Last update of the year. Enjoy the holidays, lovelies! Happy New Year!
The Last Boyfriend
~•~•~•~•~•~•~•~
"Freud is one of the most significant figures in the field of Psychology. His theories are all considered to be gruesome and controversial, especially during his time but..."
Kinagat ko ang labi ko at sumilip sa papel ni Drew dahil mas mabilis siyang magsulat kesa sa'kin. Hindi ko pa nasisimulan ang isang sentence patapos na 'yung prof namin sa pangalawang sentence niya. Grabe siya! Hindi ba p'wede hinay-hinay lang? Ibang klaseng armalite naman ang bunganga niya!
Natawa si Drew sa tabi ko kaya sumimangot ako sakanya. "Huwag ka," inis na bulong ko sakanya pero mahinang natawa lang ulit siya.
"—especially his theories on the id, ego, and superego. Study it well. We will have a test on Freud next time. Bring your papers on Pavlov's theories and research structures. Now."
"Menopause na talaga si ma'am," angal ng katabi kong si Adie at agaran naman akong tumango habang kumukopya parin sa notes ni Drew. Ang ganda ng sulat-kamay niya, mas maganda pa kesa sa'kin. All caps lahat.
"Hindi mo ginawa 'no?" pang-aasar ni Drew sakanya. Sumulyap ako kay Adie at nakitang napanguso siya. Natawa nalang ako at binalik ang atensyon sa ginagawa. "Bakit hindi, Ads? Binigay 'yon last week pa ha."
"Inuna ko kasi 'yung homework ko sa Chemistry. E walang hiya, nagkamali ako the first time kaya inulit ko e halos dalawang araw ang kada experiment," ulat ni Adie. Tumingin siya sa'kin. "Notes ba 'yan? Pakopya!"
"Osige," ani ko at inabot sakanya ang notes ni Drew na tapos ko na. Nag-stretch ako at napahikab. "Grabe. Gutom na ako."
"Hindi ka pa kumakain?" tanong ni Drew kaya napailing ako. Siniko niya si Adie. "Ads, dalian mo diyan. Kain tayo nina Vanny sa labas. May malapit na kainan dito, masarap daw."
"Saan?" Sa banggit niya kasi ng pagkain ay mas lalong nagutom ako. Mistake na konti lang kinain ko kanina. Dapat binusog ko nalang ang sarili ko kanina. Nakakainis kasi si Zane e. Inuna pa akong pakiligin kesa pakainin. Bastos! Porke nakaugalian na kada umaga ako nilulutuan ay ganyan na siya. Kainis 'yon. Pa-fall siya masyado. Hay nako.
"Tara na, Vanny?" aya ni Adie at tumayo na.
Sumunod na din ako at naglakad na kami palabas ng room. Pero bago pa kami makalabas ay agarang bumalik sa loob si Adie dahil nakalimutan niyang ipasa 'yung mga short answer questions namin na ginawa kanina lang. Natawa nalang kami ni Drew. Ulyanin na minsan ang babaeng 'yon.
"Remember that time nakalimutan niyang mag-tsinelas?" paalala ni Drew kaya mas natawa ako. Pumasok kasi si Adie na naka-paa lang dahil sa pagmamadali niya. Kinailangan pang magmaneho ni Drew papunta sa malapit na store para bilhan siya ng tsinelas.
"Oo. And that time na pumasok siya sa Chem class pero Psych naman ang class niya dapat," hagikhik ko. Tawang-tawa ako noon dahil mukha siyang ginahasa nang pumasok sa room kahit hindi naman. Akala mo kung sinong na-eskandalo.
"Oh, Adie." Natatawang napailing si Drew tapos nginitian ako. "Kahit ganon 'yun, mahal ko parin 'yon."
"Ayiie!" asar ko at kinurot siya sa tagiliran kaya ngumisi siya. "Aminin mo na kasi sakanya. Malay mo gusto ka din niya."
BINABASA MO ANG
He Stole My Last Kiss
Romance"The firsts aren't always the most important ones, because they never last." ~•~•~•~•~ mswannabe
