sa'kin.

Ngumiti si tita at lumapit ako para bumeso sakanya. Siniguro kong nanatili ang mga mata ko sakanya at hindi sa... Napapikit ako. Hindi sa pangalan ni Nessa.

Damn. It still breaks my heart.

"Zane, thank you for coming," aniya at niyakap ulit ako bago tinignan ang mga anak niya.

I risked a glance. Yumuko ako at tulad ng maraming beses na bumisita ako ay tumigil na naman ang puso ko. Muli ay naramdaman ko na naman ang hapdi ng pagkawala ng babaeng mahal ko.

Vanessa Decilva
A daughter, a sister, a friend.
You will be dearly missed

"—she left a letter."

Napakurap ako at napatingin kay tita. Nakita kong may hawak siyang isang manipis na envelope at agad kumabog ang puso ko. "G-galing po kay Vanessa?"

Tumango si tita at hinaplos 'yung envelope. "Hinanap ko sa kwarto niya. Nasabi kasi niya sa'kin na may iiwan siyang sulat. One I have to read with the three of you."

"Anong nakalagay, mommy?" malumanay na tanong ni ate Vicky habang si Vin naman ay tahimik lamang na nakayuko sa tabi ko. Nakatingin din siguro sa pangalan ni Vanessa.

"Bubuksan ko palang..." saad ni tita at dahan-dahan na binuksan ang envelope. Pinanood ko ang bawat galaw ng kamay niya sa munting papel.

Napalunok ako.

Sa oras na basahin 'yan ni tita, alam kong totoo na ang lahat ng 'to. Na kahit ilang beses kong hilingin sa Diyos na sana ay panaginip lang ito, hinding-hindi na ako magigising na bangungot ko. Totoong buhay na ito. Totoong wala na siya.

"She hand-wrote it," mahinang usal ni tita at binulsa ko ang mga kamay ko para itago ang mahigpit na kamao ko. Gusto kong hablutin 'yung papel mula kay tita pero ayokong maging bastos. Hihiramin ko nalang pagkatapos.

"What does it say?" tanong ni ate Vicky ulit at saglit na sinilip ang papel bago siya napapikit at lumayo. "Never mind. You... read it, mom."

Tumango si tita at tinignan muna kami isa-isa bago nagsimula.

"To the loves of my life," panimula ni tita at mabilis akong pumikit para magpanggap na si Nessa ang nagsasalita. Na galing mismo sa mga labi niya 'yung mga maririnig ko.

God, why did you have to take her?

Sa dinami-dami ng tao... 'yung mahal ko pa.

"Zane, hijo?" nag-aalinlangan na tawag sa'kin ni tita at nang dumilat ako ay hindi na klaro ang paningin ko. Nahihiyang nagpunas ako ng luha.

Tumikhim ako. "Sorry po, tita..."

Ngumiti siya at naramdaman ko ang pagtapik ni Vin sa balika ko. Napalunok nalang ako.

"To the loves of my life," ulit ni tita at kita ko ang panginginig ng mga labi niya. "Thank you for giving me such a wonderful life. I'm sure all the angels and all the saints will be jealous of the love you gave me and the happiness you made me feel.

He Stole My Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon