Daniella Ann's POV
Hayyy salamat at hindi ko na gagawin ang mga assigns ni Dexter ^o^ Pero ngayong week, magiging temporary girlfriend niya ako and I'm nervous.
"I know that you're aware that you'll be my temporary girlfriend right?" Nagnod na lang ako. Haayy marami akong magiging haters, specially girls.
"Good. Sa harap lang ng iba tayo mag aacting." Sabi niya. Nag nod uli ako. Pumasok na kami sa cafeteria ni Dexter, nakaholding hands. Habang naglalakad kami, nagtitinginan yung mga tao, lalo na yung mga babae.
"OhMyGod! Bakit sila magakaholding hands? Sila na ba?" Tanong ng isang babae. Nagbubulungan ang mga tao. Shet kinakabahan ako.
Dumeretso kami sa table namin. Nakita ko si Mae, Alyssa, Amor, Clyde na naka ---> 0_0 We just sat.
"Kayo na?!" Tanong ni Mae na may pagka shock. Nakita kong kumapit si Kyle. Umupo siya sa tabu ni Mae.
"Gosh! Kailan pa?" Tanong ni Amor. Bumuling ako kay Dexter.
"Pwede ko ba sabihin sa kanila ang totoo? Please? Ang awkward kaya." Bulong ko. Nag sigh siya at nag nod.
"Guys! Wag niyo sabihin to kahit kanino. Kyle, Mae, Amor kayo pa naman yung madadaldal. Clyde! I don't trust you pa. Alyssa ala--" Bakit ba mahilig mamutol ng mga sasabihin ang mga tao ngayon?
"Oo na!" They said in unison.
"May deal kasi kami ni Dexter, kapalit nung pagbubugbog ng kapatid ko sa kapatid niya. First week, I'll be his slave. Second week, ako gagawa ng mga assigns niya. Third week, which is basically ngayon, magiging temporary girlfriend niya ako para pagselosan si Tonette. Kung magseselos. Fourth week, tutulungan ko na mapasakanya ulit si Tonette. Talk about desperate." Tiningnan ko si Clyde. Tiningnan ko din si Dexter and he rolled his eyes.
"Don't blame me! I love her." Sabi niya at uminom ng pepsi.
"If you love her, you should let her go. Masaya na siya kay Drake." Sabi ni Mae. Kyle pinched her cheek.
"Ouch! What was that for?" Tanong niya habang rubbing her cheeks.
"Nothing. You're just cute babe." Nagwink siya kay Mae. Ampula na ni Mae.
"Here they come." Sabi ni Alyssa. Tiningnan ko ang pinto. Here they are.
"Ready?" Bulong ni Dexter. Nag nod ako. I hope this goes well. Kumuha ng kutsara at nagscoop si Dexter ng ice cream. Sinubo niya ito sakin. Kumuha din siya ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Shemaay! He held my chin. Kalma heart!!
"Nakatingin ba sila." Bulong niya. In my peripheral vision, nakita ko silang nakatingin. Shocked maybe.
"Yep. Seems like it's working." Bulong ko. He smirked. In my peripheral vision, naglakad na sila papunta sa isang table.
"Nakaupo na sila sa isang table." Bulong ko. He let go of me. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Bumukas ang pinto at lumantad si Gabriella. Naglakad siya papunta samin.
"Is it true? Kayo na daw?" Tanong niya. Wow. The news is spreading really fast.
"Yeah." Nagsmile si Dexter sakin. Yung smile niya na nakakamelt. Nag smile ako pabalik, trying my best not to put a forced smile, instead a genuine smile.
Di pa rin makapaniwala si Gabriella. She scowled at pumunta na sa table ni Louisse. Not before looking at Clyde.
"It's working." Sabi ni Dexter. Humarap na ako sa table at kumain.
"I swear Daniella na sobrang pula mo as in." Sabi ni Kyle at kumain ng sandwich.
"I don't want attention." Sabi ko at umiwas ng tingin.
"Oh please! Parang di mo na ata napansin yung mga taong nakapaligid satin dahil dun sa ginawa ni Dexter eh." Sabi ni Alyssa. Hu hu! Akala ko kakampi ko siya!
"H-hindi kaya." Nauutal kong sabi. Way to go Alyssa. Tumawa naman sila.
"Did you enjoy?" Sabi ni Dexter ng naka smirk.
"No." Sabi ko with a straight face.
"You'll be used to it." Sabi niya at kumain ng ice cream. Wait does that mean na nag indirect kiss kami??????
"Ibang spoon to." Natatawa niyang sabi. Nag blush ako.
"Anong pinagsasabi mo?" Sabi ko acting innocent.
"Oh come on! Halata na iniisip mo na nag indirect kiss tayo." Sabi niya sabay tawa. I just scowled. This is gonna be hard. Tris Dexter Sanchez' girlfriend? Oh for crying out loud!
BINABASA MO ANG
Tris Dexter
Teen FictionSi Daniella Ann Mendoza: ang babaeng napaginipan ang isang lalake na di niya akalaing makikita at mame-meet niya sa personal. Si Tris Dexter.
