Daniella's POV
"Hoy Sanchez! Tapos na ako! Alis na ko bye." Naglakad ako ng mabilis pero hinila ako ni demonyo.
"You'll walk with me." Naks ah!
"Tse! Maglalakad ako mag-isa." Sinubukan kong tumakas pero paglingon ko, nakita ko siya, kasama yung bago niyang girlfriend. Napalingon ako kay Dexter na kasalukuyang tinitingnan yung babaeng kasama nung ....ughhh!!!! Pumunta na ako sa classroom at baka mawitness ko pa ang sweetness nilang nakakasuka. Ok Daniella bitter ka lang! Akala ko ba naka move on ka na! Oo nga akala ko eh! Pero sa tuwing nakikita ko siya, hindi lungkot pero galit ang nararamdaman ko. Pumasok naman si Dexter at umupo sa tabi ko.
"Hoy! Doon upuan mo." Tinuro ko yung upuan niya. Katabi ko si Mr. Nerd na saviour ko tuwing may assignments at quizzes kami.
"Ako na magiging katabi mo simula ngayon." Tss..hindi ko na pinansin tong gwapong demonyo sa tabi ko. Did i just say gwapo? Totoo naman. Naalala ko yung nakita ko kanina. Siya. Siya ang dahilan kaya takot na ako magmahal ulit....
(Flashback)
"Daniella, will you be my girlfriend?"
"Uhmmm...Drake, bawal pa kasi ako sa mga ganyan..."
"Promise Daniella, I'll do anything for you. Just be my girlfriend."
Nagisip si ako.
"Sige, sasagutin na kita." Yinakap ako ni Drake ng mahigpit.
"Promise I'll do anything for you. Thank you Daniella, I love you." Sabi ni Drake habang yakap ako.
"I love you too Drake." Sagot ko.
(One day)Akala ko ba gagawin mo ang lahat para sakin? Bakit ka nakipagbreak?
"Daniella...sorry..pero may gusto na akong iba. Let's break up." Walang emosyon niyang sabi.
"But you promised that you'll do anything for me. Why break up?" Umiiyak kong sabi.
"Ginawa ko na ang lahat para sayo, ano pa bang gusto mo?" Bakas sakanyang mata ang pagka-irita.
"Wag mo ko hiwalayan! Please Drake! Masakit! Ginawa ko ang lahat! Muntik na akong mapalayas ng mama ko nung nalaman niyang boyfriend kita! Tiniis ko lahat ng nabaeng naiinggit saakin!" Umiiyak kong sabi.
"Problema mo na yan. Basta may gusto na akong iba. Magmove on ka na sakin" Walang emosyon niya paring sabi.
"Sa tingin mo ba madali lang mag move on?" Umiiyak kong sigaw.
"Madali sa mga taong nangloloko." Umalis na siya. So all this time linoloko niya lang ako? Paano mo nagawa sakin to Drake??
(End of flashback)
Siya, siya yung nakita ko kanina. Tumangkad siya at lalo naging gwapo. It's been a year nung nagbreak kami. Tuwing naaalala ko yung nangyari, nawawala ako sa mood.
"Color this now." Sabi nung katabi ko. Kinuha ko yun at kinulayan nang nakatungo.
"Is there a problem?" Tanong niya. Hindi ko na lang siya sinagot. Nang matapos na ako sa pagkukulay, tumayo ako at naglakad palabas. 7:15. May oras pa pala akong lumabas ng campus. Pagkalabas ko, nakita ko siya....mag-isa...seems like he noticed my presence kaya lumingon siya.
"Daniella??"
-------------
A/N
Wew! Parehong may sad past sina Tris
(Don't call me that=_=)
(:P)
At si Daniella. Sorry for the short update guys! I really need to study XD
BINABASA MO ANG
Tris Dexter
Novela JuvenilSi Daniella Ann Mendoza: ang babaeng napaginipan ang isang lalake na di niya akalaing makikita at mame-meet niya sa personal. Si Tris Dexter.