Chapter 26: Confession

17 3 0
                                    

Daniella Ann's POV

"Sus! Ngayon mo lang narealize? Matagal na naming alam yun hahaha!" Sabi ni Mae ng malakas. Haayyy! Bunganga talag nito! Pede ba itape?

"Ano ng gagawin koooo?" Tanong ko. Hindi naman pwedeng iwasan ko siya forever diba?

"Aba! Hindi ko hawak puso mo." Sabi niya.

"Advice?" Kahit advice lang! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko eh.

"Confess." Sabi niya with a straight face. Wait, confess? Oh no! Di ko kaya yun T__T

"Alam mo namang di ko kaya yun diba?" Sabi ko sakanya. Ehhh! Mahirap kaya mag confess.

"Bakit?" Tanong niya. Pero parang alam niya din naman ang sagot. I sighed.

"Natatakot ako..." Sabi ko.

"Natatakot saan?"

"Natatakot ma-reject." Sabi ko. I sighed deeply. Hindi ba yun ang kinakatakutan ng mga tao pag mag-coconfess? Ang ma-reject.

"Alam mo girl, kailangan mo ilabas ang mga nararamdaman mo para gumaan ang loob mo. Sa tingin mo, pag di mo sinabi, di ba parang mabigat sa loob?" Sabi niya. Hayyy!! Oo nga naman. Pero kinakain ng takot ang confidence ko eh!

"Paano kung mareject ako?" Tanong ko. Now, she sighed.

"It's worth a try right? At pag nareject ka, atleast nasabi mo sakanya diba? Atleast wala ka ng tinatagong mabigat." Tama nga naman siya noh? It's worth a try.

Inhale...

Exhale....

Inhale.....

Exhale.....

Kaya mo yan Daniella. Kaya mo yan! Aja!

"I'll find him. Bye! Thanks for the advice! I know na mapagkakatiwalaan ka pagdating sa mga gantong bagay." She laughed and waved.

Hinanap ko si Dexter pero hindi ko siya nakita. Hindi ko din siya nakita kaninang umaga. Kahapon lang yung last na pagkikita namin, tapos di na siya unattend ng afternoon classes. Nag aalala na ako.

Hinanap ko siya sa field, library, classroom, gym. Inikot ko na ata ang buong school, pero hindi ko parin siya nakikita. Baka nasa labas siya ng school?

Lumabas ako ng school ng makita ko siya. Tumingin siya sakin.

"Drake? Bakit ka nandito?"  Yep, si Drake.

"Ah...hinihintay ko lang si Tonette."

"Ah, nakita mo ba si Dexter?" Tanong ko.

"Kasama niya si Tonette ngayon. Naguusap sila. Bakit?" Bakit ako nakakaramdam ng sakit? Para bang PANG!

"Ah...wala..." Tangi kong sabi. Bakit sila naguusap? Napansin ni Drake ang pagababago ng mood ko.

"Wait, are you jealous?" Tanong niya, smiling. What? Sheeemaay! Ganon ba ako kapredictable?

"Ha? H-hindi a-h!" Shet! I'm stuttering. I hate it whenever I'm stuttering! Halata eh!

"Daniella, you're lying." Natatawa niyang sabi. Namula naman ako. Buking!

"Okay fine, I am. Ikaw? Hindi ba?" Natahimik siya. Oh sabi na nga ba eh! He's jeeeaaalouus!

"Look! Silence means yes." He stared at me sadly. Ha? May ginawa ba akoooo?

"The truth is...I'm not." Ha? Bakit naman? Diba girlfriend niya si Tonette?

"Huh? Why? Don't tell me pinaglalaruan mo lang si Tonette? Na di mo siya gusto? Na di mo siya mahal?" Sunod sunod kong tanong. He broke my heart just for nothing?

"It's a long story. And yes, I'm jealous. I'm jealous of Dexter, not because of Tonette, but because of you." Sabi niya. Napanganga ako, sa isip ko lang. So selos siya dahil nagseselos ako kay Dexter at Tonette. Dont tell me....

"Yes, I still like you." Sabi niya. What the effing shiz? Siya nakipag break tapos ganyan lang sasabihin niya?

"What the eff Drake? Break na tayo, in fact ikaw ag nakipag break sakin. Tapos maririnig ko lang gusto mo ulit ako?" Now I'm angry.

"I still like you Daniella. Hindi kita nagustuhan ulit, gusto kita noon pa. Mahal kita noon pa. There's a reason why I broke up with you at hindi dahil may gusto na akong iba." Sabi niya. What the eff is happening?

Nakita kong may lumabas sa ice cream shop. Napangiti ako sa nakita ko. Si Dexter. Pero napa frown ako ng lumabas si Tonette. At...yinakap ni Tonette si Dexter ng matagal. Hindi bumitaw si Dexter pero hindi din naman siya yumakap pabalik.

Umatras ako, akmang lalayo ng hilahin ako ni Drake at yinakap. Nagulat ako at hindi nakagalaw pero ng natauhan ako, tinulak ko siya.

Tiningnan ko si Dexter. Nakatingin siya samin with a blank face. He walked towards me, he walked past me. Tiningnan ko siya pero blank lang ang mukha niya.

"Dexter!" Tawag ko pero di siya lumingon. Tinawag ko ulit siya pero hindi siya lumingon. Hinabol ko siya, ano ba problema niya?

"Ano ba problema mo?" Tanong ko. He just stared at me with a blank face. That blank face of his is already bugging me.

"Wala." Matipid niyang sagot. Tumalikod na siya at naglakad. Nagsalita ulit ako.

"Dexter, I--I..." I hate it when I'm stuttering. Lumingon siya and stared at me.

"What?" Tanong niya. Naramdaman ko ang puso kong tumitibok ng mabilis. Ano? Sasabihin ko na ba?

"Dexter, I-I...uhmm.." Mukhang nainip na siya dahil di ko masabi ang aking sasabihin kaya nag lakad na siya muli. Tumigil siya ng sumigaw ako.

"TRIS DEXTER SANCHEZ, I LIKE YOU!"

...............

................

...............

I just confessed to Tris Dexter Sanchez.

---------------

(A/N)

Sorry for the late update guys! Examinations week kasi T__T buti naisingit ko pa to haha. Don't forget to vote. Siya nga pala, kaway kaway dun sa mga single at walang kadate sa valentines👋🏻 Tsaka dun sa mga walang natanggap! Okay lang guys you're not the only one! Bitter ko talaga hahaha. Si God nalang ka date ko sa Feb 14! 😇

#BitterMuch

#LoveYourself

Tris DexterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon