Daniella Ann's POV
Nakasandal ako sa isang puno malapit sa gym ng school namin. Umiiyak. Nang biglang may lumapit sakin na lalake. Gwapo siya at sigurado akong cold at snob to. Ito naman kasi yung pinagaabalahan ng mga babae sa school ko. Umupo siya kalevel ko. Kumuha ng panyo at pinunasan yung luha ko.
"Tama na pagiyak, padating na dito ang mga classmates natin. Alam kong ayaw mo na madatnan ka nilang ganto." I smiled. Ang gaan ng loob ko sa taong ito.
Umalis na siya at tumayo na din ako. Tapos..........kinakausap ko yung dalawang babaeng loka loka sa tapat ko.
"Pinahidan ako ng luha at nagsmile." Paborito ko tong pagkain. Porkchop!!
"OMG girl yung kausap mo. Si ano yun! Si..." Biglang nagpop ang pangalang Tris Dexter....
At nagising na ako mula sa maganda kong panaginip. Di ko alam kung bakit Tris Dexter ang nagpop sa panaginip ko. Sana talaga di na ako nagising.
"Anielle baba na! Late ka nanamang bata ka! Kung mag alarm ka tuwing umaga!" Highblood na naman si mamadame.
"Sige ma. Ligo na ko." Pagkatapos ko mag ganon ganto ganyan ay bumaba na ang mahal na prinsesa.
"Oh eto bag mo." Bato sakin ni mamadame.
"Ate lunch box mo!" Binato sakin ni Gabby.
"Phone mo Gabby." Binato ko sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Pag nabagsak ang maganda kong phone, ipapalit mo yung sayo." Umalis na si Gabbingsungit. Sus! Kasalanan ko pa talaga pag di niya nasambot.
"Mamadame alis na ko." Sabay diretso sa labas. 5 minutes lang papuntang school so lalakarin ko nalang. Di pa naman ako laaaate.... 7:43! Kailangan ko tumakbo. Takbo pa! Kaya mo yan! Hanggang sa nakarating na ako sa school ko. 7:47! Kaya pa to! Tumakbo ako papuntang classroom. 7:49. Pumasok ako ng nagmamadali. Umupo sa upuan ko at pinagmasdan ang mga maiingay kong kaklase. 7:50 late ka na at pag pangatlo mo nang 7:50, absent ka na. Di ka na papapasukin sa classroom. Ang sama nila noh? Saktong 7:50 pumasok si Miss Macapagal.
"Project. Deadline: the day after tomorrow. By partners. Make a poster indicating the global warming. Highest 95% lowest 85% no project 65% at bagsak sa card. Okay start now." Mabilis na pagkakasabi ni Miss. Alam na partner ko.
"Mae! Partner tayo!" Sabi nung boy na nasa likod. Uyyy si Kyle, crush ni Mae ahahaha. Lam na kung bakit. Magaling magdrawing itong loka lokang to.
"Sige kayo na lang magpartners. Kay Alyssa nalang ako." Sabagay magaling din magdrawing itong si Alyssa. Ako lang naman yung hindi eh. Magaling lang sa designs at letterings.
Tumingin ako kay Alyssa at aba! May kapartner! Yung dalawang babaeng kasama ko nung malungkot ako, masaya ako, galit ako at mga kung ano ano pa. They've abandoned me!
Nagtanong tanong ako kung sino walang kapartner at ito akoo ho hooo walang kapartneeer. Gagawa mag isaaaa.
Habang nagdadrama ako sa isip ko, may pumasok. "Mr. Sanchez, late." Miss M. faced us. "Our new student, Tris Dexter Sanchez." Then BOOM! Napatitig na lang ako. Tris Dexter Sanchez? Tris Dexter? TD? Yung napaginipan kong tao kanina? Na ngayon nasa harapan namin.
"Tris Dexter. Call me Dexter." Biglang may nag raise hand. Tiningnan ko kung sino ito. Yung sikat ko palang kaklase.
"May i call you Tris?" Tapos nagwink. Porket pinakasikat sa section namin ganyan na?
"Never call me Tris." Sobrang sama ng tingin niya na natakot na lang si GirlPopular. Umupo siya..sa bakanteng upuan. Hindi sa tabi ko ah! Inexplain naman ni Miss M. Yung project namin sa kanya.
"Who's gonna be my partner?" Tanong niya ng mahina, pero rinig ko pa rin. Hehehe, lakas ng pandinig ko noh?
"Uhmm...Dexter, you can choose me." Pagpapacute nung babaeng panget. Yuckk!
"Sino wala pang partner?" Tanong ni Miss M. I raised my hand. So talaga ako lang ang walang partner? Naalala ko tuloy ang ginawa sa akin ng mga babaeng traydor! Bago pa ako magsimulang mag-drama, nakita kong tumayo si Dexter at pinaalis yung katabi ko. Umupo siya so katabi ko na siya ngayon.
"Kainis naman! Dapat pala di mo na ako partner! Edi sana partner ko si Dexter!" Pagmamaktol ni MissPopular.
"Ang gwapo talaga niya!" Kinikilig na sabi nung panget kanina. Ako? Eto naglelettering.
"Di bagay pag pinagdikit si dexter dun kay Anne! Baka mahawaan ni Anne si dexter! Diba may virus yan? The Crazy-Anne-Virus." Salamat talaga! Thank you ah! Pinaalala niyo pa sakin yung PAST. Na nagdrama ako naghabol muntik na magpakamatay dahil sa isang lalakeng linoko ako. Makikita nila akong tumatawa tapos iiyak. Diba parang sa mga baliw yun? Tumatawa lang naman ako para hindi ako maiyak pero naiyak pa rin ako. Tapos pinakalat nung chismosa yung Crazy-Anne-Virus na sobrang lame.
Lame name. Sino ba ang nagpasikat niyan? Mairecommend nga sa kakilala kong magaling sa English at magsulat ng storya. Kadiri talaga yung pangalan.
"I'll draw, you color." Nag okay sign na lang ako. Wala ako sa mood makipagusap. Nagscribble scribble na lang ako sa papel. Lumabas na si miss m. Dumating si math teacher. "Ok class..........."
Blah blah blah. Bakit pa kasi naimbento ang Math? Nakakainis. Ang hina ko pa naman sa numbers. Tapos pag magdidiscuss, easy lang daw. May paeasy-easy pa eh pagdating naman sa exam, bagsak lahat.
Gulo nila noh?
"Miss Mendoza, are you listening?" Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang bilis naman ni Math. Kalalait ko palang sa kanya, may karma na.
"Honestly ma'am, hindi po. Hindi ko nga po maintindihan ang sinasabi niyo. Puro x. Bakit ma'am? Di pa po kayo nakaka move on?" Casual kong sagot. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.
"Get out!" Waaahh! Wala na ang napakilinis kong record! Kasi naman, bakit pa ako sumagot? Napalabas tuloy huhu.
Pero okay na rin 'yon, atleast hindi ako magsusuffer na makinig ng halos isa't kalahating oras para lang sa Math na 'to.
Kinuha ko na ang bag ko at ngumiti ng matamis sa aming guro.
"Sorry po ma'am. Don't worry, send ko po yung link sa inyo kung paano mag move on sa ex niyo." At pagkasabi ko non, ramdam ko ang galit niya. Waahh! Ang sama ng tingin niya! Bakit ganon? Ako na nga ang naginitiate tumulong, siya pa galit!
"GET OUT!" Napatakbo na lang ako sa labas at narinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko. Huhu, pano na yan? Goodbye record na malinis T^T
----------------------
Author's note
So how's the first chap guys? Sorry kung napangitan kayo. I'm not really good at this. But it's worth a try right? ^^
Edited:
Binasa ko ulit 'to at hindi ako makapaniwala na ganito pala ako magsulat dati, hahaha! Revised it for you ^-^
![](https://img.wattpad.com/cover/56643176-288-k205421.jpg)
BINABASA MO ANG
Tris Dexter
Teen FictionSi Daniella Ann Mendoza: ang babaeng napaginipan ang isang lalake na di niya akalaing makikita at mame-meet niya sa personal. Si Tris Dexter.